SHANNERA Nakangiting tumango si Shannera sa staff ng binati siya nito. Pumasok siya sa isa sa mga restaurant dito sa isla. Siya lang ang mag-isa dahil ang asawa niya, ayon naghihilik pa. Sinong hindi mapapagod kung halos walang tulog dahil maraming ginawa sa opisina? "Table for two, ma'am?" Salubong sa kanya ng isang waiter na maaliwalas ang dating. "Yes, please." Tumango ito sa kanya at ngumiti. "This way po, ma’am. Gusto niyo po bang malapit sa salamin o di kaya sa—” "Huwag na. Maganda na ang puwesto ko rito," natatawang sabi niya dahil nakita niyang namumula ang pisngi nito. "Bakit ka namumula?" Napakamot ito ng ulo. "Eh… kasi Ma'am maganda po pala kayo sa personal." Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Kilala mo ba ako ?" takang aniya habang nakaturo sa kanyang sarili. Sun

