“Ezra, you have to eat something.” Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sinusukuan ni Vin. Sa tatlong araw nyang halos pagtira na rito sa apartment ko ay naka ilang subo lang ako ng linuluto nyang instant soup. Tamad na tamad ako gumalaw at halos buong araw lang ako na nakatulala. “Ezra, please.” Kulang na lang ay lumuhod na sya sa harap ko, pero wala talaga akong gana kumain, magsalita or even to move. I feel lifeless. When Nick walked out from me that night, ilang minuto lang ako na nakatayo roon habang tumutulo ang mga luha ko. After a few minutes, Vin found me. He came home with me. He ucked me to bed and I woke up feeling empty. Nagising ako na nandoon pa rin sya. Hindi ko alam kung saan sya natulog o kung sa sofa at paano sya nagkasya. I never aske

