CHAPTER 9

1353 Words

DAHIL sa inis, napabangon si Henri sa sariling higaan. Hindi mawala-wala sa kanyang isip ang mga salitang binitiwan ng dalagang si Elena. Kitang-kita niya sa magandang mukha nito ang pagkadisgusto nito sa kanya - naiintindihan naman niya ito lalo na't sinabi na nito ang tipo nito sa isang lalaki. Isang binatang hindi nalalayo sa edad nito. Ngunit hindi siya ang tipo ng taong sumusuko sa isang bagay na nagugustuhan niya. Gumalaw ang panga ni Henri. Hindi niya maitatangging nasasaktan siya sa mga salitang binibitiwan nito sa kanya. Walang araw yatang hindi siya napapahiya sa harapan nito. Labis-labis ang pagtitimpi niya at alam niyang wala pa sa tamang edad si Elena. Ngunit titiyakin niyang bago man sumapit ang debut nito, mag-iiwan siya ng markang hindi nito malilimutan! Ang tangi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD