THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 39 Luna’s Point Of View Hanggang ngayo’y binabagabag pa rin ako ng ekpresiyon ni Jerome nang makita kami nito ni Khalil na magkasama. Hindi ko alam kung nakita ba nito ang itsura ni Khalil o hindi. Kinakabahan ako. Alam kong wala naman dapat akong ikatakot dahil may tiwala ako kay Jerome ngunit papaano kung bumaliktad ang lahat? Ang bumabagabag sa isipan at puso ko ay ipinakita nitong reaksiyon. Hindi naman siya ganoon dati. Oo minsan seryoso si Jerome ngunit mas madalas itong ngumiti noon. Pero nang makita niya kami ni Khalil at sinabi pa nitong ikakasal kaming dalawa. Tila ba may kirot akong nakita sa mga mata ni Jerome. “Luna, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala riyan.” Napabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa aking gilid. Nang tumingin ako

