TANGHALING tapat. Natigilan si Henri nang makitang nasa loob ng kusina ang kasintahan. Buong akala niya pumasok ito sa trabaho nito. Inaasahan niyang sa kabila ng mga nangyari, papasok pa rin ito sa kompanyang iyon. Nang bigla itong humarap. Lihim na napalunok si Henri nang makitang namamaga ang mga mata nito, tanda nang pag-iyak. Hindi man niya ito gustong saktan, ngunit mas higit siyang nasaktan sa katigasan ng ulo nito. Kung hindi niya ito pinapabantayan sa isang tauhan niya, marahil tuluyan na itong napahamak sa kamay ng mga gagong iyon. Matinding takot at galit ang naramdaman ni Henri - kulang na lang patayin niya ang apat na lalaki, lalong-lalo na ang hayop na Joven na iyon! Ngunit sa bugso ng pagmamahal sa nobya at gusto niya ring patunayan na nagbago na nga siya pinigilan

