Camille's POV "Ma. Pinabibigay po ni Nicole at ni Miggy. Attend po kayo. Inaasahan kayo nun." Sabi ko kay Mama habang inaabot ung wedding invitation nila sa kasal nung dalawa. Tinignan ni Mama un at bahagya pang nagulat nung nakita ung pangalan ni Miggy. "Monticlaro? Si Miggy Monticlaro?" Tanong nya. Tumango naman ako na nagtataka. "Opo. Bakit po? Di nyo ba alam na Monticlaro po si Miggy?" Tanong ko kasi nagpunta na dito si Miggy ng dalawang beses ih. "Hindi. Wala naman sinasabi ung batang un. Sya pala ang may ari ng Monticlaro Enterprise! Hay naku! Nakakahiya at nagpupunta dito sa bahay ang CEO ng pinakamalaking kompanya. Hay Jusko po." Sabi ni Mama at napahawak pa sa noo nya. Pareho kaming natawa ni Ate dahil sa ginawa nya at mga sinabi. Hahaha. Si Mama talaga minsan may pagka OA.

