ILANG araw nang nanghihina si Elena at ilang araw na rin niyang hindi nasisilayan si Henri. Bumalik ito ng Maynila dahil may mahalaga raw itong gagawin. Nalaman niyang ito pala ang CEO ng sariling kompanya nito. Hindi inaasahan ni Elena na ganito siya maaapektuhan - palibhasa nasanay siyang lagi itong nakikita at nakakasama. Ramdam niya ang matinding kalungkutan. Hindi niya maikakaila na sobra na niya itong namimiss! Namimiss niya ang mga halik at haplos nito! Lalo na sa tuwing pinapaligaya siya nito sa pamamagitan ng daliri nito na talaga namang nagpapatirik ng kanyang mga mata Isang pitik ang nagpakurap kay Elena. Ang ngising-ngising si Laila. Kunwa'y naman niya itong inirapan dahil alam niyang mangungulit na naman ito. "Namimiss mo na si Sir Henri, no?" Umiling siya na siyan

