Hindi ko na kinailangan na magtext dahil pagbaba ko pa lang mula sa taxi nang buksan iyon ng valet sa tapat ng restaurant ay nandoon na si Vin at hinihintay na ako. He pulled me in for a hug and kissed me in my temple. “What took you so long?” Kunot noo na tanong nya. “So long ka dyan? Ang bilis ko na nga, eh.” Nakasimangot na sabi ko. Tumawa sya at pinisil ang ilong ko. “Tara na, nasa taas na si mommy.” Inakbayan nya ako at sabay kaming naglakad papasok. May mabining kanta ang pumapailanlang nang pumasok kami. Madaming tao, pulos mga bihis na bihis. Pero inakay ako ni Vin sa isang staircase. “Sa taas?” Nagtataka na tanong ko. “Yep, I reerved us a vip room.” Mahinang sabi nya. Tumango na lang ako. Tumigil kami sa harap ng isang wooden door. Vin opened it for me. Excited na ako uli

