“Jennica?” Untag ko sa kanya. Bigla akong nag panic na ewan. Akmang hahawakan ko na si Jennica nang bigla syang tumayo. “Uhm banyo muna ako, Ezra.” Pilit ang ngiti na sabi nya and then she was gone. Nagtataka na sumimsim na lang ako ulit sa mango shake na hawak ko. May kung anong kaba na hindi mawala sa isip ko. May naalala ba sya? May nasabi ba akong masama? She just froze and her mood just changed. Medyo natagalan si Jennica. Halos fifteen minutes syang nawala pero kahit papaano ay nabawasan ang kaba ko because she looks normal again when she came back. “I’m sorry but did I say something wrong?” Mahinang tanong ko sa kanya nang umupo na sya sa tabi ko. Umiling iling sya. “Nope, may naalala lang ako. Anyway, let’s go back na, medyo nilalamig na ako.” Tinitigan ko sya pero wala na a

