THE BILLIONAIRE’S DOWNFALL CHAPTER 29 Luna’s Point Of View Maaga akong gumising kinabukasan. Tumingin ako sa paligid. Nasa rooftop kami ng abandonadong building kung saan ako palaging tumatambay. Masakit ang ulo ko, ‘di ko masyadong natatandaang ang nangyari kagabi ngunit ilang sandali lang ay luminaw sa akin ang lahat. Naparami ang inom namin kagabi at dito na kami nakatulog ni Jerome. Mataas na ang sikat ng araw. Bigla akong napatayo at tiningna si Jerome na hanggang ngayo’y tulog pa rin. Sinipa ko siya sa kaniyang binti, dahilan para magising ito’t mabangong. “Sino ‘yon?!” Tumingin tingin siya sa paligid hanggang sa mapadako ang tingin niya sa akin. “Tol! G-Good morning.” Ngumiti siya. Magulo ang kaniyang buhok. Karton ng refrigerator ang hinigaan namin. Sanay naman akong matigas

