NATIGILAN si Elena nang makitang pinupunasan ni Gail ang bandang dibdib ni Henri. "Stop, makakalabas ka na," rinig niyang wika ni Henri. Ngunit hindi pa rin tuminag sa kinatatayuan si Gail na ikinakunot ng noo ni Elena. Isang tikhim ang pinakawalan niya upang mapansin siya ng mga ito. Kitang-kita niya ang pagkagulat na lumarawan sa mukha ng nobyo. Ngunit kaagad din iyong napalitan ng saya. "Baby!" 'Agad itong naglakad palapit sa kanya. Ngunit sandali niyang sinulyapan si Gail. Hindi man lang makitaan ng pagkabalisa sa mga mata nito kahit na naabutan niya ang panghaharot nito sa nobyo niya. Ilang beses na niyang napapansin ang kakaibang galaw nito, at bilang babae, natitiyak ni Elena na may lihim itong gusto sa nobyo niya. Ngunit dahil malaki ang tiwala niya kay Henri, mas pinipi

