LUISEE Mabilis na lumipas ang mga araw. Buwan na ng kapanganakan ko. Masigla akong bumangon sa aking higaan. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo. May pasok ako kaya naman inagahan ko ang gising. Ewan ko ba. Iba ang sayang nararamdaman ko ngayon. Paglabas ko ng banyo ay narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si tatay iyon. Nagtaka naman ako dahil bukas pa ang birthday ko. Excited na siguro ang mga ito na batiin ako. Nakangiti ko naman sinagot ang tawag ni tatay. "Tay, good morning po," masigla kong bati sa kabilang linya. "Good morning din anak," ganting bati sa akin ni tatay. "Sol, ang anak mo." Tawag ni tatay kay nanay. "Hello, anak, Happy Birthday!" masiglang bungad na bati sa akin ni nanay. Tumawa lamang ako sa siglang iyon ni nanay. "Buk

