CHAPTER 2:The music lover but a cry baby
“SAAN kaya nagmula ang batang iyon? Bakit ganoon iyon kung makipag-usap sa nakatatanda kaysa sa kanya?” tanong ni Jersyn at napahilot pa siya sa batok niya.
“Whoa! Cool ng bata, ah. May naaalala ako na kasing ugali no’n,” ani Mazeke sabay na sulyap sa akin. Kinunotan ko siya ng noo.
“How I wish na magkakaroon ako ng anak na katulad ng stubborn kid na iyon,” nakangiting wika ni Milley. Paano siya nagkakaroon ng anak kung wala naman siyang girlfriend ngayon?
“Nah! Sakit lang sa ulo ang bagang iyon,” komento naman ni Jersyn.
“Froglets daw. Nakatutuwang bata talaga siya,” natatawang saad naman ni Mazeke.
***
The pilot captain announced that the airplane is about to land on the iirport kaya pinaalalahanan na kami na isuot ang seatbelt namin.
“Finally, makakaapak na tayo ulit sa Pinas,” sabay-sabay na sambit nila. Ako ay halos hindi ko na maalala pa kung ilang taon akong nawala sa bansang ito.
“Be careful, Young Master!” narinig naming sigaw ng isang babae at sabay kaming napatingin sa direksyon na iyon. May naka-black in men naman ang humahabol sa bata.
“Yuhoo, we’re about to land at the airport!” sigaw ng batang lalaki at tumakbo pa talaga siya.
“Young Master!”
“Talaga namang pasaway ang isang ito, eh.”
“Man, iyong eroplano.”
Patalon-talon na tumakbo ang bata at papunta siya sa amin. Kaya nang makalapit na siya sa direksyon namin ay mabilis kong hinuli ang braso niya nang hindi siya nasasaktan at binuhat ko siya para kandungin siya.
“You know that the airplane is about to land and it’s dangerous to roamed around. You’re so stubborn, little boy,” mahinang sita ko sa kanya.
“This is my life, Mister staring-is-rude.” Tsk, ang dami talaga niyang nalalaman. Nasaan na ba ang mga magulang nito? At hinahayaan nilang basta-basta na lamang na umalis ang bata.
“Hey, kid. Eroplano ito at hindi mo playground. Kaya umayos ka, ha,” suway sa kanya ni Jersyn at mahinang kinutusan pa niya na mabilis niyang hinawakan ang noo niya.
“Sumbong kita sa Mommy ko, eh,” anito.
“Sige ba, iharap mo sa akin ang Mommy mo. Akala mo ay matatakot ako?”
“Dude, bata iyang kausap mo,” sita ni Milley.
Nang tuluyan na ngang lumanding sa airport ay may isang batang lalaki naman ang lumapit sa amin.
“What the...kambal kayo?” gulat na tanong ni Mazeke.
“We’re not,” sagot ng batang kinakandong ko ngayon.
Grabe, may kakambal pala ang pasaway na batang ito? At napansin ko na masama pala ang tingin sa amin ng pangalawa. Hala, wala naman kaming ginagawa sa kakambal niya, ah.
“How many times do I have to tell you not to run away from us, Jacky? You’re so stubborn and a brat little brother.” Ang lamig ng boses niya, mas malamig pa yata kaysa sa yelo, eh. Ang seryoso rin ng mukha niya.
May kung ano na naman akong naramdaman sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit heto na naman ang pagbilis nang t***k ng puso ko.
“Sorry, Kuya Jecky. Come on, our princess looking for us I’m sure of that,” sabi ng batang nagngangalang Jacky. Iyon ang tawag ng pangalawang bata at kuya ang tawag sa kanya. Jecky naman ang pangalan niya. Ibinaba ko na lamang siya at hinawakan niya sa kamay ang kapatid niya.
Kambal nga sila kahit nakatalikod lang ay parehong-pareho kahit na iba naman ang suot nila.
“Kung hindi lang kita kilala, dude ay baka pagkakamalan kitang tatay ng kambal,” komento ni Milley para lang guluhin lalo ang puso at isipan ko.
Ewan ko kung bakit ang sarap sa tainga na marinig iyon at yung puso ko...weird na naman siya. Inasikaso na lamang namin ang mga bagahe namin at ang akala ko ay sikat nga kami sa bansa pero hindi naman nila alam na darating kami ngayon kaya walang fans ang haharang sa amin.
Nang bumaba na kami sa eroplano ay gulat na napatingin kami sa malaking billboard. Napahinto kaming lahat.
“Wow... Siya iyong...”
“Sila iyon, ang kambal kanina.”
Napako naman ang tingin ko sa babae. I think siya iyong nanay ng kambal. Pero bakit apat lang sila? Where’s their father?
Mataman na tiningnan ko ulit ang mukha ng babae. She’s familiar. Saan ko nga ba siya nakita? Nang pilit ko naman siyang inalala ay naramdaman ko lang ang pagkirot sa sentido ko.
“Hindi nga sila kambal,” namamanghang sabi ni Jersyn.
“Triplets sila, dudes... Triplets...”
“Pero ang ganda ng nanay nila parang dalaga pa rin,” sabi ni Milley.
Yeah, I agree. She’s beautiful.
“Ang suwerte ng tatay ng triplets, ah. Parang naka-jackpot lang siya.” Sa mga naririnig ko na sinabi nila ay kumikirot na ang puso ko. Teka lang, ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito? Bakit ganito ang pakita ko?
May pangalan sa billboard. Hindi ko alam kung bakit may ganitong klaseng billboard sa airport na ito.
Quinna Amera Nandezo, iyon ang pangalan ng Mommy nila. Her name is familiar too pero hindi ko lang talaga maalala.
Nakangiti siya habang nakakandong sa kanya iyong... Hindi ako sigurado kung si Jecky ba iyon o si Jacky. Pero parang si Jecky, ewan ko kung paano ko naman iyon nasasabi, eh hindi ko nga alam kung sino sa dalawa ang Jecky. Kasi ang mukha niya ay seryoso.
Nakangiti rin siya at nakayakap sa Mommy niya. Tiningnan ko naman si Quinne Zerrah Nandezo, ang ganda pa ng ngiti niya at mukhang inosente talaga. Nasa likod siya ng mommy niya at nakayakap siya sa leeg ng kanyang ina na parang naka-piggy back lang din siya at magkalapat ang mga pisngi nila nasa right shoulder ito.
Sunod ko namang tiningnan ko ay si Jacky Merro Nandezo, nasa tabi siya ng mommy niya habang nakaakbay ito sa kanya at hawak nito ang pisngi ni Jecky. No doubt na makulit at pasaway nga talaga siya kaya alam kong si Jacky na siya. Napansin ko iyong left hand niya. Nakahawak siya sa ulo ni Quinne. What a beautiful scene. Masaya sila sa picture at larawan nga sila ng masayang pamilya. Nakaputing kasuotan silang apat.
“My angels,” iyon ang nabasa kong caption.
“Iyong laway ninyo, ha,” nang-aasar na paalala ni Milley.
“Hindi ako naglalaway, ’no.”
“Nasaan na kaya si manager? Dapat around 10 nandito na siya.”
“Yeah, I want to rest na,” humihikab na sabi ni Jersyn.
Naghintay na ang kami sa waiting area hanggang sa...
“Baby, baby baby, Ohh... baby.” Akala ko ay ako lang ang nakapansin sa batang babae na bakit yata isa-isa kong nakikita ang mga ito?
It’s Quinne Zerrah Nandezo, she’s wearing her earphones at pasayaw-sayaw pa siya. Nasa tabi niya si Jecky, for sure na nagbabasa lang ito. Kay bata-bata pa niya ay libro na ang binabasa? Nasaan kaya iyong pasaway na si Jacky? Kasama na naman nila ang bodyguards nila at may babysitter din sila.
Napailing ako nang makita ko na ang batang hinahanap ko. Pumuwesto siya sa likuran ng batang babae at balak niya yatang gulatin ito.
“BOO!” sigaw niya kaya napaitag sa gulat ang kapatid niya.
“AHH! Yaya ba!” Wala na, hindi lang siya nagulat dahil malakas na siyang umiiyak.
“Ang kulit talaga ng isang iyan, kumakanta iyong kapatid niya ay bigla na lang gugulatin sa likod,” ani Jersyn. Music lover but a cry baby.
Nagpakarga na siya sa yaya niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaiyak niya.
“Jacky, huwag mo namang gulatin ang kapatid mo,” mahinang sita ng babysitter nila.
“Happy po kasi kaya, Yaya. Hey princess, tahan ka na kasi baka magagalit sa ’yo si Mommy. Swear!” sigaw niya at umupo siya sa tabi ni Jecky. Bigla niya itong sinapak sa ulo at mabilis na kinuha rin niya iyong librong binabasa.
“Pabasa po, Kuya. Blah blah blee blee. Mahirap basahin Kuya,” aniya at sabay na ibigay na niya sa kapatid ang libro nito pero hinayaan lang nito ang pasaway na bata.
“Yaya, ibaba mo na si Princess. Play po kami!” pangungulit na naman niya. Wala na talaga siyang ginawa kundi ang mang-inis, eh.
“No way! Bad ka, Jacky. Bad ka! Go away!” naiiyak na sigaw nito sa kanya. Ang cute niyang umiyak.
“Ikaw ang bad! Sabi ni Mommy ay huwag ka nang kumanta pa! She hates music and worst a singer!” sigaw nito at biglang hinila-hila iyong paa ng kapatid.
“Jacky! Yaya! Iyong paa ko po ay hinihila na naman ni Jacky! Yaya!”
“Huhuhu! You’re tanda na kaya, Ate Quinne. Iyak-iyak ka pa riyan! Huhuhhu,” panggagaya ni Jacky at mas lumakas pa ang pag-iyak ni Quinne.
“Ulo ko ang sumasakit sa batang iyan. Wala talaga siyang patawad, eh ’no.”
“That’s enough, Jacky Merre Nandezo! You stubborn Litton brat!” Hindi na nga nakapagtimpi pa ang isa niyang kapatid at sinigawan na siya. Hinila siya nito para paupuin sa bench. “Stay! Kung ayaw mong ipatatanggal ko iyon!” Iyong isang billboard na naman ang nakita ko at nandoon nga ang sutil na bata na nakasuot ng pambatang uniporme ng piloto at may caption na naman ito. “Future pilot.”
“Hindi na po, Kuya! Good boy na po ako!” sigaw niya sabay taas ng dalawang kamay. Wew, natakot naman.
“Don’t cry na, Princess. Sumbong natin siya kay Mommy,” pagpapatahan niya sa kapatid at tumigil na nga ito sa kaiiyak. Nang maibaba ito ng babae ay pinunasan niya ang mga luha nito. Napangiti ako sa mga nakikita ko sa kanila. Kitang-kita ko naman ang pagsimangot ng isa.
“Oy! What a coincidence the Mister staring-is-rude, and Mister what-the-fvck- and the two froglets.” Maramdaman ko naman na natigilan ang kasamahan ko.
“Abat...”
“Shut up, Jacky Merre! You and your bad mouth!” Hayan tiklop siya agad sa kapatid niya.
“Saan kaya nagmana ang isang iyan? Mukha namang okay ang isa, ah.”
“Come on, nandito na raw si Manager,” sabi ni Mazeke at nagsitayuan na kaming apat pero parang ayaw namang kumilos ang mga paa ko. Ang ganda kasing panoorin ang mga batang ito, eh.
Kinuha ko na lang ang maleta ko at nagsimula na kaming maglakad. Sumulyap pa ako sa triplets at nahulog naman ako nang magtago ang mga mata namin ni Quinne Zerrah.
Mariin kong naitikom ang aking bibig dahil sa ganda ng ngiti niya. Sa akin talaga siya nakangiti. Ah, for sure isang dyosa si Quinne kapag malaki na ito. Kung ako lang ang Daddy niya ay alam kong bantay sarado siya sa mga manliligaw niya.
Itinaas ko ang palad ko para kawayan siya at nakangiting gumanti siya. I just hope na magkikita pa kami ulit.
Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko nang makalabas kami ay nanikip ng husto ang dibdib ko. Ang bigat nga ng mga paa ko para ihakbang ko pa. Parang naiwan ang puso ko sa loob. Hindi ko talaga maintindihan, haist.
Hindi pa rin humuhupa ang mabilis na t***k ng puso ko. Hanggang kailan naman kaya ito ganito?