ILANG katok ang nagpa-angat nang tingin ni Henri. Si Gail. Kaagad iniiwas ni Henri ang tingin nang makita ang suot nito. Ilang araw na niyang napapansin na lalong umiiksi ang suot nito. Masasabi niyang ang laki ng pinagbago ni Gail simula nang subukan nitong manamit pangbabae. Gusto niyang isiping may nagugustuhan na ito, isa sa mga empleyado niya. Ayaw lang niyang magtanong at labas na iyon sa trabaho. Kahit naman nagkasama sila noon sa trabaho bilang Mafia, hindi niya hangad makialam sa personal na buhay nito. Inilapag nito ang isang envelope sa harapan niya. "Sa kompanyang 'yan natanggap ang nobya mo, Sir Henri." Kaagad iyong binuksan ni Henri. Curious siya kung saang kompanya pinili ng nobya niya. "KZ Modeling Agency?" kumunot ang noo ni Henri. Tumango ito. "Wala akong

