MABILIS akong naglakad pagbaba ko sa elevator patungo sa penthouse. Hindi ko makontrol ang nararamdaman kong pagkasabik kay Max. Noong isang araw pa ng huli ko siyang makita at umuwi siya dahil nagpatawag raw ng emergency meeting ang Dad niya. Sunday kahapon at busy pa rin si Max sa hotel kaya hindi siya nakapunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy excited akong makita siya ngayon. Pagbukas ko ng pinto sa penthouse ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang maabutan doon si Mr. Montevista na Daddy ni Max. Seryoso ang mukha niya at ni Max na parang may pinag uusapan silang importante habang nasa sala. Nailang naman ako na bigla na lang akong pumasok sa penthouse ni Max, hindi ko rin naman kasi akalaing madadatnan doon ang Daddy niya. "Oh Claire, you're here! Tapos na ba yung duty mo sa re

