Adam
Six years later,
Mula ng iwanan siya ng kanyang asawa ay nag iba na rin ang pakikitungo ng mga magulang sa kanya, sinisisi siya ng kanyang ama dahil nagpadala siya sa dating kasintahan, nang umuwi siya ng umagang yun ay hindi na niya naabutan pa si ginger. Kung maibabalik lang niya ang nakaraan ay sana umuwi na agad siya ng gabing yun, kasalanan niya kung bakit siya nito linayasan, isa pa sa nagpadurog sa kanya ay ang kaalaman na maaring buntis ito sa panganay nila.
Sobrang galit na galit siya sa kanyang sarili sa mga panahon na Yun, pero mas galit siya sa mga taong dahilan ng pagkakawalay sa asawa, pinilit niyang magbago dahil kay ginger, pero nang iwanan siya ng asawa ay ginagawa niya lahat ng nanaisin niya, pambabae. Paglalasing,
Pati pag gamit ng droga ay nagawa niya, para sa kanya walang halaga ang pagbabago niya, miserable ang buhay niya at dahil yun kay nadine at Jacob.
Pero akala ng dalawang yun ay porket nasira siya sa mga investors dahil sa kumakalat na mga videos niya ay mananahimik lang Siya at magpakasira, yun ang naging wake up call niya para gumising at mag ayos ng sarili, sa tulong ng mga kaibigan nakakalap sila ng mga ebidensiyang magdidiin sa dalawa para tuloyang mabulok sa kulungan, nagwawala at hindi makausap ng matino si nadine, pinipilit nitong frame up lang ang nangyari at pinilit pa nitong magsampa ng kasong rape sa kanya, sa dami ng connection niya at record ng CCTV ng gabing yun ay Wala itong kawala.
Halos mabaliw naman ang Ina ni jacob dahil sa pagkakulong ng anak. Binalak pa ng mga itong tapalan ng Pera ang judge na magbabasa ng sentensiya sa anak, after makulong ni jacob at nadine ay nagbalikan ang mga investors sa kompaniya nila, after niyang naayos ang buhay niya ay hinanap niya ang kanyang asawa, umupa Siya ng private investigator para mahanap si ginger sa lalong madaling panahon, pero magaling itong magtago kaya umabot ng anim na taon ang kanyang paghahanap sa asawa,
Now after six years ay natagpuan na niya ito, kadarating lang nito galing ibang bansa, nag file siya ng annulment at kailangan nitong humarap, task kung alam ko lang lalabas ito ng lungga sana dati pa niya itong ginawa, Wala itong kaalam alam na habang nasa bansa ito ay pasikreto Kong inutusan ang mga kaibigan na Kunin ang anak ko sa poder ng kanyang kaibigan, walang alam ang asawa niya na hindi maganda ang trato ng mga taong yun sa anak nilang si Adrian. Sobrang Excited na siyang makasama ang anak niya, hindi nito makukuha ang bata kung patuloy itong magmatigas sa kanya, walang annulment na mangyayari period.