Hindi ko halos magalaw ang pagkain ko. I was so damn nervous and my heart’s beating so damn fast. Ramdam ko ang malalaking butil at malamig na pawis ko sa noo ko. “What? Hindi mo gusto yung linuto ko? Request mo ‘yan.” Kunot noo na untag sa akin ni Nick. Gusto ko nang maiyak. Kanina pa ako hindi umiimik. Hindi ako nakatutol sa sinabi nya na gusto nyang sumama. At kapag sumama naman sya, he’ll know that I was lying. Damn it. Bigla na lang akong tumayo at mabilis na pumunta ng banyo. Nanginginig ang mga kamay ko. s**t. Baka ma late ako sa usapan namin ng kapatid ko. I feel so torn at the moment. Narinig ko na kumatok si Nick. Mabilis akong napapitlag. “Ezra, come out. Let’s talk.” Seryoso na sabi nya. Napalunok ako. Naghilamos ako bago ako dahan dahan na lumabas. Nasa dining table p

