RAMM Madilim ang anyo ni Ramm pagdating sa isla. Walang nagtangkang lumapit o bumati sa binata dahil halata sa anyo nito na wala ito sa mood na makipag-usap. Pabalang na binuksan niya ang pintuan ng opisina niya kaya narinig niya ang pagsinghap ng sekretarya niya. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga empleyado niya. Gulong-gulo na ang isip niya ngayon. Paano niya makakausap si Shannera nang masinsinan? Hindi niya alam. Sa nakita niya kanina ay sobra ang galit na nakikita niya sa itsura nito. Diresto siya sa wine cellar niya at walang pagdadalawang-isip na tinungga ang wine. Now he wants a drink to settle his nerves. "Sir..." Hindi na siya nag-abalang tumingin sa pintuan ng bumukas iyon. Narinig niyang nagsalita ang sekretarya niya. ''Sir, can I disturb you for a minu

