Chapter 23

2199 Words

Arc MATALIM na nakatingin si Arc sa babaeng nasa harapan niya. Umiiyak ito pero wala siyang maramdamang awa. Alam niya ang dahilan kung bakit ito naroon sa opisina niya.  "Parang awa mo na anak iurong mo na ang demanda. Hindi naman siguro sinasadya ni Clarence ang ginawa nya. Alam mo namang malaki ang inggit nya sayo. Patawarin mo na sya. Magkapatid kayo kaya hindi mo sya dapat tratuhin ng ganito. " Umiiyak na wika nito na ikinaismid niya. Nakasalikop ang mga braso niya habang may iritasyong nakatingin sa babae. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ano kamo? Anak? Kapatid? Tsk! Matagal ng patay ang ina ko. Para sa'kin wala na tayong ugnayan sa isa't isa. Kaya wala kang karapatan na tawagin akong anak. Isa pa, wala akong kapatid." Lumunok siya at puno ng talim ang mga mata na tumitig dito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD