MAHINANG ungol ang kumawala sa labi ni Elena, hanggang sa dahan-dahan siyang napamulat ng mga mata. Ramdam niya ang bigat ng pangangatawan niya. Halos madaling araw na siyang pinatulog ni Henri. Naka-ilang round na naman kagabi. Kung bakit, wala pa ring kupas ang pagiging mainit nito sa kama. Lalo lang gumaling sa pakikipagbakbakan! Gigil na gigil kagabi e! Mabagal siyang bumangon habang napapahikab. Mabuti na lang at wala siyang pasok ng araw na iyon. Nakakapagtaka nga kung bakit pina-day off siya ni Belenda. Lalo siyang nagtaka at bayad naman daw ang araw niya kahit hindi siya pumasok. Utang na loob daw nito ang pagpayag niya sa pagmomodelo kahapon. Hindi pa rin iyon nababanggit ni Elena sa nobyo lalo na't gabi na rin at ayaw niyang doon pa sila magtalo. Napangiti siya nang makita

