"Ma, bakit dito siya sa kwarto ko matutulog? Paano naman ako?" Tanong ko kay Mama nang palitan niya ng cover ang kama ko. Nakatayo naman ako malapit sa pinto. Si Max at Papa ay nasa sala at nag uusap. "E'di doon ka sa labas, sa couch kasya ka naman dun eh... Alangan siya ang pahigain natin dun, hindi siya komportable doon baka hindi lang siya makatulog." Naisip ko naman na tama si Mama. Bukod sa mainit sa sala ay may ipis pang gumagala tuwing gabi. "Eh Mama may ipis dun!" Sabi ko ng maisip 'yun. Hinding hindi ako matutulog doon dahil sa ipis. "No choice ka, saan ka matutulog? Yung magaling mong kapatid natutulog na sa kwarto niya. Mabuti kung mapalipat mo 'yun sa couch.... Kung gusto mo pwede ka naman din dito may banig naman ilatag mo na lang diyan sa sahig. Tutal magiging stepbrothe

