Trina "Um, okay, aware ka naman siguro sa performance mo sa klase ko diba, Trina?" Tanong sa akin ni sir Marco na ang tingin ay nasa screen pa rin ng laptop. "Ah, eh, y-yes sir." Nauutal kong tugon, hindi ko mapigilang mapamura sa aking isipan dahil parang ito na iyong oras na sasabihin ni sir Marco na i-drop ko na lamang ang klase niya. Tangina! Ayokong mag-extend ng isa pang semester para i-repeat itong last math course ko. "Ang score mo sa preliminary exam is 25 over 60, ang score mo naman sa midterm exam is 30 over 60, iyong mga quizzes mo kung hindi bagsak ay average scores ka lang. May I remind you that the passing rate for this math course is 70% kaya kahit na ma-perfect mo pa ang final exam ay hindi nito mahihila ang grades mo pataas." Sambit sa akin ni sir Marco na sobrang sery

