Chapter 3

1539 Words
WALANG tigil sa pag-iyak si Rozel. Umiiyak siya dulot ng labis na saya. Sa wakas maipagagamot na nila ang kanyang inay. At sobra ang pasasalamat niya sa taong nag magandang loob na nagpautang ng pera sa itay niya. Kung sino man ang taong iyon. Gusto niya itong makita para personal na mapasalamatan. Napakabuti ng puso nito. Ayon sa kanyang ama, walang pag-aalinlangan raw silang binigyan ng tulong pinansiyal ng lalakeng nakilala nito. Isang dating kaibigan, ayon na rin sa ama ni Rozel. Ang ano mang butil ng luha na pumapatak sa mga mata ng dalaga ay patunay lamang ng saya na nararamdaman niya. Dahil sa wakas matatapos na rin ang sakit ng paghihirap ng kanyang ina mula sa karamdaman nito. Gagaling na ang kanyang ina. At makakapamuhay na ulit sila ng mapayapa. Hindi naman kasi nila kailangang bayaran agad ang perang inutang ng kanyang ama. Maaari daw nilang hulugan kapag may sapat na silang salapi. Sadyang napakabuti ng diyos sa kanila dahil sa kabila ng kagipitan may dumating pa ring biyaya. Hindi man sila natulungan ng ninong niya. May nag magandang loob naman na tulungan sila. Isang tulong na hindi nila kailangang magipit. Maaari na din siyang makapagpatuloy sa pag-aaral dahil babalik na muli sa trabaho ang kanyang ama. Sa mga nangyayaring swerte sa pamilya ni Rozel. Isa lang ang kahilingan niya. Sana lang hindi na maulit ang pinag daanan ng mga magulang niya. ******* Rozel TAHIMIK lang si Rozel habang nakaupo sa tabi ng ninong niya. Pasimple niyang nilingon ang lalake na kasalukuyang nakapikit ang mga mata. Malaya niyang napagmamasdan ang kapayapaan sa mukha nito. Sa itsura nito ngayon, parang hindi ito nagalit kahit minsan. Kung titingnan para itong mabait na anghel. Isang guwapong lalake na hindi mo kakikitaan ng kahit anong madilim na aura. Iyon ay kung mananatili lang itong nakapikit. Lihim siyang napangiti. Alam ni Rozel na taglay ng ninong niya ang mga katangian na gustong-gusto niya sa isang lalake. Pero, iyon ay kung kasing bait ito ng ugali niya. Hindi mabangis na parang sa tigre o malaking oso na laging handang lumapa kahit hindi naman kailangan. "Stop looking at me Rozella. Matulog kana at mahaba pa ang biyahe natin." Naumid ang dila niya dahil sa tinuran ng ninong niya. Nakaramdam siya ng pamumula ng pisngi dahil sa kahihiyan sa kanyang sarili. Alam pala nito na nakatingin siya sa mukha nito. Nakakahiya! Tumikhim siya saka umayos ng upo at pumikit ng mariin. Hindi niya hahayaang mahuli na naman nito, mula sa lihim niyang pagpapantasya sa guwapo nitong mukha. Mas doble lang ang magiging kahihiyan niya. Hindi siya dapat na magkaroon ng kahit kaunti man lang na atraksiyon sa ninong niya. Dapat niyang itatak sa kanyang isip na hindi sila nababagay para sa isa't-isa. May dahilan kung bakit siya nasa tabi nito, at kung bakit siya nito pinakasalanan. Kasal na hindi naman talaga nangyari sa simbahan. Kaya dapat lang siyang lumugar kung saan malayo sa imahe nito. ******* Arc LIHIM na napangiti si Arc sa sulok ng kanyang labi. Kanina pa niya pinagmamasdan si Rozella. Magmula pa man ng dumating sila sa airport at sumakay sa private plane niya. Nakamasid na siya sa kilos nito at sa nakatulala nitong diwa. Ni hindi man lang nga nito napansin ang pagpikit niya at ang pagdilat ng isa niyang mata. Alam niyang nakamasid ito sa kanya. Pero nasa malayo pa rin ang diwa nito. Malalim ang iniisip na para bang naglalakbay sa malayong lugar. Sigurado din siya na hindi rin napansin ng dalaga ang lihim niyang pagmamasid sa maamo nitong mukha. Sa mukha na gusto niyang ipagdamot sa lahat. May angking ganda si Rozella. Ganda na hindi nakakasawang tingnan. Meron itong mga matang nangungusap, matangos na ilong na parang sa isang kastila. Ang kulay brown nitong bilugang mga mata ay binagayan ng mahahabang pilik mata. Mapulang labi na sadyang nakakaakit at perkpektong pagkakahulma ng hugis ng mukha na maihahalintulad sa isang manika. Maputi din ito at may makinis at malambot na balat. Nahawakan na niya ito nang minsan. Kaya alam na alam niya kung gaano kalambot ang balat nito. Mabait din ito at malambing magsalita. Naalala pa niya ang mukha nito noong una niya itong makilala. Nang umapak ito sa bahay niya. Hindi na niya ito nilubayan ng tingin. Lumaking napakaganda ng inaanak niya. Mula sa isang cute na iyaking bata. Nasa harap na niya ngayon ang mala diyosang kagandahan na tiyak na pag-aagawan ng mga kabaro niya. At iyon ang hinding-hindi niya hahayaang mangyari. Hangga't nasa poder niya ito. Hinding-hindi niya ito ibibigay sa iba. Walang sino-man ang makapaghihiwalay sa kanila. Dahil si Rozella ay nakatakda na niyang makasama habang buhay. Tuluyan na siyang dumilat at nilingon ito na payapa nang natutulog. Dalawampung minuto pa bago nila marating ang San Felipe. Mahabang oras pa iyon. May pagkakataon pa siya para pagmasdan ang pagtulog nito. "Sa akin ka lang..Akin lang. Ako lang ang pwedeng mag may ari sayo." Mahinang aniya, at siniguro niyang siya lamang ang makaririnig. Maingat niyang hinaplos ang pisngi ng asawa. Napalunok siya ng makaramdam ng init. Napakaganda mo talaga Rozella. ****** Rozel Nakaramdam si Rozel ng pagtapik sa pisngi niya. Marahan siyang nagdilat ng mga mata. Seryosong mukha ng ninong niya ang namulatan niya. "Sa wakas ay gising kana. Narito na tayo sa isla." Nang marinig ang sinabi nito agad na siyang tumayo. Naging mabilis ang kilos niya upang kunin ang bitbit niyang bagahe. Pero kahit ilang ulit na siyang nagpalinga-linga sa paligid, hindi naman niya iyon makita. Nag alangan pa siyang magtanong sa ninong niya na naglalakad na palabas ng pinto ng private plane nito. Pero na isatinig na rin niya. "Ninong, 'Yung bagahe ko po?" Liningon siya nito na ikinakaba niya. "Naipababa ko na." Nakaramdam siya bigla ng hiya dahil sa sinabi nito. Mukang kanina pa sila nakarating sa isla, pero dahil tulog siya hindi na niya iyon namalayan. Nakakahiyang pati mga gamit niya ay naipababa na pala nito. "S-Salamat po." Hindi na lamang ito nagkomento pa. Sa halip nauna na itong bumaba sa kanya. At siya naman ay sumunod na rin agad dito. Ayaw niyang mas lalong magdulot ng abala dito. Dapat lagi siyang alisto! Namangha si Rozel ng makita niya ang dagat. Napakalinaw ng tubig at napakamaaliwalas sa pakiramdam ng sariwang hangin na nasasagap ng ilong niya. Banayad na humahaplos sa balat niya ang hangin. Nakagagaan sa pakiramdam. May mga mangilan-ngilan nang tao siyang nakikita sa paligid ng isla. Nakakalat ang ilan sa dalampasigan. Habang ang iba ay abala naman sa pag langoy. Tila nais din niyang sumabay sa mga ito. Pero alam niyang hindi rin niya iyon magagawa lalo na ngayon na kasama niya ang ninong niya. "Rozella!" Napakurap siya mula sa malakas na pagtawag ng ninong niya. Mas binilisan niya ang lakad para lang maabutan ito. At ng makapantay siya sa paglalakad nito. Agad siyang humingi ng paumanhin. "Sorry po at mabagal akong maglakad." Tinapunan lamang siya nito ng saglit na tingin, pero hindi naman ito nagsalita. Tahimik na lamang siyang sumabay sa paglalakad nito, hanggang sa marating nila ang isang malaking gate. Sa harap niyon ay isang napakalaking bahay. Alam niyang iyon ang vacation house ng ninong niya. Nang makalapit sila sa gate. Isang matandang babae ang nagbukas niyon para sa kanila. Masaya ang bukas ng aura nito ng lapitan sila. "Maligayang pagbabalik po Sir Arc. Tamang-tama po ang dating nyo dahil nakapagpaluto na po ako ng pananghalian." Magiliw na salita ng ginang matapos ay tumingin sa gawi niya. Ngumiti lamang siya ng tipid at hinayaan na lamang ang ninong niya na makipag-usap dito. "Pakihanda na ang kwarto. At magpapahinga muna kami." Nakagat niya ang ibabang labi ng masungit itong kausapin ng ninong niya. Pero tila hindi naman iyon ininda ng ginang. Nakangiti pa rin ito hanggang sa igiya sila sa ikalawang palapag ng bahay. Ipinatayo iyon ng ninong niya noong simulan nito ang pagpapatayo ng hotel sa isla. Nakita na niya ang hotel ng mapadaan sila sa dalampasigan. Pero hindi pa iyon gaanong natatapos. Kalahati palang mula sa tatlumpong palapag na alam niyang ipagagawa ng ninong niya. "Ito na po 'yung kwartong ipinalinis nyo sakin." Napabalik siya sa wisyo ng marinig muli ang tinig ng ginang. Kausap na ulit ito ng ninong niya. Pero wala sa pinag-uusapan ng mga ito ang atensiyon niya kundi sa kabuuan ng silid na nasa harapan niya. "Ang ganda.." Namamanghang anas niya. "Nagustuhan mo ba?" Napalingon siya sa ninong niya at ganun na lang ang pagkatigagal niya ng makita kung gaano kalapit ang mukha nito sa mukha niya. Halos isang dangkal na lang at tatama na ang may katangusan nitong ilong sa pisngi niya. Hindi siya kumurap o gumalaw man lang lalo na ng mas ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Pigil ang paghinga niya ng lumapat ang labi nito sa pisngi niya. "Ito ang magiging kwarto mo habang narito tayo." Tulala lang si Rozel sa mga pangyayari. Pakiramdam niya biglang huminto ang oras. Ni wala man lang siyang kakurap-kurap habang nararamdaman niya ang pagbuga ng mainit at mabangong hininga ng ninong Arc niya sa pisngi niya. Tila naglakbay ang diwa niya sa mas malalim na dimensiyon. Iyon palang ang unang beses na pinangahasan siyang halikan ng ninong niya. At magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi niya iyon nagustuhan. Dahil ang totoo. Matagal na niyang inasam na mahalikan nito. Na sana'y banayad na halik sa labi mula sa asawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD