Rein P.O.V.
Pagkikita
"B..ben"gulat kong sabi.
"Babe sa wakas at nakita ko rin kayo dahil matagal ko na kayong hinahanap"sabi niya sa akin na may kagalakan.
Pero bakit niya kami hinahanap eh hindi naman niya kami pinahalagahan noon tapos ngayon kung makaasta parang walang nangyari ah.
"Bakit ben hindi ka ba pinili ni Krisel huh!"galit na galit ako sa kanya.
Lahat ng ginawa ko noon hindi niya nakita tapos ngayon umaasta siyang parang siya pa ang naghirap sa amin.
"I..im so..sorry babe nagkamali ako ng pinili ikaw nalang dapat ang pinili ko at nakinig nalang ako sa'yo na may iba si Krisel noon pero ng dahil sa galit na galit ako nakakagawa na pala ako ng maling desisyon please patawarin mo ko babe"pagmamakaawa niya sakin.
"Matagal na kitang pinatawad pero ang pagsama sa'yo ang hindi ko gusto dahil minsan mo na akong sinaktan at hindi ko na gusto iyon dahil naka move on nako"sabi ko sa kanya kaya napatango nalang siya.
"Sana buksan mo ulit babe yang puso para iparamdam ko sa'yo kung gaano ako ka seryoso sa'yo na hindi ako" nagbibiro"Sinasabi niya ba sa akin na parang wala akong utang na loob sa kanya.
"Kung gusto mong bumawi sa anak mo nalang wag ako dahil masaya na ako na kahit wala ka"sabi ko sa kanya ng diretsyahan.
"Sige pero pati na rin ikaw liligawan na kita dahil hindi naman ako nanligaw sa'yo noon"pakamot pa siya ng ulo.
"Basta ang usapan natin sa anak natin ka mag focus"paalala ko sa kanya.
"Sige"
"Pero huwag na muna natin biglain si blake dahil medyo moody siyang bata"sabi ko sa kanya para may alam siya.
"Naiintindihan ko"sabi niya sa akin.
Matapos ang tagping iyon ay umalis na kami sa mall dahil hindi pa nag sisink in sa akin ang nangyayari.Kung bakit ang laki ng mall nagkita pa kami.Baka oras na para sabihin kay blake na andito na ang kanyang daddy.
"Blake may sasabihin si mommy makinig ka ah"sabi ko dito.
"Opo mommy ano po iyon sasabihin ninyo akin"medyo may pagkabulol pa siya pero magaling siyang magsalita.
"Diba gusto mo ng makita ang daddy?"Tanong ko sa kanya ng ikabilis niyang pagkatango.
"Opo mommy gusto ko makita si daddy"ngiti niyang sabi sa akin na may pagkasabik siyang makita.
"Diba promise ni mommy na dadating si daddy dahil nasa malayo siyang lugar?"sabi ko.
"Makikita ko na ba siya mommy?"Tanong niya sakin.
"Oo anak makikita mo na si daddy pero in one condition gusto ko pahirapan mo si daddy para di ka iwan"pagkokombinsi ko sa bata alam kong mali pero naninigurado kung Mahal Niya ba kami.
"Deal po mommy"madaling saad Niya sakin.
Kaya kinagabihan ay tinawagan ko si ben para sa bata hindi sa akin pero kinamusta niya rin ako alam ko sincere siya pero hindi pa buo ang tiwala ko sa kanya dahil minsan na niya akong sinaktan at masakit ang maiwan.
Sana nga lang at tutupad siya sa usapan na hindi niya sasaktan ang sarili niyang anak kung nasa puder niya ito.
Ben P.O.V
Sana magtuloy tuloy na itong tyansa kong ibalik ang mag iina ko dahil sabik na sabik na akong makasama siya.Kayat medyo hindi ko pa nakukuha ang loob ni Rein ay magsusumikap akong makuha sila.
Andito ako ngayon sa Park dahil ito ang napag usapan namin ni Rein para narin daw sa aliw na aliw daw si blake na naglalaro kung may mga duyan ,tsubibo basta marami kaseng paglalaruan.
Nang makita ko na sila ay parang kinakabahan ba ako sa aking kung gusto niya ba ako o hindi dahil masakit ang mareject.
"Hello kiddo"pagbati ko dito.
"Hello din po daddy "bati niya sa akin na nakangiti sa akin di ko alam kung ano ang aking gagawin dahil sa pangalawang pagkakataon ay makikilala niya akong bilang daddy niya.
"Tara laro Tayo"sabi ko sa kanya.
"Dun po gusto sa duyan tulak niyo po ako ah"sabi niya sa akin.
Kaya napatango nalang ako sa aking anak para hindi narin ako mahirapan pa.Pero napatingin ako sa aking unang baby ay nakikita ko dito na masaya siya sa kanyang nakikita.
"Ayos ka lang ba maiwan ka dito?"Tanong ko dito.
"Ayos lang ito na ang pagkakataon mo na maging isang ama"sabi niya sakin pero ito rin ang pagkakataon ko na mabawi ko kayo.
"Dapat pati mommy niya makuha ko rin"pagbibiro ko dito ng mabilis siyang namula sa akin sinabi.
"Dun kana nga"Pagsusungit niya sa akin
"Baka Mrs.Daculan ka pa rin hindi nagbago"sabi ko dito.
"For your information di mo ako pagmamay ari noh kahit Mrs. daculan pa ako"laban Niya sakin.
Kaya nakangiti akong pumunta sa kinaroroonan ng aking anak namasayang nagduduyan.
Rein P.O.V.
Tanaw na tanaw ko an mag ama na masayang naglalaro ewan ko kung bakit naapektuhan ako sa mga sinasabi ni Ben sakin kahit hindi ko sabihin maipagkakaila kong may konting pagmamahal sa kanya sabi ko nga na hindi pa buo ito.
Pero ang akin lang ay mabigyan lang niya ng atensiyon ang aking anak masaya na ako.
Palapit ang mag ama ko dito sakin.
"Nag enjoy ang baby ko?"Tanong ko sa akin anak.
"Syempre naman di ba kiddo"sabat naman ni Ben.
Di naman siya yung tinatanong ko eh siya naman an sumasagot.
"Ayaw kong kalaro si daddy tinatawag Niya akong kiddo eh medyo ayaw ko nun"maktol Niya ganyan nga baby.
"Ano ang gusto mong itawag ko sayo"Tanong Niya sa kanyang anak.
"Kase tawag sakin ni mommy ay baby kaya baby nalang din po daddy"sabi niya.
"Ok baby"sabi Niya dito.
"Masaya ba ang baby ko"Tanong ko kay blake.
"Opo mommy"ngiti niya sa akin.
Ng may sorbetes na dumaan kanya tinuro niya ito dahil madalas siyang nagpapabili sa akin noon.
"Tara bili Tayo baby"sabi Niya.
"Bakit hindi rin sumusunod ang una ko ring baby"sabi niya na ako ang tumutukoy niya.