Sa dami ng iniisip ko at gutom ko hindi ko napansin na marami na pala akong nakain na pizza. Tatlo na lang ang natira, so lima ang nakain ko. Tinakpan ko na ang box at baka makain ko pa ang tatlo kung hindi ko titigilan. Matapos ko kumain ay naglinis ako sa kusina. Sumakit bigla ang tyan ko kaya pumunta ako sa CR at naglabas ng sama ng loob. May ilang minuto akong nandoon hanggang lumabas na ako. Napansin kong may tao sa dining. Si Max agad ang naisip ko kaya pumunta ako doon. Nakita ang food container na nasa dining table. Si Val agad ang naisip ko nang makita 'yun. Binigyan na naman siya ng pagkain ni Max. "Max sorry ha nakain ko 'yung pizza tatlo na lang natira!" Paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Nahiya ako na lima ang nakain ko. "Okay... It's okay, Val also brought me food. Kumain

