HINDI maiwasang magtaka ni Henri at kanina pa tahimik ang nobya niya. Tila may kinakabalisahan ito. Nasa loob sila ng sasakyan ng mga oras na iyon. Kakasundo lang niya rito. "Hey, baby. Are you alright?" Sabay hawak sa kamay nito. Doon naman ito bumaleng sa direksyon niya. Marahan itong ngumiti sabay tango. Napakunot-noo si Henri. "Bakit ang tahimik mo?" Pinisil niya ang kamay nito. "May ginawa bang 'di maganda ang may-ari --" "No, wala," maagap na sagot nito. "May gusto lang akong sabihin sa iyo." Kumagat labi ito. Dahil sa pagmamahal, hinalikan pa niya ang kamay nito. Ipinaramdam niya na wala itong dapat ikabahala. Halata kasi sa mukha nito ang pag-aalinlangan sa kung anoman ang gusto nitong sabihin. "Say it, baby." Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito. "Sa cond

