"Claire!" Tawag sa akin ni James na porter na katabi ko habang nakatayo kami sa reception. Isa rin siyang OJT. Tumingin ako sa kanya ng tawagin niya. "Nasaan dito 'yung piso?" Tanong niya habang parehong nakakuyom ang palad niya. "Ito!" Sambit ko at tinuro ang kanang kamao niya. "Nandito!" Binuksan niya ang isa niyang kamay at nandoon pala ang piso. Sabay kaming tumawa. Hindi ko alam kung anong trip ng lalakeng ito, siguro kagaya ko ay nabo-boring na rin siya kaya naisipan maglaro. Naaliw naman din ako kaya itinuloy tuloy pa namin habang wala naman masyadong tao sa paligid. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya pasimple kong kinuha sa bulsa ng skirt ko. Bawal kaming gumamit ng cellphone habang nasa duty pero wala naman gaanong tao at wala si Ms. Dara na strikto sa amin pagdating

