"SIT." Napaangat ng tingin si Elena. "Are you deaf?" masungit nitong bigkas sa harapan niya. Biglang napalunok si Elena. Hindi niya akalaing gugustuhin nitong kumain, kasalo siya. May kung anong kiliting naramdaman si Elena. Gusto tuloy niyang umasa na may nararamdaman pa rin ito sa kanya. Ngunit, nagulat si Elena nang.. "Lagyan mo ng pagkain ang pinggan ko." Pasimpleng napakagat-labi si Elena. Nilagyan niya ang pinggan nito, ramdam niya ang mga titig nito sa kanya, ngunit pilit binabalewala ni Elena. Hanggang sa nagsimula na itong kumain. "Hindi ko sinabing umalis ka diyan." Biglang naudlot ang akmang pagtayo ni Elena. Buong akala niya kasi, sasabay siya sa pagkain nito. Masyado siyang naging assumera. Yumuko na lang siya habang hinihintay itong makakain. Nang mapapitlag

