RAMM SCOTT
Hindi alam ni Ramm, kung ano ang magiging reaksyon niya sa dalaga. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ni Shannera nang kinuha ng tauhan ni Driego ang kwintas na suot nito. He doesn't want to offend, Shannera. Hindi para rito ang binili niya para kay Sandra iyon. Bakit naman naging ganoon ang reaksyon nito? In the first place, wala naman siyang sinabi na ibibigay niya sa dalaga. Unang-una, nagpasama lang siya rito dahil nagpatulong siya rito na pumili ng regalo. Napailing na lang siya at kaagad nang nagpaalam kay Shannera na mauna na siya. Naghihintay na si Sandra sa kanya. Ayaw naman niyang maghintay si Sandra nang matagal dahil baka magtatampo na naman ito.
Sumakay na siya kaagad sa sasakyan at pinaharurot ito patungo sa boutique ni Sandra. Simula nang makita niya ang childhood sweetheart niya ay hindi na siya magkandaugaga. Gagawin ang nararapat para ipakita na siya ang deserving na maging boyfriend nito. Unfortunately, Sandra doesn't love him kaya hinayaan na lang niya. Baka isang araw magbabago ang pagtingin nito sa kanya. People change. Posible ring magbabago o hindi, ang nararamdaman ng dalaga sa kanya.
Hininto niya ang sasakyan nang makarating siya sa boutique nito. Nakita niya mula sa bintana ng kotse na maraming mga tao ang nandoon. Humilig siya sa pintuan nito at minamasdan ang nakangiting dalaga na nakikipag-usap sa mga tauhan nito. Akala niya ba, wala itong kasama? Napailing na lang siya dahil sa kalokohan nito. Nauto na naman siya.
"Oh! There you are, Ramm! Salamat nakarating ka rin. Magtatampo sana ako dahil sobrang tagal mo," nakangusong sabi nito sa kanya kaya natatawa siyang nilapitan ito at ginulo ang buhok.
"I'm here. So, stop pouting your lips, honey."
Umismid lang ito sa kanya. "Huwag ka nga!"
"Here's your gift! "
Tinanggap naman nito ang binigay niyang regalo at nagpasalamat naman ito sa kanya.
" Akala ko ba ay wala kang kasama rito sa boutique mo?" kunot-noo niyang tanong dito.
"Sorry, I lied. Hindi ko sinabi dahil gusto ko na pumunta ka rito sa boutique. Hindi na iyang opisina mo ang palaging inaatupag mo! Kaya nga wala kang girlfriend!"
Kung alam lang nito ang nararamdaman niya baka titigil na ito sa kakaasar sa kanya. Ngumisi siya rito.
"Hinihintay lang naman kita na maging girlfriend ko, Sandra. Kaya lang, hindi mo naman ako sinasagot."
Nawala ang ngiti nito sa labi at seryosong napatitig sa kanya. "Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Ramm? Kasi kung totoo iyan, huwag mo nang ituloy dahil may mahal na akong iba. Sinayang mo kasi ang pagmamahal ko sa'yo noon. Please, tumigil ka na, Ramm. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin."
Kahit masakit ay napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi nito at inakbayan na lang ang kaibigan. Tinanggap na lang niya ang sinasabi nito sa kanya, pero hindi ibig sabihin no’n na titigil na siya sa pagmamahal niya sa dalaga.
"Kung ako sa’yo ay iyong financial manager mo na lang ang liligawan mo dahil halata naman na may pagtingin sa’yo iyon. Ano nga ang pangalan no’n? Hmmm … Ah si Shannera!"
Natigilan siya nang marinig niya ang pangalan ng financial manager niya. Kailangan niyang matawagan ngayon si Driego dahil gusto niyang bigyan ng pasasalamat sa pagsama nito sa kanya sa jewelry shop. Baka gusto rin nito ang pinili niyang regalo para kay Sandra.
"Sandra, tatawagan ko muna si Driego," paalam niya rito.
Kaagad niyang kinuha ang cellphone niya na nasa pantalon at tinawagan na si Driego. Mga ilang minuto lang ay sumagot na ito.
"Dude, kailangan ko ng kaparehas na binili ko kanina. I need it by six o'clock in the morning."
[Okay, sure! Saan ko ipapadala sa bahay mo o sa office mo na lang?]
“Sa bahay na lang"
[Para kanino mo ibibigay ang kwentas?]
May himig na panunuksong sabi nito sa kanya
He hissed at him. "Para kay Shannera."
[At iyong isa na binili mo kanina?] takang tanong nito.
He rolled his eyes. "Kay Sandra."
Rinig niyang napamura ito sa kabilang linya.
[Hanggang ngayon pa rin ba ay humahabol ka pa rin kay Sandra? Dude, tumigil ka na. Alam mo namang may boyfriend na iyong tao. Atsaka, what the f**k dude! Kung ako sa’yo ay pumili ka ng iba para kay Shannera. Hindi iyong kaparehas ng kay Sandra para kang nakakainsulto, alam mo ba iyon?] naiinis nitong sabi na nagpagulo sa isipan niya.
"Teka nga, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo riyan, Driego. Binigyan ko siya ng kaparehas kay Sandra dahil alam kong gusto niya iyon. Nakita ko siyang nalungkot noong kinuha ng tauhan mo ang kwintas. Higit sa lahat, papasalamat ko iyon sa kanya na sumama siya sa akin na mamili ng regalo kay Sandra."
[Bobo ka talaga, Ramm! Hindi mo alam na nakakasakit ka na ng damdamin ng babae. Kaya pala lahat tayong magkaibigan ay palpak. At saka tinanong mo ba siya na gusto niya iyong kwintas at kung bakit ganoon ang reaksyon niya ?]
Natahimik siya sa tanong nito at hindi na lang niya pinansin ang pagtawag ng ganoon dahil sa totoo lang ay wala siyang kaalam-alam sa mga babae. Kahit na nakakasakit na siya ay wala siyang pakialam dahil para sa kanya kailangan sabihin mo ang totoo kaysa umasa sa’yo ang isang tao.
[Oh, ano! Natahimik ka? Dude, hindi mo ba naramdaman kanina sa jewelry shop ko na may nakatitig sa’yo habang ikaw ay abala sa pamimili ng regalo kay Sandra? Si Shannera na financial Manager mo ay may gusto sa’yo o sabihin na nating mahal ka niya. Kahit naman na hindi pa niya sasabihin sa iba o sa’yo halatang mahal ka niya. Siguro, kahit na nasasaktan na siya ay kinikimkim pa rin niya. Nakausap ko siya kanina pagkaalis mo. Halatang nasasaktan na siya sa ginawa mo.]
Napabuntong-hininga na lang siya sa sinabi nito. "Dude, alam mo namang pagdating sa ganyan ay hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ng diretso baka masasaktan ko siya."
[Kahit hindi mo sabihin ng diretso ay masasaktan pa rin siya sa ginawa mo. Saan na ba ang kaibigan kong straightforward? Kung magsalita ng masakit sa ibang tao at wala ka ngang pakialam kung sobra-sobra na ang sinasabi mo. Ikaw nga ang pinakamalala sa dalawang kaibigan nating si Ken at Craig dahil ikaw ang una sa lahat na napaka-prangka sa inyong tatlo.Pero sa tingin ko, mas mabuti na ring umalis na si Shannera dahil wala ka namang pakialam sa kanya, diba? ]
Nakatanaw siya sa kawalan pagkatapos nilang mag-usap ng kaibigan niya. Parang hindi na niya kilala ang sarili. Nang nakilala niya si Shannera ay hindi na siya iyong tipong tao na itatapon ang mga gamit sa pagmumukha o bubulyawan niya ito dahil palpak. Pero nandoon pa rin na hindi maiwasan na makasakit ng damdamin ng iba. Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan niya at napatiimbagang. Saan naman pupunta si Shannera? Hindi man lang nagpaalam sa kanya, kung saan ito pupunta.
Napabaling ang atensyon niya kay Sandra nang tinapik nito ang pisngi niya at takang tiningnan niya ito.
"Tahimik ka ngayon ah?" natatawang anito na tumabi sa kanya. "Alam kong tahimik kang tao, pero nakakapagtaka lang na mas tahimik ka ngayon."
"Nag-iba na ba ako, Sandra?"
Napakunot ang noo nito sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin na nag-iba?"
"I mean nagbago na ba ako?"
Sandali itong napaisip at tiningnan siyang mabuti.
"Sa totoo lang, oo. Tahimik kang lalaki Ramm, pero ngayon ay sobrang daldal mo na at saka wala kang pakialam kung nakakasakit ka. Kahit na nagtataka ako sa inasta mo ay hindi ko na lang pinansin. Mas gusto ko itong bagong ikaw at halatang ang financial manager mo ang nagpabago sa'yo. Kapag binanggit ko ang pangalan ni Shannera ay bigla na lang nagbago anyo ng mukha mo, Ramm. Kung ako sa'yo ay si Shannera ang dapat mong maging nobya. Maganda siya at katamtaman ang katawan. Alam mo bang gusto ko siya para sa'yo?"
Tipid na ngumiti na lang siya rito.
"Let's go, Ramm. Kumain ka na. Alam kong gutom ka kaya mamaya na iyang pag-iisip mo kay Shannera. Marami ka pang oras diyan," tukso nito sa kanya kaya natawa siya.
—
SHANNERA
Napabuntong-hininga na lang si Shannera para maibsan ang sakit na dala-dala niya. MAsakit na makitang masaya si Ramm sa ibang babae. Pwede bang kahit kaunti ay ngumiti ito sa kanya? Kahit na iyon lang ay sapat na. Pakiramdam niya ay sagad ang pagka-digusto nito sa kanya. Kung makasigaw o makabulyaw sa kanya ay para bang hindi niya ito naririnig. Kaharap lang naman niya ang binata. Kutang-kuta na siya sa kakasisigaw nito sa kanya. Masaya na nga kahit paano ay pinapansin siya nito. Kahit na pinapagalitan na siya ay okay lang sa kanya.
Napangiti siya ng mapait habang tanaw-tanaw niya ang papalayong bulto ng binata.
"Mahal mo ang kaibigan ko, Shannera."
Gulat siyang napatingin sa likuran niya ng may nagsalita. Nakita niya ang may-ari ng Jewelry Shop, ang kaibigan ni Sir Ramm, Driego. May makahulugan na ngiti itong binigay sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kahit hindi mo sinabi sa iba na mahal mo siya ay nakikita ko ang tingin na binigay mo sa kanya. Alam kong mahal mo siya ng higit pa sa sarili mo. Tama ba ako, Shannera Coronel?"
Napakagat-labi siya sa sinabi nito. Paano nito nalalaman kung ano ang totoo niyang naramdaman kay Ramm? Posible naman na alam nito king hindi naman niya sinabi rito ang totoong nararamdaman niya. Higit sa lahat ay kanina lang niya ito nakausap.
"Oo, mahal ko ang kaibigan mo, sir. Sa tingin ko ay wala namang saysay kung aasa pa ako sa kanya. Hindi ko naman pwedeng isiksikan ang sarili ko, kung mahal ni Sir Ramm, si Ma'am Sandra, " nakangiting sabi niya rito, pero sa loob-loob niya ay nasasaktan na siya sa pinapakita ng binata sa kanya.
Natigilan siya ng may maalala, mamayang madaling araw pa pala ay oras na ng flight niya. Nakalimutan niyang magpaalam kay Sir Ramm dahil sa naging busy siya sa pakikipagbuno sa mga papeles ng kailangan ng boss niya.
"Sige, Sir Driego. Kailangan ko ng umuwi dahil may kailangan pa pala akong aasikasuhin ngayon. "
Akmang tatalikuran na sana niya ito nang bigla itong magsalita.
"Aasikasuhin? Tungkol saan naman iyan?"
Napakunot ang noo niya sa tanong nito.
"Sir Driego, wala ka namang pakialam, kung para saan ang aasikasuhin ko."
Kumibit-balikat lang ito. "I was just asking, Shannera. Wala namang masama kung tatanungin kita, diba? Dahil gusto lang naman tanungib kung para saan ang aasikasuhin mo."
"Kailangan ko kasing maghanda para sa flight ko mamaya. Baka dalawa o tatlong linggo akong mawawala dahil inutusan ako ni Papa na puntahan ang binili niyang bagong farm. Pwede bang pakisuyo kay Sir Ramm na hindi mo na ako papasok?"
Takang nakatitig siya kay Driego ng may ngiting panloloko ang mga labi ng binata. Hindi niya alam kung ano ang pinapahiwatig nito.
"Sure, why not? Maybe later or tomorrow sasabihin ko sa kanya."
Napatingin siya sa kanyang cellphone ng tumunog ito at nakita niyang may mensahe ang kanyang ama na kailangan na niyang umuwi.
"I need to go now, Sir Driego." Tumalikod na siya dito at saka nagtungo papalabas ng mall.
Kaagad na tumawag ng taxi at nagpapasalamat siya na may huminto sa harapan niya at sumakay na.
Habang nasa taxi na siya ay napaisip siya. Mabuti na rin ito, kung lalayo na muna siya sa binata dahil para makapaghinga naman ang puso niya sa sakit. Masakit pa lang palihim mo lang minahal ang taong mahal mo dahil kung tutuusin may maibibigay naman siya para kay Sir Ramm. Ano naman ang maibibigay ni Sandra kay Sir Ramm, kung puno ng pasakit lang naman. Siya, iyong buong pagmamahal ang kaya niyang maibigay sa boss niya.
Napasandal na lang siya sa inuupuan niya at napabuntong-hininga.