Fifteen minutes before lunch time ay nagulat ako nang bigla akong lapitan ni Anton. Dapat ay nasa ibang floor sila ni James at hindi pa dapat kami magkikitra unless nasa quarters na kaming lahat para maghanda sa pagkain ng lunch. “May delivery boy akong nakasalubong. Dalawang plastic ng pagkain yung dala, para sa’yo daw. Iniwan ko sa quarters.” Nangunot ang noo ko sa pagtataka. “Galing kay Nick?” Umiling iling si Anton. “Mukhang hindi, eh. May note pero syempre hindi ko na binasa.” I nod. “Sige, bababa na lang ako. Salamat Anton.” Mabilis rin syang bumalik sa pwesto nya. I almost dragged the time para makababa na ako at mabasa ang note. May luncheon meeting si Nick ngayon at bukas kaya plano ko talaga na kumain kasama sila Ellyn, James at Anton ngayon. When the clock strikes twelve,

