HARU
Alas dos ng madaling araw nagising ako dahil tumunog ang aking mobile phone. Kinuha ko iyon sa bedside table. Pupungas-pungas ang mata ng tiningnan ko ang screen kung sino ang tumatawag. Napamura ako ng mapagsino iyon. The f**k! At this hour, Syke is calling?
Sasagutin ko na sana ang tawag ng tumigil naman ito bigla. Kumunot ang aking noo ng may gumalaw sa tabi ko. Sinulyapan ko iyon at nagulat ako ng makita ko kung sino 'yon.
"s**t! She's still here?" kumakamot sa ulo na tanong ko.
Ni hindi ko nga alam ang pangalan ng babae na nakasiping ko. Nakilala ko lang ito sa bar na pagmamay-ari ni Zick. Isa sa mga kaibigan ko. Pinakilala ni Zick sa akin ang babae pero, hindi man lang rumihistro sa utak ko ang pangalan nito. Ganoon palagi ang nangyayari, hindi ko natatandaan ang pangalan ng mga babae na nakikilala ko. Hindi naman ako interesado pa na alalahanin.
Pinasadahan ko ito ng tingin. Tanging kumot lang ang nakatabing sa hubad nitong katawan. Maganda ito, matangkad dahil isa itong modelo, pero hindi ako interesado sa babae na ito. She's only for s*x. Hinayaan ko lang siyang matulog. Tsk! Mas pipiliin ko pa na maging single na lang habang buhay kung katulad nila ang makakasama ko. Pangkama lamang sila para sa akin. Not unless…
"f**k! Hell no! She's always driving me crazy for almost 10 years. Kanyang pangalan lang din ang paulit-ulit na rumi-rehistro sa utak ko. Napasabunot ako, not again.
Sa dami ng pinagdaanan ko this past few years pakiramdam ko ay hindi pa din ako kuntento. I am now a successful businessman. Ako na ang naatasan na mag-manage ng kumpanya simula ng pumanaw ang aking ama two years ago na ang nakalilipas.
I have no choice, because I'm the only son. I've done everything but why does it seem like something is still missing? Parang may kulang pa din sa pagkatao ko. Tumunog ulit ang phone ko pero hindi na si Syke ang tumatawag. This time it was Drixx.
"Ano ba problema ng mga 'to at tinatawagan ako ng ganitong oras?" bulong ko.
"What?!" naiinis na sagot ko saka tumihaya ng higa.
"Woah. Dude, it's just me. Your friend, remember?" tila nang-iinis pa nitong sagot.
"What is it dude?" tanong ko ulit.
"Hey baby who's that?" tanong ng nagising na katabi kong babae saka Yumakap ito sa akin na agad kong tinanggal ang kamay nito.
"Mind your own business," sabi ko at tinalikuran ko ito.
"Whatever, Mr. Cold man."
Hindi ko siya pinansin, sanay na akong tawagin na ganoon. Walang pakialam na lumabas ako habang tumatawa si Drixx sa kabilang linya.
"I'm sorry if interrupt your sweet moments but this is important than s*x, dude. Syke is calling but you didn't answer his call."sabi nito.
"I was about to answer but he turned off the call. So what is this all about and you two can no longer wait until it's morning?" I asked irritably.
Dinig ko ang buntong hininga nito. Hindi naman siguro problema ang sasabihin nito. Gusto ko muna ipahinga ang isip ko dahil kakatapos ko pa lang ayusin ang problema na iniwan ng magaling kong pinsan sa Canada. Gumawa kasi ng eksena sa isang hotel ang pinsan niyang si Hander. Anak ito ng kapatid ng ama niya. Lagi na lang ito gumagawa ng problema. Wala naman iba mag-ayos ng problema nito kun'di ako.
Mabuti na lang at malapit lang ang venue ng meeting ko with the new member of the board. Halos dalawang buwan din ako namalagi sa Canada para sa pagpapatayo ng bagong hotel. Kakauwi ko lang kagabi. Dumiretso lang ako sa bar ni Zick para mag-relax.
"I have a good news and bad news dude," tila nagdadalawang isip pa ito kung sasabihin o hindi. Well, he has no choice but to tell me. Dahil naistorbo na niya ang tulog ko.
"What do you want me to say first? Good or bad?" tanong nito.
"What the? Just say it. I'm running out of patience Drixx," naiirita na talaga ako sa pambibitin ng kaibigan ko. Kung hindi lang ako kilala ng mga ito malamang hindi sila magtatagal na kausapin ako.
"Easy dude, just calm down and take a deep breath," sabi nito.
Fuck! I hate Drixx for being like this. Bakit hindi na lang tumawag ulit si Syke. Mas direct to the point pa iyon.
"The good news is we found her," sa narinig ay napabalikwas ako. Umupo ako sa kama habang gumalaw naman ulit ang katabi ko.
Tumayo ako at pumunta sa glass wall kung saan kita ang labas. Parang biglang tumigil ang mundo ko sa sinabi ni Drixx. I felt the familiar beats started inside my chest.
"Where?" tanong ko agad.
"Island of Catanduanes. She's been there for almost 3 years," I heard his deep sigh again. Bakit parang may kakaiba pa sa susunod na sasabihin nito.
"So,what is the bad news?" mabilis na tanong ko. Bigla akong kinabahan sa maaari niyang isagot.
"The bad news is…" Hinintay ko siyang magsalita dahil tila hirap ito sa bibitawang salita.
"She's engaged,"para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Ang pag-asa ko na malaman kung nasaan siya ay naglaho na parang bula.
"No! It can't be." wala sa sariling nasabi ko.
"T-to whom?" tila nahirapan pa ako sabihin iyon. Kailangan kong malaman kung kaninong lalaki siya ikakasal.
"Do you remember Earl? Earl Quisedas?"
tanong nito.
"Yes, of course. How can I forget that f*****g bastard?" mabilis na sagot ko.
"He is her fiancé." para akong pinag bagsakan ng mabigat sa dibdib sa narinig.
Is this really true? Sa dami ng lalaki bakit siya pa? I clenched my fist. May biglang naglaro sa utak ko. I am Haru Stevan and no one can beat me specially that man. I defeated him before and I can do it again now.
"Do you have plan dude?" tanong ni Drixx na tila nakatunog ito sa pananahimik ko.
"I have always a plan, you know me," may determinasyon sa bawat salitang binitawan ko na tinawanan naman nito.
"Of course, the Haru Stevan I've known is back. Well, anyways we're always here to support you dude. Pasensya ka na at hindi ako nakarating kagabi. Welcome back dude," he said before he ended the phone call.
I started calling the ones I should call. I have a lot to ask her and she can do nothing but answer me because if she doesn't give me an answer, I will do what I should have done for a long time when I was with her.
I don't care if she was already engaged to that man. No one else will own her but me, Only me. Alam niya iyon, Iniwan niya ako ng hindi man lang nagpaalam. Kahit pa hindi totoo ang lahat sa amin noon. I need an explanation. Hindi ko na palalampasin pa ngayong alam ko na kung nasaan siya at kahit pa engaged na siya.
Kinabukasan ay inayos ko ang dapat ayusin. Nagbilin ako sa sekretarya ko na kapag may importante na tungkol sa kumpanya ay tawagan ako kaagad. Isang linggo lang ang kailangan ko. Dapat sa isang linggo na iyon ay may sagot na akong makuha sa kan'ya.
Isang matagumpay na ngiti ang aking pinakawalan. Tila sumasang-ayon naman sa akin ang gusto kong mangyari. Hindi ko ini-expect na tatawagan ako ni Mr. Quisedas. Dumungaw ako sa labas kung saan nakikita ko ang mga sasakyan na paroo't-parito.
Maganda din ang view sa kinatatayuan ko kung saan kita ko ang mga nagtataasang building.
"Tomorrow night? Ok then,expect me there Mr. Quisedas, Thank you. Bye,"pinutol ko na ang tawag. Mr. Quisedas is one of a friend of my father. Naging malapit din ako sa kanya. Kaya ng malaman nito na namatay na ang Papa ko ay nagpaabot ito ng pakikiramay. Ayon dito ay may gaganapin na salu-salo bukas ng gabi sa mansion nito.
Ngayon ko lang narinig ang Isla na iyon. Maganda umano ang Isla ayon sa paglalarawan nito. Maraming magagandang attraction pero hindi iyon ang pupuntahan ko. Tatlong taon pa lang siya sa isla. Nasaan siya ng pitong taon?
Tatawagan ko si Drixx kahit pa pabitin ito magsalita. I was about to call him when I heard the familiar knocks at my office. Napangiti ako, I need advice from them. Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng aking opisina.
"Good morning, dude,"sabay-sabay nilang bati sa akin habang lumapit ang mga ito at Isa-isa nila akong niyakap. How I missed this three. Nakangiti ako habang pinanuod na umupo ang mga ito sa couch.
"Do you already know the news?" tanong ni Zick. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Magaling magbasa ng iniisip ang kaibigan ko kay dumungaw ako sa labas. Kailangan din nila malaman ang plano ko.
"So you have a plan huh?" dugtong nito.
"Will you support me?" tanong ko sa kanila.
"Then, what are you still doing here?" bulalas ni Syke. Nakapamulsa akong humarap sa kanila bago nagsalita.
"I called Butch." tukoy ko sa piloto ng sariling chopper ko.
"Aalis ako mamayang tanghali. May mga dapat lang akong ayusin bago umalis,"paliwanag ko. Kita ko ang makahulugan ngumiti ng mga kaibigan ko.
"Finally, you are no longer a coward now," sabi ni Drixx. Sabay na nagtawanan ang mga ito kaya napakamot ako ng batok. Alam ko kung ano ang tinutukoy nila. "Hanggang kailan ka doon?" tanong ni Drixx.
"One week."tipid kong tugon.
"One week?!"sabay nilang bulalas.
"Anong magagawa mo ng isang linggo, dude?" tanong ni Syke. Marahil hindi nito maisip na sa loob ng isang linggo ay maaayos ko na ang lahat. Kahit ako hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin.
"Don't tell me you will ruined her engagement party?" biro ni Drixx. Magandang ideya din iyon, pero dahil hindi naman ako ganun ka-disperado na gawin iyon. Gusto ko lang ng kasagutan. Umupo ako sa tabi ni Zick.
"I just need an answer?" sagot ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
"That's it?" tanong ni Drixx.
"Nauna ka naman sa kan'ya hindi ba?" paalala nito. Sa sinabing iyon ni Drixx ay binatukan ito ni Syke.
"Aww, what? May mali ba sa sinabi ko?" tanong nito na hinimas pa ang ulo.
"What do you mean 'nauna', ni hindi nga nakahawak ni Haru sa kamay ni Lui."
Totoo iyon, hindi ko magawang hawakan ang kamay niya dahil may kasunduan kami noon. Pero may hindi sila alam na nagawa ko noon dahilan para mapapayag ko si Lui na mahawakan ko siya.
"Ten years ago pa 'yun. After all, pabor lang 'yung hiningi ni Haru. Hindi niya pag-aari si Lui noon. He has no right to owned her. You already know that, dude." baling sa kan'ya ni Zick.
Isa sa gusto kong ugali ni Zick ay direct to the point din ito tulad ni Syke. Si Zick ang bad boy sa aming apat pero magaling ito hindi lang sa pakikipag-away noong nag-aaral pa kami. Magaling din ito magbigay ng payo.
"Well, I guess dapat sa isang linggo makuha mo na ang sagot, dude," Saad ni Drixx.
"Paano kung wala kang makuhang sagot sa loob ng isang linggo?" tanong naman ni Syke. Natigilan ako, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang gagawin ko kapag wala akong nakuhang sagot.
"Kukunin sa santong paspasan," sabat ni Zick. He smirked, sinamaan ko ng tingin si Zick. He already knew what I'm thinking habang nagtatawanan kaming tatlo.
Pagsapit ng alas dose ng tanghali ay eksaktong nasa taas na ng building ang chopper. Nakangiting sinalubong ako ni Butch.
"What's up, bro! Welcome back!" bati nito sa akin bahagya nitong nilakasan ang boses gawa na malakas ang tunog na nanggagaling sa chopper.
Tumingin ito sa likod ko.
"Ikaw lang!?" tanong nito. Hindi kasi niya nakita ang tatlo kong kaibigan na madalas kong kasama.
Tumango ako, sumulyap din siya sa kamay ko.
"Wala kang dala?"
Alanganin akong ngumiti at kibit balikat lang ang naging sagot ko.
"Well, i guess this is so important dahil hindi mo na nagawang magdala ng gamit. So, let's go the,"saad nito.
Ayun dito ay 30 to 45 minutes ang byahe mula sa maynila hanggang sa Isla. Hindi nga nagkamali ang internet. Mula sa himpapawid ay tanaw ko kung gaano kaganda ang Isla. Sagana ito sa yaman ng kapaligiran. Bakit hindi man lang ito mai-feature sa mga TV advertisements. Kapag sinabi ko ito sa mga kaibigan ko kung gaano kaganda sa Isla ay tiyak na magsisisi sila na hindi nila ako sinamahan.
Niyaya ko ang tatlo na sumama pero tumanggi ang mga ito. May mga gagawin daw silang importante. Balitaan ko na lang daw sila kapag nagkita na kami. Pagdating sa helipad ng Quisedas Hotel ay may nakaabang na sa akin. Napag-usapan na din namin ni Mr. Quisedas na ito na ang bahala sa tutuluyan ko. He suggest their own hotel kaya dito ako tutuloy. Umalis na din ang chopper na sinakyan ko matapos akong ihatid dito.
"Mr. Haru Stevan?" tanong ng lalaking sumalubong sa akin. Tumango ako.
"We already prepared a room for you, Sir," sabi nito saka tumingin ito sa likod ko. Nang hindi niya makita na wala akong dala ay naglakad na ito. Sumunod ako sa kan'ya. Hindi ganun kalaki ang hotel pero maaliwalas iyon.
We're on a elevator ng may dalawang babae na pumasok. As usual malagkit ang tingin na pinupukol ng mga ito sa akin pero wala ako sa panahon na magkama ng babae ngayon. Iginiya ako ng lalaki sa isang kwarto, maliit lang iyon pero maganda ang loob.
"Sir, if you need anything else just call our information desk." sabi nito.
"Thanks. Anyway, what is your name?"tanong ko.
"Andrew, sir." sagot nito.
"Andrew, do you have department store here inside your hotel. I need to buy clothes," sabi ko. Nakaawang lang ang bibig nito, hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang sinabi ko.
"Y-yes sir. But outside the hotel," nauutal ito habang nagsasalita.
"Ok, thank you. Ok lang ba na samahan mo ako mamili? Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa lugar ninyo." sabi ko habang nakatingin dito at nakitang napabuga ito ng hangin.
"Mabuti na lang marunong kayo mag tagalog sir. Mauubusan ako ng english sa inyo. Sige po sir, tumawag lang po kayo sa information desk. Hanapin po ninyo ako sa receptionist doon." nakangiti nitong tugon habang napapakamot sa ulo.
"Ok then thanks," sabi ko at tinalikuran ko na siya.
"Sana nandito si Lui. Magaling sa english iyon." mahina nitong wika pero narinig ko ang pangalan binanggit niya. Binalingan ko siyang muli. Paalis na ito ng humarap ako.
"Excuse me, Andrew. What did you just say?" tanong ko. Gusto ko makasiguro kung tama nga ang narinig ko.
"S-sir, ano po 'yun?" takang tanong nito.
"'Yung sinabi mo kanina. I mean yung pangalan na binanggit mo." sabi ko na hinihintay kong magsalita siya. Pero nanatili lang siya nakatitig sa akin. Is he gay? f**k!
"Never mind,"sinara ko na ang pinto ng aking kwarto. Napapraning lang siguro ako. Sabagay hindi lang naman nag-iisa ang pangalan niya. Naupo ako sa kama. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Hindi pa pala ako kumakain. Minabuti kong lumabas muna ng kwarto. Pagbaba ko ay naghanap ako ng resto. May ilan na napapatingin sa akin. Hindi pa ba sila nakakakita ng mukhang banyaga dito sa lugar nila? Sabagay probinsya ito. Hindi din kilala ang Isla. Baka bihira lang ang mapagawi sa lugar nila na mga katulad ko. Iisa lang ang nakita kong kainan kaya minabuti kong doon na lang kumain. Naupo ako sa bakanteng mesa.Pakiramdam ko ignorante ako sa lugar na ito. Paano ba umorder dito? Dapat pala nagpasama ako kay Andrew.
May babae na lumapit sa akin na naka-uniform.
"Good afternoon sir, welcome to happy island. What is your order, sir?" nakangiting bati nito sa akin. No wonder they're all smiling. This place is called a happy island.
"Give me your best delicacies," sagot ko ng hindi ito tinapunan ng tingin.
"All sir?" tiningnan ko siya. Napaatras ito ng bahagya.
"No, the best food."maikli kong tugon.
"O-ok sir," mabilis na sagot nito saka tumalikod na ito.
"Putik, Pogi uy," narinig ko pang sabi nito. Ano ba salita dito?
Hinihintay ko itong makabalik. Pagbalik nito ay may kasama na ito na naka-formal attire na babae. She served me the food, dalawang putahe iyon. Hindi ko alam kung anong luto iyon. May kasama din na kanin at isang lemon juice.
"Good afternoon, sir. I am the manager here. I hope you like two of the dishes we were proud of. This is Garlic Steamed prawns," turo nito sa malaking dinner plate na nakalagay. It was like shrimp.
"And this one is Steamed Mud Crabs. Cooked in coconut milk and ginger," tukoy naman nito sa isa pang plato. Tumango-tango ako dahil mukhang masarap naman.
"Would you like to try our Laing sir cooked also with coconut milk?" suhestiyon nito. Hindi ko alam kung ano tinutukoy niyang pagkain pero sapat na sa akin ang hinain nila.
"No, this would be enough. Thank you," tanggi ko.
"Ok sir. If you need anything else don't hesitate to call her," magalang nitong wika. Nang tumalikod ang mga ito ay narinig ko ulit ang ibang salita nila.
"Sabi sa imo ma'am gwapo," na ang ibig sabihin ay sabi sayo ma'am gwapo. Humagikgik ang babae na nag-serve sa akin.
"Iyo baga. Kahuna ko ga singyaw ka sana."
akala ko nagbibiro ka lang. Naghagikgikan na ang mga ito. Napailing na lang ako. Baka kailangan ko isama lagi si Andrew para may translator ako. Masarap nga ang pagkain nila. Pero hindi na ako umorder. Pagkatapos kong kumain ay tinungo ko ang information desk. Tinanong ko si Andrew sa babae na nakatoka doon.
"Wait for a while sir. I'll just call him in his area." nagmamadali itong nagtipa sa telepono.
"Kuya jobert. Si Andrew igwang gahanap," may naghahanap kay andrew, sabi nito which is I don't understand.
"Ha. Ah, halat ihahapot ko ngun-a."
sandali lang itatanong ko. Binalingan ako nito. "Sir, your name please."
"Haru Stevan." tipid kong sagot.
"Kuya, Haru Stevan daa."tumangu-tango ito. Kalauna'y binaba na ang telepono.
"Sir, he's on his way." tumango lang ako.
Pagdating ni Andrew ay niyaya ko na siya agad. Mabilis naman akong nakapamili. Mga ilang damit para sa isang linggo na pamamalagi sa Isla at isusuot ko para bukas ng gabi. Bumili din ako ng toothbrush at sabon kahit pa mayroon sa hotel. Naligo ako kaagad ng makarating sa aking kwarto. Ayon kay Mr. Quisedas may ipapahiram itong sasakyan sa akin. May mag-da-drive sa akin patungo sa mansion nila at pabalik ng hotel ay ako na ang magmamaneho. Which is good for me. Ayoko may nagmamaneho para sa akin. Pasalampak ako nahiga sa kama. I can't wait to see her.