ILANG buntong-hininga ang pinakawalan ni Elena bago marahang kumatok sa opisina ni Joven. Ito ang unang pagkakataong pinapapunta siya nito sa mismong opisina nito. Inisip na lang ni Elena na marahil tungkol sa trabaho kaya siya nito pinapapapunta. Ang nakangiting mukha nito ang bumungad kay Elena. Sa kabila nang kabaitan at kabutihang ipinapakita nito sa kanya, limitado pa rin ang bawat galaw at ngiting pinapakawalan ni Elena. Gusto niyang iparating dito na trabaho lang ang dahilan kung bakit kailangan niya itong kausapin o pakisamahan man. "Come in.." Alinlangan man, ngunit humakbang na rin si Elena papasok sa loob ng opisina nito. Agad niyang napansin ang kalawakan at kalinisan ng opisina nito. Isang tikhim ang narinig ni Elena. Bigla siyang pumihit paharap dito, ngunit tum

