Y U L I A N "Evan was kidnapped." Hindi ako sigurado kung nag-lag lang silang apat sa screen habang nasa video call kami ngunit alam kong narinig nila ang sinabi ko, at nagulat sila roon. It's 9 pm and I'm here at my room. Kanina ko pang gustong makausap ang bawat miyembro ng Lost & Found club ngunit ngayon lang naging libre ang lahat. Gusto kong ibahagi sa kanila ang lahat ng nalaman ko sa confession sa akin ni Donnie, ang payat na lalakeng ilang araw na akong minamanmanan, at ang nag-iisang witness sa pagkawala ni Evan Policarpio. "Ano na naman ba 'to, Yulian?" agad na reaksyon ni Krisanta na kasalukuyang nakahiga sa kanyang kama ngayon. Halata ang pagkairita sa itsura niya sa screen at sa tono ng boses nito. "Ipipilit mo pa rin ba 'yong teyorya mong wala namang pruweba? Ano, may im

