Camille's POV Ilang araw na ang makalipas ng nalaman namin ung kila Nicole. Pati na din ung pagkakasuspend ng TL namin dahil sinampal nya sila Vash. Grabe talaga un ung si Sanya. Hindi ko akalain na magiging ganun un. Sya ang pinakamabait sa grupo nila Olivia ih... Nasa loob pala talaga ang kulo ng isang tao. "Nicole! Tara na uwi." Yaya namin ni Tala sa kanya. Nakanguso naman syang tumuro sa gilid nya kaya napatingin kami. Ah! Bantay salakay ka ha! Hahahaha. Andun kasi si Miggy at mukhang inaantay sya. "May asungot." Sabi nya kaya bigla syang tinignan ni Miggy nang nakataas ang kilay. "Joke lang. Hindi ka naman mabiro." Sabi nya at ngumiti. Inilingan lang naman sya ni Miggy. Nagulat naman ako ng may humawak sa bewang ko, pagtingin ko si Keith naman pala kaya ngumiti ako at kiniss sya

