ILANG sunod-sunod na katok ang nagpabangon kay Elena. Ang kanyang inay. "Anak, bakit hindi ka pa nagbibihis? Kailangan nating pumunta nang maaga sa bahay nila Don Abier," wika nito sa kanya. Napahikab si Elena. Ang totoo, tinatamad siyang pumunta, hindi dahil sa ayaw niyang makita ang dalawang mag-asawa. Kundi dahil sa lalaking Henri na iyon. Ilang Linggo niya rin itong hindi nakita at talagang sinadya niyang huwag pumunta sa hacienda. Simula nang nangyari sa malaking talon, 'di na siya ulit pumunta roon o kahit sa hacienda man. Nagtataka nga ang kanyang mga magulang ngunit mas pinili na lang niyang itikom ang bibig kaysa malaman nito ang nangyari sa talon. Tiyak na iisipin ng mga ito na pinagsamantalahan siya ng gurang na iyon at posibleng ipakasal siya rito! Hindi niya hahayaa

