CHAPTER 9

1739 Words
CHAPTER 9:THE CELLPHONE QUINNA AMERA’s POV TATAYO na sana ako nang mabilis na tumayo si Papa at pinigilan niya ako. Kailangan nang umalis dito ng mga anak ko. Hindi sila puwede rito, eh. “Stay here, anak. Qko na ang kukuha sa mga apo ko,” ani papa. Ang lakas-lakas ng kabog sa dibdib ko. Natatakot na ako para sa kanila, eh. Nasaan ba ang mga bodyguards ng triplets na ito? Tiningnan ko si Madam Sanchez, halata sa mukha niya ang gulat at mabilis na binaling niya sa akin ang tingin. Umiwas ako agad. “Let’s go home, kiddo,” narinig kong sambit ni Papa sa mga apo niya. “No, Lolo Papa. I want to be with my Tito Jack pa po,” naka-pout na sambit ni Quinne. “Come on, little princess. Mama gonna mad at you,” pananakot pa ni Papa. “But Papa!” sigaw ni Quinne. Hala siya, pinagtataasan na niya ng boses ang Lolo niya. “Jecky, you want your Mama get mad at you, hmm do you?” naaaliw na tanong pa ni Papa. “No po, Lolo Papa. Come on, Jacky we better go home na," pag-aaya na ni Jecky. “But Kuya, Lolo Papa can stay here?” ani Jacky. ”Ma’am umuwi na raw po kayo ang sabi ng papa niyo,” singit ng bodyguard ni Papa. Tumango lang ako at tumayo na ako mula sa kinauupuan ko. I started walking at naisipan ko pa ang lumingon sa stage. Medyo nagulat pa ako nang nakatingin pala siya sa akin habang buhat-buhat niya si Quinne. Dàmn! Napakapasaway talaga niya. Lumapit pa rin siya. Nakarating na ako sa parking lot at pinagbuksan ako ng pinto ng family driver namin. Pumasok na ako at napasandal. Dàmn it! That was close. Sana naman ay makaalis na agad doon sina Papa. “Yey! Let’s go home! Let’s go home!” Napahinga ako nang maluwag nang marinig ko na ang masayang boses ni Jacky. “I’m so happy!” sigaw naman ni Quinne. Sumandal na lang ako sa likod ng shot gun seat as I closed my eyes. Hindi ko na lang pinansin ang pagsakay sila sa backseat. “Mommy, galit ka po ba?” tanong sa akin bigla ni Quinne. Ang inosente ng boses niya. “I’m not, baby. Why do you ask me that?” mahinang tanong ko sa kanya. “Kasi po pumasok kami sa party kanina kahit ayaw mo,” si Jacky na ang sumagot. “Okay, I’m not mad,” sabi ko at napaigtad ako ng may pamilyar na mainit na kamay na dumapo sa noo ko pababa sa leeg ko kaya automatiko na napamulat ako. “What the...” bulong ko nang makita si Raizer. Masyadong malapit ang mukha niya sa akin kaya naaamoy ko pa ang maamoy na hininga niya. Mabilis kong tinabig ang kamay niya. “What are you doing here?” gulat na tanong ko. “Ihahatid ko na kayo,” pagpresenta niya. “Why? This is your engagement party. You should go there, Raizer,” mahinang sabi ko. “Fvck that party! The hèll I care!” Sinamaan ko siya nang tingin at binato ko siya ng panyo ko. Tumama iyon sa ilong niya. ”Sadista, I’m sorry kids. Huwag ninyong gagayahin si Tito na nagmumura, ha?” malambing na sabi niya sa mga anak ko. Bakit ba siya lumalapit sa amin ngayon, ha? “Yes po, Tito!” sabay-sabay na sagot nilang tatlo. “Good,” sabi niya. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Bahala na siya buhay niya. Tahimik lang ako sa biyahe, ang mga bata lang ang maiingay at si... Raizer. Oh good, God! Para kaming isang normal na pamilya, iyong masayang pamilya na walang problema. Iyong walang nasasaktan. Kasama namin siya...pero dapat nasa party pa siya lalo na engagement party nila ngayon. “Staring is rude... Quinna,” komento niya. “Why are you here? Dapat kasama mo sa party ang fiancé mo,” sabi ko at pinagdiinan ang salitang fiancé. Para maalala naman niya. “Tsk, mas gusto kong kasama ang mga bata.” Napasabunot ako sa buhok ko. Nakaiinis lang kasi, eh. ”Hey, stop hurting yourself,” pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinansin. “Tito Jack, you can cook po ba?” malambing na tanong ni Quinne. “Yes baby, why?” Anak ng? Bakit ganoon naman ang tawag niya? “Can you cook for us, Tito? Hindi po kami nakapag-dinner, eh. Gutom na po ako.” Kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ni Quinne ay alam kong humahaba na ang nguso niyan. “Me too po, Tito!” singit naman ni Jacky. “Why not, baby? Okay, ipagluluto ko kayo.” At pumayag pa talaga siya? “Yehey!” sabay-sabay na sigaw pa nina Quinne at Jacky. “How about you, Jecky?” tanong naman niya kay Jecky? “Yes po, Tito please.” “Ikaw Quinna?” Napalingon naman ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay then I looked away. “Shut it at hindi ako gutom,” masungit na sagot ko. “Sungit nito.” Ano naman ngayon sa kanya? Pakialam ba niya kung masungit ako? Pss. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay. Mabilis na bumaba ako mula sa sasakyan namin at nagtungo agad sa gate. “Mommy! Wait up po!” sigaw ni Quinne. “Baby, I’m tired,” mahinang sambit ko. “Okay, Mom! Tito, let’s get inside po! We’re excited na!” Quinne exclaimed. “Alright, baby,” natatawang sagot pa niya. This is frèaking bad! Bakit ba nagkasundo sila agad? Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay pumasok kaagad ako sa kuwarto ko. Padapa pa akon humiga. Nalilito ako, nakalilito ang bawat pangyayari. Sasabihin ko na ba ’to sa kanya? Pero natatakot ako. Wala akong lakas ng loob na sabihin ito pero shet lang. Naaalala ko ang sinabi ni Papa sa akin kanina. Raizer is the father of my kids! May karapatan siyang malaman at makilala na sa anak niya ang triplets ko, pero nakakapanghina ng loob lalo pa na may fiancé na siya at mali na ang guluhin pa ang relasyon nila. Napaigtad ako ng bumukas ang pintuan. “Mommy?” It was Jecky. “Yes baby?” mahinang tanong ko. “Sabi po ni Tito, bumaba ka raw, aniya at dumapa rin siya sa kama ko. Nilingon ko ang anak ko na nakanguso. Napangiti ako. Hinaplos ko ang buhok niya, kahit saan anggulo ng hitsura niya ay magkamukha nga talaga sila. Hindi mapagkakaila na mag-ama nga. “Bakit biglang naging soft ang puso mo, anak? Hindi ba aloof ka sa mga tao? At binibili iyang ngiti mo? Lalo na minsan mo lang iyan ipinapakita iyang malalim mong dimple?” mahinang tanong ko. “Mommy, you know that already, he’s our father. Our biological father po,” he stated the fact. “Mauna ka nang bumaba, magpapalit lang si Mommy,” nakangiting sabi ko. “Yes po, Mommy,” aniya at hinalikan ako sa pisngi. Sweet. HINDI pa man ako nakalalapit sa dining area ay naririnig ko ang masayang boses ng mga anak ko. “Yo, Mom! Come here po, let’s eat na!” masayang tawag sa akin ni Quinne. Tipid na ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa kanila. Anim lang ang table namin, umupo ako sa tabi ni Jecky kasi nag-iisa lang siyang nakaupo roon. Napapagitnaan naman nina Quinne at Jacky si Raizer. Tinitigan ko si Quinne, ang saya-saya niya ngayon, ah. Parang natatakot ako na burahin ang matamis niyang ngiti sa mga labi niya. ”Kain na tayo. Napatingin naman ako kay Raizer nang mag-aya na siyang kumain. Nginitian niya ako pero mabilis ko ring inilipat ang atensyon ko sa iba. In the midst of our dinner time ay nagsalita naman si Jacky. “By the way, Tito Jack. Nasa akin po ang cellphone mo!” masiglang sambit ni Jacky. Napakunot-noo naman ako. Paanong nasa kanya ang cellphone nito? “How come that you have his phone, Jacky?” tanong ko. “Iyong sa airport po, Mommy. I’ll borrow his phone po kasi. Tito, akin na lang po ang phone mo please?” What the. “Jacky!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin. “Sige na po, Tito? Akin na po? Para matawagan po kita, right?” Sinapian na naman siya ng kakulitan niya. “Jacky, you’re too young for that! And besides that’s bad for you, anak at cello iyan, mahalaga iyon sa kanya. Parang nanghihingi ka lang ng laruan sa kanya, ah,” seryosong saad ko sa kanya. “Calm down, Quinna,” natatawang sabi Raizer at tinaasan ko siya ng kilay. “Jacky, okay, sa ’yo na ang phone ko. Basta sa isang oras o dalawa ka lang dapat humawak ng phone, okay?” Mommy is right, bad iyon sa ’yo, baby,” pangangaral pa niya. Ngayon nauutusan na niya ito! “Okay po, Tito, thank you po!” masiglang sagot ni Jacky. “No, cellphone mo iyan. Baka importante sa ’yo ang contact number sa phonebook mo,” sabi ko na inilingan niya lamang. “Ayos lang.” “Bahala ka,” inis kong saad. Nang matapos naman kaming kumain ay nagpasya ang mga bata na manonood daw kami ng movie. It’s Quinne’s idea! Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya dahil alam kong iiyak na naman siya. Nakaupo kami sa mahabang sofa. Nasa gitna namin ni Raizer si Jecky, habang kandong niya si Quinne at nasa right side niya naman si Jacky. Ngayon ako ang naiilang. “Tito, picture po tayo!” Aigoo, Jacky. “Okay, baby! Isama natin si Mommy.” “Tumigil ka,” sabi ko. “Akin na, baby. Selfie na lang tayo,” aniya at kinuha na ang phone. Nagulat pa ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko. “K-Kayo na lang,” nauutal kong sambit. “Huwag kang madaya,” sabi niya at hinila pa ako. “No, tayo dapat para fair,” aniya at napasandal na ako sa leeg niya. “Closer, baby Jacky. Come on. Say cheese...” “Okay, cheese!” sabay-sabay na sabi nila at hindi ako gumaya sa kanila pero ngumiti naman ako. Kahit napipilitan pa ako. First picture namin iyon bilang family kaya dapat maganda ako roon at hindi nakabusangot. Kahit na hindi ko pa gusto noong una. Speaking of the family...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD