Chapter 8

2623 Words
LUISEE Hindi agad ako nakapasalita sa tinuran nito. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko rito. Seryoso ba siya? Dahil sa sinabi nito ay hindi ko napigilan ang matawa. Sino ba naman ang hindi matatawa? Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad nito na mala-artista ay may pabor na hihingin sa katulad ko na isang ordinaryong babae lamang. Ang mas lalo pang nakakatawa ay ang magpanggap ako na girlfriend nito. "Seryoso ka ba?" tanong ko sa gitna ng pagtawa. Halos maluha-luha na ako sa kakatawa ng tumigil ako dahil seryoso lang itong nakatingin sa akin. Sa palagay ko ay hindi nga ito nagbibiro. Mukha nga itong seryoso sa sinabi nito. "Sixteen years old lang ako. Bakit hindi na lang 'yong iba ang hingan mo ng pabor?" tanong ko sa kan'ya. Nilagay nitong muli sa bulsa ang ID ko. Nabahala ako sa ginawa nito. Ano ba ang gusto nitong mangyari? "Just answer me," seryoso nitong wika. "Paano kong hindi ako pumayag?" panghahamon kong muli sa kan'ya. "Hindi mo makukuha ang ID mo. Ayaw mo naman siguro magbayad ng penalty hindi ba?" pananakot nito saka tumayo. Sa sinabi nitong iyon ay nainis ako. "Gan'yan ba talaga kayong mayayaman? Pinapaikot ninyo sa palad ninyo ang tulad kong walang laban? Dahil ba freshman lang ako ay magagawa mo na ang gusto mo sa akin?" bahagyang tumaas ang boses ko. "Hindi bale na. Sayo na 'yang ID ko. Hindi naman siguro ganoon kamahal ang penalty. Magtitiis na lang ako sa sermon ng nanay ko at ang pagalitan ako ng mga prof ko. Salamat sa pagkawang-gawa Mister Haru Stevan." Pangongonsensya ko sa kan'ya. "Gwapo ka pa naman pero kabaliktaran naman ng ugali mo." Sabi ng bahagi ng utak ko. Tumayo ako at tinalikuran ko na ito. "I know who signed your scholarship. He's my father's friend. I can talk to the person who signed your papers and in just one blink of an eye you will lose what you worked for." Muli nitong pananakot sa akin. Sa narinig ay nagpantig ang tainga ko. Marahas ko siyang hinarap. "Tinatakot mo ba ako? Dahil lang sa hindi ako pumayag na maging girlfriend mo tatanggalan mo ako ng karapatan na makapag-aral? Hindi ako makapaniwala na may taong nag-i-exist na katulad mo!" pagkatapos ko sabihin iyon ay walang paalam na lumabas na ako ng silid. Nakita ko sa labas ang tatlong kasama nito sa library. Pakiwari ko ay nag-uusap ang mga ito at hinihintay na lumabas kami. Sabay-sabay ang mga ito na tumingin sa akin nang lumabas ako ng pintuan. Nakangiti ang mga ito. Tila alam ng mga ito ang pinag-usapan namin ng naiwan sa loob. May sasabihin sana ang una kong nakilala pero dere-deretso akong naglakad. Hindi ko sila pinansin at nilampasan ko ang mga ito. Narinig ko pa ang usapan ng mga ito. "Dude, what happened?" tanong ng isa. Marahil lumabas na ang kausap ko sa silid. "Did she agree?" sabi naman ng isa pa. Pagkatapos itanong iyon nang nagsalita ay nagtawanan ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero wala na akong balak alamin pa iyon. Ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin nakukuha ang ID ko. Hindi ko parin sinasabi sa aking magulang ang nangyari. Tiyak na pagagalitan nila ako lalo na ng aking ina. Iniisip ko pa kung paano ko makukuha ang ID sa lalaking iyon. Ang sama ng ugali niya. May kondisyon pa siyang hinihingi. Bakit ba naman kasi nahulog ko pa iyon? Araw ng sabado ngayon. Dapat bukas makuha ko na ang ID ko. Mabuti na lamang at hindi ako sinisita ng guard kapag pumapasok ako sa entrance. Nagsabi na rin ako sa mga professor ko na nawawala ang ID ko. Wala naman silang ibang sinabi kung hindi ay naiintindihan daw nila. Ang sabi ko ay kukuha na lang ako ng bago kahit magbayad ako ng penalty pero nagtaka ako dahil naging pare-pareho ang mga sagot nila. Huwag na raw ako kumuha ng bago. Tutal sa bibig naman nila nanggaling ay hindi na nga ako kumuha ng bago. Nabawasan na rin ang problema ko. Kung hindi ko nasulosyonan iyon ay wala na akong magagawa kung hindi sabihin sa magulang ko na nawawala iyon kahit hindi naman. Ang sabi ni nanay ay kapag may problema ay magsabi ako. Ngunit anong ginagawa ko ngayon. Hindi ko sinabi sa kan'ya. Ayoko kasi may isipin pa sila. Dahil wala akong magawa sa dorm ay nagpasya akong maglakad-lakad at maghanap na rin ng mapapasukang trabaho. Tumigil ako sandali. Nasa tapat ako ng isang shop na sa tingin ko ay magbubukas pa lamang. Malapit iyon sa entrance ng University na pinapasukan ko. Susubukan ko mag-apply kahit part-time lang. Inayos ko ang sarili para maging prisentable ako tingnan. Baka kasi nasa loob ang may-ari. Sayang ang pagkakataon kung hindi ko susubukan. Dahil wall glass iyon ay sumilip ako mula sa labas. Nag-aayos ang mga tao sa loob ng mga gamit. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok. Huminto ang mga gumagawa sa loob nang mapansin ako. Natulala naman ako ng mapansin ko ang isang matangkad na lalaki. Napakagwapo nito at base sa mata nito ay may lahi rin ito. "Sarado pa kami Miss," sambit ng isang inipit ang boses para maging boses babae iyon. Ngumiti ako sa nagsalita. "Pwede po ba ako mag-apply?" tanong ko. "Girl, tatlo lang ang kailangan namin. Pasensya ka na ha," maagap nitong sagot. Nadismaya naman ako sa naging sagot nito. Siguro hindi para sa akin ang araw na ito. "Gan'on po ba. Sige po, maraming salamat." Tumalikod na ako sa mga ito. "Ilang taon ka na?" huminto ako sa akmang paglabas ng pinto ng marinig ko ang malamyos na tinig. Pumihit akong muli paharap. Hindi ako sigurado kung sino sa kanila ang nagsalita dahil tatlong babae ang nasa loob. Napukaw ng aking atensyon ang isang magandang babae na nakangiti. "Sixteen po, pero malapit na po ako mag-seventeen," maagap kong sagot sa aking edad dahil baka hindi sila tumatanggap ng bata sa shop. Naglakad ang magandang babae sa sulok at naupo ito roon. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nakahahalina ang pagbitaw ng ngiti nito. "Halika muna. Let's start the interview." Nang sinabi nito iyon ay nabuhayan ako ng loob. Mabilis kong tinungo ang kinauupuan nito at umupo ako sa tapat niya. "What's your name?" "Luisee po. Luisee Strella," sagot ko. Tumango tango ito. "Ang gusto ko lang sa shop ko ay ang mapagkakatiwalaan. Kahit wala kang gawin ay ayos lang dahil ayoko pakialaman ang gustong gawin ng staff ko. Sila na rin naman siguro ang mahihiya kapag tatamad-tamad sila 'di ba?" sabi nito saka tumawa ng mahina. Napakaganda niya. Puno ako ng pagkamangha at paghanga sa babaeng nasa aking harapan. "Mapagkakatiwalaan n'yo po ako, ma'am. Masipag po ako. Kailangan ko lang po talaga ng part-time," paliwanag ko. "D'yan ka nag-aaral?" turo nito sa Stevan University. Tumango ako bilang tugon. "Opo. Freshman po ako," saad ko pa. "Hmm… I see," may tiningnan ito sa mga kasama nito sa loob. Sinundan ko ang tingin nito. Nakatingin ito sa gwapong lalaki. "What do you think, Lucas?" tanong nito sa kausap. Nagkibit-balikat ang tinawag nitong Lucas. "Oh c'mon, Dee. It's not my shop, it's yours," tugon nito. Mahinang tumawa ang aking kaharap. "Okay, you're hired. Give me your contact number so I can call you if the shop is open," sambit nito. Mabilis kong binigay sa kan'ya ang cellphone number ko. Nagpakilala ito sa akin. Siya si Ate Jaydee Antonio. Sinabi nito sa akin na h'wag ko na raw siyang tawaging ma'am dahil masyado raw pormal. Siya ang owner ng shop at napag-alaman ko rin na kaibigan nito si Kuya Lucas. Nakakapanghinayang na magkaibigan lang silang dalawa dahil bagay pa naman ang mga ito. Pinakilala rin ni Ate Jaydee sa akin ang kasama ko sa shop. Ang sabi ni Ate Jaydee ay tatawagan niya ako kapag nagsimula ng mag-operate ang shop. Tinanong nito ako sa schedule ng pasok ko. Dahil pang-umaga ang klase ko ay pang-hapon ang binigay nitong schedule na pasok ko sa shop. Natuwa ako dahil napaka-down to earth nitong tao. Maging si Kuya Lucas ay ganoon din. Lumipas ang mga araw ay hindi ko na iniisip ang nawawala kong ID. Balang araw maiisip din ng lalaking iyon ang ginawa niya. Makalipas ang isang linggo ay tinawagan ako ni Ate Jaydee dahil magbubukas na raw ang shop nito sa lunes. Labis ang tuwa na naramdaman ko dahil magkakatrabaho na ako. Sinabi ko rin iyon sa aking mga magulang. Hindi naman tumutol ang mga ito dahil iyon naman daw ang gusto ko. H'wag ko lang daw pababayaan ang aking paga-aral. Baka raw sa susunod na buwan ay lumuwas si tatay dahil may mga pinagawa rito ang mga Quisedas. Kilala kasi ng magulang ko ang pamilya ng mga Quisedas. Nagsimula na akong magtrabaho sa shop ni Ate Jaydee. Maganda ang pakikitungo nila sa akin kahit ako ang pinakabata sa kanila. Hindi nila ako tinuring na iba. Para kaming pamilya sa loob ng shop. Masaya sila kasama lalo na si Ate Josa. Gusto ko matawa dahil hindi ko pa alam kung ano ba itatawag ko sa kan'ya. Kaya hindi ko rin mabanggit-banggit ang pangalan nito. Naglakas loob na rin akong itanong sa kan'ya na kung ayos lang ba na tawagin ko siyang ate. Tinawanan pa niya ako ng tinanong ko iyon. Kasalukuyan ako naglalakad papasok ng shop. Minsan ay nahihiya na rin ako pumasok dahil pakiramdam ko ay sinasamantala ko ang kabaitan ni Ate Jaydee sa akin. Ang sabi kasi nito ay ayos lang kahit ano'ng oras ako pumasok dahil nga nag-aaral ako. Pero dahil malaki ang utang na loob ko kay Ate Jaydee, kapag maaga natatapos ang klase ko ay agad akong pumapasok kahit alas-dos ang binigay nitong oras sa akin. Pinapasukan ko rin ang araw ng sabado at linggo para makabawi na rin sa mga araw na hindi ko agad napapasukan ang oras na binigay nito. Malapit na ako ng matigilan ako. Para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan. Nahagip ng mata ko ang apat na lalaki sa loob ng shop. Kausap ng mga ito si Ate Jaydee. Nag-alangan tuloy ako kung papasok ako o hindi. Pero ayoko ma-disappoint si Ate Jaydee kaya kahit ayoko sila makita ay pumasok ako ng shop na hindi ko sila tinatapunan ng tingin. Nagkunwari akong hindi ko sila nakita. Pumasok agad ako ng baking station. Ayoko makita ang mukha nila lalo na ang Haru na iyon. Naghuhugas ako ng mga tray ng pumasok si Ate Jaydee. "Kilala mo ba sila?" tanong nito sa akin. "Sino po?" patay malisya kong tanong habang nagpupunas ng tapos ko ng hugasan na mga tray. "Hmm… mabait naman ang mga iyon. Kapitbahay sila ni Lucas. Nagugulo lang ang shop ko kapag sila ang dumating. Alam mo na, pinagkakaguluhan ang kagwapohan nila," tumawa si ate Jaydee pagkatapos nito iyon sabihin. Alanganin naman akong ngumiti. Lumabas na rin si ate Jaydee at ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Naghanap pa ako ng pwede ko gawin sa loob ng baking area ngunit nagawa ko na yata ang mga iyon. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka ako lumabas ng baking station. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala na ang apat sa loob ng shop. Dahil may ideya na ako na kilala ng apat ang may-ari ng shop ay inaasahan ko na kahit umiwas ako sa mga ito ay makikita at makikita ko parin sila. Saka ko na lang siguro iisipin ang muli naming paghaharap ng Haru na iyon. Ang mahalaga sa akin ay ang pag-aaral at ang trabaho ko. Nang matapos na ang trabaho ay pinauna na akong pinauwi ni Ate Jaydee kahit ayoko pa. Ang dahilan nito ay kailangan ko pa ng oras para makapagpahinga dahil may pasok pa ako kinabukasan. Hindi na rin ako nangatwiran kay Ate Jaydee dahil alam ko naman na ang kapakanan ko ang iniisip nito. Minabuti ko na lamang ang sundin ito. Hindi pa man ako nakakalayo sa shop ay tanaw ko na ang tatlong lalaking nag-uusap at nagtatawanan. Tumigil lamang ang pag-uusap ng mga ito ng mapansin ako. Habang papalapit sa mga ito ay hindi ko maiwasan hanapin ang isa sa mga kasama nito. Ipinilig ko ang aking ulo. Ano ba nangyayari sa akin? Hindi ko gusto ang ugali ng lalaking iyon dahil masyado siyang mayabang. Ang taas ng tingin niya sa kan'yang sarili. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba lalo na sa katulad ko na gusto niya tanggalan ng karapatan para mag-aral. Pero bakit hinahanap ko siya? Nakangiti ang tatlo na sinalubong ako. Ngunit hindi ko pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Papadilim na rin sa daan at ayoko abutin ng gabi. "Lui, hop in. Ihahatid ka na namin." Dinig kong wika ng isa. Gusto ko matawa dahil isa lang naman ako na gusto nilang ihatid pero tatlo silang magkakasama. Hindi ako sumagot at ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Wala akong balak magpahatid isa man sa kanila. Hindi ko nga sila kilala para sumama ako sa kanila kahit gwapo pa sila. "C'mon, Lui. Baka mapatalsik kami ng wala sa oras sa university dahil hindi mo kami pinaunalakan. Where just trying to be friendly." Pakiusap ng isa pa. Huminto ako sa paglalakad at pumihit ako paharap sa mga ito. Nakataas ang kilay na tinitigan ko ang mga ito isa-isa. "Kung inutusan kayo ng kaibigan n'yo na kumbinsihin ako, pwes, wala kayong mapapala sa akin. Maghanap kayo ng magpapanggap na girlfriend ng magaling n'yong kaibigan. Hindi n'yo ako makukuha sa pagiging friendly n'yo. Hindi effective." Pagtataray ko sa mga ito at tinalikuran na ang tatlo. "Dammit. Zick, do something. Kilala mo si Haru. Kapag wala tayong ginawa, maghanap na tayo ng mapapasukang university bukas." Naaalarmang wika ng isa. Huminto akong muli dahil sa aking narinig. Gaano ba ka-impluwensya ang Haru na iyon at ganito kadesperado ang mga kaibigan nito na ihatid ako? "Why me? Drixx, try to convince her. Ikaw ang magaling sa ganito." Sagot naman ng tinawag na Zick. "You both coward. Kapag nalaman ito ng mga magulang ninyo ay pagtatawanan pa kayo dahil sa kaduwagan ninyo," Marahil ang tinawag na Drixx ang nagsabi niyon. "Nasaan ba kasi ang magaling nating kaibigan? Bakit tayo ang nandito at hindi siya?" dugtong pa nito. Pumihit ako paharap sa mga ito. Tumigil ang isang lalaki na papalapit sa akin. Lumapit ako sa mga ito. Alanganin na ngumiti ang tatlo sa akin ng makalapit ako. "Iparating n'yo kay Haru Stevan na iyon na kahit patalsikin pa kayong tatlo sa university ay hindi magbabago ang isip ko. Hindi ako makukonsensya sa gagawin niyang pagpapatalsik sa inyong tatlo. Hindi nga s'ya nakonsensya na hindi ibalik sa akin ang ID ko. Tinakot pa niya ako. Kaya pasensya kayo kung mapapaalis kayo sa university. Magdusa kayo." Bawat katagang binitawan ko ay may diin para iparating sa mga ito na hindi ako nagbibiro. Gusto ko tumatak sa mga isipan ng mga ito na hindi lahat ng tulad ko ay mapapasunod ng mga katulad nilang may sinasabi sa buhay. Hindi nila maaaring tapakan ang dignidad ko bilang isang simpleng mag-aaral. Wala akong narinig na salita sa mga ito. Nanatiling lamang na nakatitig ang mga ito sa akin. "Sabihin n'yo 'yan sa kan'ya, ha?" pukaw ko sa pananahimik ng mga ito. Sabay-sabay naman tumango ang tatlo. Inirapan ko pa ang mga ito bago tumalikod at nagsimulang maglakad papalayo sa tatlo. Napapangiti naman ako dahil dinig ko ang bawat salitan ng tatlo sa pagmumura. Kahit ano'ng gawin nila na pagkumbinsi sa akin ay hindi nila ako mapapapayag. Kahit hindi pa ako nagkaroon ng kasintahan ay hindi pa naman ako ganoon kadesperada para magka-boyfriend kahit magpapanggap lang ang gagawin ko. Dalangin ko na sana ay matauhan ang Haru na iyon sa ginawa niya sa akin. Sana ay hindi ko na siya makita sa loob ng university.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD