Y U L I A N
I don't hate school clubs but I don't necessarily like them.
You can call me boring or whatever for not wanting to join any school clubs, but I just find them unamusing.
But now, wala akong choice kung 'di ang sumali sa isang club rito sa East Robertson or else, malaking kabawasan daw 'yon sa magiging grado ko at the end of the school year. Like, what the hell?
Sa eskwelahan ko sa syudad, hindi naman sapilitan ang pagsali sa mga club. It's your choice kung gusto mong may salihan o wala.
Ito lang ata ang school na alam kong mandatory ang pagsali sa isang club, eh.
Kung hindi lang dahil sa magandang grado at sa mga magulang ko, na gustong palaging matataas ang mga marka ko, hindi na sana ako mamoroblema tungkol sa bagay na ito.
It's lunch time and now, I'm here at the building where all the rooms are named after their respective clubs.
Sampung minuto ang layo nito sa gusali kung nasaan ang mga classroom at limang minuto naman ang layo sa cafeteria.
Bakit nga ba ako narito ngayon? As I have mentioned, it is mandatory here for a student like me, to join at least one club.
My adviser reminded me before the class ended that I should choose a club and make up my mind before Saturday.
Guess, what? Thursday na ngayong araw and basically, I only have today and tomorrow to decide.
Ngayon, nagbabaka sakali akong may isang disenteng club na makakakuha ng atensyon ko and then, my problem will be solved.
Naglakad ako sa kahabaan ng hallway ng gusaling ito. Dalawang palapag ito at mayroong more than twenty clubs all in all. Mahigit sampu sa unang palapag at mahigit sampu rin sa pangalawa.
Karamihan sa mga club rooms na madaraanan ko rito sa unang palapag ng gusali ay ang mga basic club.
Bukod sa akin ay may mga estudyanteng nag-i-inquire rin sa mga club na sasalihan nila. I can't help but to hear what each club has to say to their new potential club members.
"Kapag sa Cooking Club ka sumali, sisiguraduhin naming palagi kang busog! At hindi lang 'yon! Siguradong matutuwa rin ang boyfriend mo dahil kahit sa loob lang ng dorm kayo magdate, pwede mo siyang hainan ng mga pagkaing matututunan mong lutuin rito!"
Nilagpasan ko ang club room na 'yon. Kita ko sa mukha ng babaeng estudyante ang kasabikan nang marinig ang sinabi nila. Pati ang kabilang panig ay hindi rin mawala ang ngiti sa kanilang mga mukha dahil alam nilang sasali ang estudyanteng kaharap nila sa kanilang club.
"Here at Book Lover's Club, ang katahimikang hindi niyo mahanap-hanap sa kahit saan ay sa wakas, mahahanap niyo rito! Kapag may kinailangan kayong mga libro, nobela man 'yan o pang-akademiko, hindi na kayo mahihirapan pa! Kaya what are you waiting for? Join our club now!"
Nagtilian ang mga kababaihang nasa harap ng club room na 'yon at agad na binigyan ng registration form isa-isa bilang senyales na iyon na ang club na napili nila.
Sa aking paglalakad palayo sa mga club room na 'yon, iba't ibang clubs pa ang nakita ko.
Toy Club, Drama Club, Poetry Club, Cinema Club, Dance Club, Singing Club, at marami pang iba. Mayroon pa ngang Galaxy Club, Search For Aliens Club, Horror Club, at ibang mga club names na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.
Like seriously, Search For Aliens Club?
Napailing na lamang ako habang patuloy pa rin sa paglalakad hanggang marating ko ang dulo ng unang palapag.
First floor done. Wala ni-isa sa mga club na narito sa unang palapag ang nakakuha ng aking interes. Alangan namang sumali ako sa Cooking Club kahit wala naman akong kaalam-alam sa pagluluto, 'di ba? O kaya sa Dance Club kahit parehong kaliwa ang mga paa ko? Natatawa na lamang ako habang iniisip ang mga 'yon.
Pumanhik na ako sa hagdang magdadala sa akin sa ikalawang palapag kung nasaan ang iba pang mga club room.
Katulad sa ibaba, nilagpasan ko lamang ang mga club na madadaanan ko. They didn't caught my interest about their clubs and their activities. Hindi ko lang talaga makita ang sarili ko sa mga club na 'yon.
Matapos lagpasan ang mahigit siyam na club rooms, dalawang club room nalang ang natitirang pwede kong pagpilian or else, baka tanggapin ko na lamang ang mababang gradong makukuha ko pagkatapos ng school year na ito.
Natigilan ako sa harap ng club room na pangalawa sa huling kwarto sa palapag na ito. Nakatingin ako sa itaas ng pinto kung saan nakalagay ang pangalan ng club bago ko mapansin ang isang lalakeng estudyanteng nakatayo sa harap ng pinto.
"Welcome to Photography Club..." iyon ang unang bungad sa akin ng lalakeng may matipid na ngiti.
Kalmado ito at hindi katulad ng iba sa mga club room na nadaanan ko kanina, mga agresibo at sabik na sabik sa pagre-recruit, chill lamang siya.
Matipid ko ring nginitian ang lalake pabalik.
Singkit ang kanyang mga mata, may itim na buhok na naka-brushed up, maputi ang kulay ng balat, matangkad, at may kalakihan ang pangangatawan.
Napansin ko rin ang nakasabit na strap ng camera sa kanyang leeg.
Lumapit ako sa harap niya at sinilip ang loob ng kanilang club room mula sa labas. Walang tao sa loob. Mga magagandang kuha ng litrato lamang ang kumuha ng atensyon ko sa pagsilip kong 'yon.
"Pwede kang pumasok kung gusto mong makita nang malapitan," napatingin ako sa kanya nang magsalita itong bigla.
Umiling ako. "Hindi na. Salamat nalang." Agad kong pagtanggi habang nakapamulsa at nagtataka kung bakit wala siyang kasama rito. "Mukhang wala ka pa atang mga miyembro?" pagpuna ko.
"Kumakain lang 'yong iba. Pabalik na rin sila." Tumango ako nang marinig 'yon sa kanya.
"How dare them to leave their club president here alone?" napangisi ako nang bitawan ko ang assumption kong iyon ngunit agad siyang umiling matapos marinig ang aking sinabi.
He showed me a little smirk. "Hindi ako ang presidente ng club na 'to. Miyembro lang rin ako." Pagtatama niya sa akin na ikinatango ko naman. "Do you consider joing our club?" ngumiti itong muli sa akin, hindi gano'n kalaki, ngunit mas malaki kaysa sa unang ngiti niya sa akin kanina.
Napaisip ako sa itinatanong niya. Well, I don't know much about photography but I'm fond of taking pictures using my phone. Pwede na kayang dahilan 'yon para sumali ako sa club na ito? After all, Photography Club isn't a bad club. Isa pa, wala na rin naman akong pagpipilian bukod rito at sa huling club na katabi nito.
I was about to ask the guy in front of me for a registration form when I heard someone shouting from the club room next to Photography Club.
Natigilan ako.
"Evan's disappearance is what we're going to prioritize!"
"What? Are you crazy? We are not the Detective Club nor the police!"
Tiningnan ko ang singkit na lalake. "Excuse me," nginitian ko itong muli at tinanguan naman ako nito bago ako naglakad paalis.
I stopped at the next and the last club room of the building, the Lost And Found Club.
Bukas ang pintuan ng kanilang club. As what the description says about the club, posted at the door, ang club na ito ang tumutulong para sa mga estudyanteng nawawalan ng gamit, upang maibalik ang mga ito. Tipikal at literal na lost and found place.
Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko sa paglapit sa pintuan nila ay ang mga narinig kong sigawan at pagtatalo nila tungkol sa isang bagay.
Ang pagkawala ni Evan Policarpio.
Nanatili akong nakasilip lang sa pinto at pinapanuod ang apat na estudyanteng pinalilibutan ang lamesa sa gitna ng kwarto.
"I'm still the president of this club, Jaira! Nasa akin pa rin ang huling desisyon." The tall, redhead guy, said while pointing at the girl with a black shoulder-length, curly hair.
Sa itsura nito ay parang hindi talaga siya sang-ayon sa ipinipilit ng babaeng kanyang dinuro.
"And I'm your vice president, Wilmar! Paano ka magiging effective na presidente ng club na 'to kung sarili mo lang ang pinakikinggan mo?" tumayo ang babae. Dinuro rin nito ang presidenteng lalake. Kumunot ang noo ng kanyang kaharap.
"As the club's secretary, nakasaad sa ipinasa kong form ng club natin ang detalye ng ating mga activities sa school year na ito. And I hate to break it to you, Jaira, wala sa list natin ang pag-iimbistiga sa pagkawala ni Evan." Mataray na pagsabat ng isang babaeng nakasuot ng salamin sa mata at nakaupo sa tabi ng presidente ng club.
Hindi makapaniwalang tumingin 'yong babaeng kulot sa nagsalita. "I firmly believe that something happened to Evan. May malalim na dahilan ang pagkawala niya!" gigil na giit nito at tumingin sa mga kasama. "He has the kindest heart. He is the president of the student council. Hahayaan nalang ba natin na isipin ng lahat na naglayas siya and let them believe that those fake stories here at the campus are real? Guys, come on!" tumingin ito sa lalakeng katabi niya.
"I agree with Jaira..." matipid na sambit ng lalakeng kanina pang tahimik.
Napairap ang babae sa harap nila. Pati ang presidente ng club ay napakamot sa ulo matapos marinig 'yon.
"I'm with the president!" mariing sabi ng babaeng secretary at itinaas pa ang kanang kamay nito.
Ngumisi ang katabi nito. "What now, Jaira? Dalawa laban sa dalawa. Kami ni Krisanta ang magkakampi habang kayo naman ni Resty ang magkasama sa gusto niyong mangyari." Napailing ito habang tinitingnan ang dalawa. "It sucks that we only have the four of us to vote. Ngayon ay nasa akin pa rin ang huli desisyon..."
Napangisi ako sa aking narinig.
"No. The vice president has now three on her team." That's my cue.
Napalingon sila sa akin lahat nang pumasok ako sa loob ng club room nila.
They all looked shocked. Especially, the president and the secretary. Parang lumiwanag naman ang mukha ng bise presidente nang marinig ang sinabi ko.
They all stood up.
"And who are you?" mataray na tanong sa akin ng babaeng katabi ng presidente.
"Yulian Rotoni, 16, from Class A." Nginitian ko ang bawat isa sa kanila. "Your newest member."
"We are not accepting—"
"Welcome to the club, Yulian!" agad na lumapit sa akin ang babaeng kulot ang buhok at nakangiti akong kinamayan. "Tamang-tama, we were looking for one last member. Nasa form naman na ipinasa mo sa student council ang pagkakaroon ng at least limang member sa isang club, hindi ba, Krisanta?" nakangisi nitong nilingon ang babaeng dismayado ang itsura kasama ng presidente nila.
Ngumiti sa akin ang lalakeng katabi nito kanina. Matipid ko rin itong nginitian.
"Fine." Wala nang nagawa ang presidente at lumapit na sa akin para kamayan ako. "Welcome to the club." Ang hindi gano'n ka-welcoming na bati nito sa akin. Nginisian ko lamang ito.
"So, what now?" I asked them, looking at Jaira, the vice president, nakangiti ito. "Are we going to investigate what happened to Evan Policarpio or not?"
Tumingin naman ito sa kanilang presidente na tila naghihintay ng sagot.
"You won, Jaira. Take the lead." Ang sabi ng presidente.
Napangiti ako.
Hearing them discussing about Evan and his disappearance earlier made me think of joining their club.
Hindi naman talaga ako interesado sa tunay na gawain ng club nila. Ang tumanggap ng mga nawawalang bagay at magbalik sa mga may-ari nito. That's too plain and boring, to be honest.
Ngunit nang malaman ko na dalawa sa kanila ang interesado sa pagtuklas ng mga detalye sa pagkawala ni Evan Policarpio, doon sumiklab ang kung anong pakiramdam sa loob ko na gustong maging parte ng bagay na 'yon.
Ang imbestigahan ang pagkawala ng pinakamatalinong estudyante sa East Robertson High School.
This is gonna be fun.