NAPAMAANG si Lara kay Gabriel nang ilapag nito sa tabi ng kama ang paper bags. Books at DVDs ang laman. Hindi iyon ang unang paper bag na natanggap niya, may mga nauna pa. Pakiramdam ni Lara, lulunurin siya si Gabriel sa mga books at movies na love ang theme! Ano kayang gustong mangyari ng housemate niya? "Walang forever," sabi niya sa magaang tono. "'Wag mo akong i-convince na meron, Gab." Nag-half smile ito, pinisil ang baba niya. "Read ang watch them, okay?" "Bakit nga? Bakit mo ginagawa 'to?" Hindi sumagot si Gabriel. Tinalikuran lang siya at lumabas na. "Gab!" Diretsong lumabas sa pinto ang lalaki. Mga tatlong minuto ang lumipas, bumalik ito sa kuwarto—may paper bag pa rin pero hindi na books at DVDs ang laman—namilog ang mga mata ni Lara. Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa. "

