THE BILLIONAIRE'S DOWNFALL CHAPTER 57 Third-personʼs Point Of View Kita niya kung papaano nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat. Nasabi na niya. Hindi na niya napigilan ang sarili dahil wala na siyang maisip na paraan upang mapapayag itong sumama sa kaniya. He doesn't want to force her, pero kung iyon lang ang natatanging paraan na alam niya, gagawin niya. He wanted to live with her for the rest of their lives. Gusto niyang tumakas kasama ito dahil hindi basta tao lang ang kinalaban nila kundi isang makapangyarihang tao na kayang gawin ang lahat, maparusahan lang sila. "H-hindi kita maintindihan," saad ni Luna habang nakatingin sa kaniya. "Tol, m-magkaibigan tayo." Naikuyom niya ang mga kamao dahil sa sagot nito. Napamura sa isipan. Naiinis niya. Magkaibigan? Ganoon lang ba talaga

