I froze for a second, tsaka ako mabilis na nag iwas ng tingin. Umatras ako at humigpit ang hawak ko sa kamay ni Caleigh na ngayon ay nakatingala na sakin at nagtataka. “Ezra,” Tumaas ang boses ni Vin as he stepped out of the elevator. May dalawang naka uniform na bodyguard na naka sunod sa kanya. I stayed face down. Gumilid ako at akmang lalagpasan sya pero nahawakan nya ako sa balikat. “Ezra,” Ulit nya. “Sorry po, I’m not Ezra.” My voice is shaky. Hindi ko iyon napaghandaa. I pulled myself from his grip at natanggal naman iyon agad. I walked straight to the elevator and pushed the close button. Nagtama ang mata naming dalawa, sya naman ngayon ang hindi makagalaw hanggang sa tuluyan nang magsara ang elevator doors. “Mommy? Who’s Ezra? Why is the guy calling you Ezra?” Caleigh then as

