Ginger
Kanina pa siya naiilang sa mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga kalalakihan, alam nya ang mga tinging yun, kagaya ng tingin ni Jacob tuwing magkakasama sila sa iisang lugar, pagnanasa ang nakikita nya sa mga mata ng mga lalaking yun, girls c,r lang ako ha paalam nya sa mga kaibigan, gusto mo bang samahan ka na namin? Saad ni nathalie, it's ok nath hindi pa naman ako lasing, don't worry saglit lang ako.
Tumayo na sya at tinumbok ng mga paa ang papuntang c,r, pero bago nya maabot ang pasilyo ay may humarang na sa kanyang daraanan, miss kanina ka pa namin tinitingnan ng mga Kasama ko, gusto mo bang sumama sa amin ngayong gabi? don't worry hindi ka magsisisi pasasayahin ka namin, malisyosong saad ng mukhang pinaka leader sa grupong humarang sa kanya, grabe nakakalibog Kang tingnan kanina pa, mukha Kang masarap ipulutan sabay tawanan ng mga ito, kumuyom ang kanyang palad tanda na umiinit na ang kanyang ulo, tumiim din ang kanyang bagang tanda ng pinipigilang galit na gustong umalpas,
Namumula na ang kanyang mukha dala ng pagkapahiya, first time niya na may harap harapang bumastos sa kanya maliban sa fiancee nya, Mukha ba talaga syang kaladkarin sa suot na damit para pagsalitaan sya ng ganitong klaseng mga nakakabastos na salita galing sa kalalakihan, damn! mukhang ngayon pa lang pinagsisihan na nya ang pumunta sa ganitong klaseng lugar, hinarap nya ang mga ito ng taas noo, hindi siya pinalaking basagulera ng mga magulang, pero hindi nya to palalagpasin, turo ng kambal nya na huwag magpaapi, bihasa sya pakikipaglaban dahil tinuruan Siya ng kambal ng martial arts, magamit daw nya ito bilang self defense kapag may mang agrabyado sa kanya at kapag wala ito sa tabi nya.
Over my dead and gorgeous body gago, sabay tadyak nya sa lalaking nambastos sa kanya, hindi nito napaghandaan ang kanyang sipa kaya agad itong tumilapon sa mga kasamang nasa likuran, gulat ang mga nakasaksi kung paano niya sinipa yung lalaki, tingin nya sa expression ng mga mukha ay may kasamang takot, mukhang kilala tong mga taong to dito,
pumosisyon siya ng dambahin siya ng kasamahan nito, mabilis siyang umilag at bigyan ito ng pamatay na suntok sa panga na ikinaigik nito, sabay sabay na siyang inatake ng mga lalaki, pero walang takot niya itong sinangga, halos walang kakurap kurap siyang nakipagsabayan sa mga ito, walang mintis bawat suntok at tadyak, pati pag ikot niya sa eri para bigyan ang mga ito ng tag iisang flying kick ay walang pumalya, ilang sandali lang ay tulog ang mga gago, pinagpag pa niya ang mga kamay sabay taas noong nagmartsa papuntang c r.
Hindi naman makahuma ang mga taong nanonood, para silang nakakita ng live action at Bida ang babeng kapapasok lang ng cr,
what a babe! sigaw ng isa, wow my queen, I'm willing to pay basta siya ang maging asawa ko, may iilan pang sumipol na tipong tuwang tuwa. may nagkusa pang nagbayad sa mga nasirang gamit sa bar dahil natuwa sila na sa wakas may naglakas loob na kumalaban sa mga gagong costumer, ilang sandali pa ay kinaladkad na palabas Ang mga lalaking pasimuno ng gulo. lihim siyang nangingiti habang nanonood sa babae kanina, he's now obsessed to that woman, by hooked or by crooked magiging kanya ang babae.