Pag doorbell ko ay agad bumukas ang pinto at ang nakangiting mukha ni Max ang bumungad sa paningin ko. "Hi!" Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko naman din siya. "Come in!" Binuksan niya ng malawak ang pinto saka ako pumasok sa loob. Natuwa ako ng makita ang robot na si Knight. "Hi Ms. Claire. I'm glad to see you again!" Mas lalo akong natuwa sa sinabi niya. Kilala na niya ako. "Nice to see you too, Knight!" Yumuko ako at hinaplos ang ulo niya. "You are the most beautiful woman on earth, Claire. You are a true beauty, inside and out." Sambit pa niya na mas lalong ikinatuwa ko. "Woah! Ngayon lang ako nakakita ng robot na bolero!" Natatawa kong sabi. "You have the most stunning eyes I've ever seen. They sparkle like diamonds. Your smile is unique and captivating. Every time I see you, m

