KATATAPOS LANG ni Alverah na maghapunan. At habang naglalakad sa sala ay hindi niya maiwasan na mapatingin sa nakabukas na malaking pinto sa may b****a ng mansion at tinanaw ang labas. Madilim na sa labas at tanging nakabukas na mga ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa labas. Panibagong araw na naman ang lumipas na hindi man lang niya nakita si Matthew. Magiisang linggo na rin ang nakakalipas no'ng huli niya itong nakita, at sa loob ng mga dumaang araw ay hindi niya maiwasan na magsimulang magalala para sa lalaki. Matagal niya ng gustong alamin kung nasa'n ito at kung ano ang kinabalahan nito para hindi man lang magawang umuwi, ngunit wala siyang lakas na loob para magtanong mula sa mga kasamahan niya sa mansion. Sa loob rin ng ilaw araw ay napapansin niya na tila wala lang ng mga ito

