"DAPAT magagalit ako, eh! Namatay ang nanay ko at nasa kulungan pa rin ang tatay ko. Kayo ang sumira sa buhay ko, Della. Ang kapatid mong si Cruz!" galit na galit kong sigaw habang nanlilisik ang mga matang nakatuon sa lalaking nasa driver seat. Nagprisinta si Della na ihatid ako at nasa tapat na kami ng bahay namin. Nagtitimpi lamang ako kanina. Ayokong maging bastos sa harapan ni Mr. Cruz. Pero sa loob loob ko, nagpupuyos ako sa sobrang galit. Paano niya nakukuhang umakto na parang wala lang sa harapan ko? Na kaswal makipag-usap kahit alam nito ang nangyari sa buong pamilya ko. "Aaminin ko, ang kapatid ko ang nagpakulong sa tatay mo. At huli ko na nalaman ang dahilan. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo, Mel. Na ilalabas ko ang tatay mo sa kulungan." "Hindi ko kailangan ang tulong mo.

