I reached for the paper in my pocket and scanned the writings on it. i have to make sure na tama at nakuha ko na lahat ng pinabibili sa akin ni Mama. Dahil busy sila ni Papa even on the weekends, she asked me to buy groceries dahil halos wala ng laman ang ref at ang cupboard namin. We buy groceries here pero pag dating sa mga meat, poultry, fish and vegetables namamalengke si Mama tuwing Saturday ng madaling araw sa public market. Mas fresh at bagong bagsak kung ganung araw.
Na miss ko itong gawin sa totoo lang. Back when i was living in a dorm with Cami, I used to do all the groceries alone dahil Cami doesn't have the slightest interest to walk with me in a grocery store. It bores her. One time, sinama ko sya, bakit daw ako namimili between brands eh pare- parehas lang naman raw iyon. I remember na itinikom ko na lang ang bibig ko nun. I didn't want to argue with her in an alley of detergent soaps.
"Maam do you want to get our promo? Buy one take one po kami up until today," ani ng promodizer saka inabot saka inabot sa kin ang magkadikit na karton ng fresh milk na mula sa isang bagong brand.
Umiling ako saka inabot ang fresh milk na green ang karton staple na sa household namin. That's the only milk na gusto ko. Tamang tama lang ang tamis, lasa at consistency for me.
Sinilip ko ulit ang listahan to makee sure and saw na ang hindi ko na laang nailalagay ay ang mixed nuts na paborito ni Mama. Pag nasa office raw kasi sya, she's often getting hungry kahit hindi pa nila break time kaya ang ginagawa nya, she's having a mixed nuts. Funny dahil si Papa ay allergic sa nuts.
Iniliko ko ang cart ko sa alley ng mga drinks. Ngayong nakuha ko na lahat ng para sa bahay, I'm gonna get all the snacks that i want. Iyon ang condition ko kay Mama kapalit ng pag grocery ko ngayong araw.
My mood spiked up nang makita ko ang hilera ng iba't ibang inumin. Excited kong inabot ang kamay ko ang tatlong tig i- isang litro ng Chuckie. Dahil kay Lukas, I've grown to like Chuckie na parang ginagawa ko ng tubig. I still drink water though.
After kong kumuha ng Chuckie, niliko ko ang cart ko sa alley ng mga chips. I stood in front of the wide variety of chips to choose from. I've been craving for something unhealthy and salty. Minsan lang naman. Parang hindi ako makaka labas ng grocery na 'to kung hindi ako makaka kuha ng chips.
Ilang minuto na akong naka tayo pero hindi ko pa rin alam ang kukunin ko until one snack caught my attention. It's a banana flavored chips. Ngayon ko lang nakita iyon and now I'm curious. Inabot ko ang isa mula sa shelf and scanned the product with my eye.
"If you're going to have that, why don't you try having banana chips instead of the banana flavored snack? It's a healthier option." I tore my eyes off of na hawak ko at inangatan na ang babae na naka gilid ko ngayon.
Halos ma buwal ako sa kinauupuan ko nang makita na ang babaeng nasa tabi ko ngayon ay ang ex ni Lukas. Si Davina.
May hawak syang hand carry na basket na may laman na mga youghurt, oats, frozen berries, at iba pang mga healthy na snacks. Hawak rin nya sa kamay nya ang banana chips.
"A-anong..." I trailed off.
Sa gulat ko, hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko sa kanya. What are the odds na makakasalubong ko sya of all places, dito pa sa groceries. Do I follow her suggestion or what?
Para bang may dumaan na uwak sa pagitan namin sa tahimik. It's our first encounter but she's being so happy in front of me. Ano bang gusto nyang mangyari by approaching me? Siguro naman ay aware sya sa mga bagay bagay? Or sa issue if I'd call it that.
Kung ako ang nasa pwesto nya at sya ang nasa puwesto ko, I don't think I'd have the face to show up in front of her smiling after all that's happenning.
"I'm just suggesting na you should opt for better and healthier options, " aniya. Kunot noo ko syang tiningnan. "Oh. Sorry! Ang dami ko ng dinadaldal sa 'yo but I haven't formally introduced myself to you. Hi. I'm Davina. Lukas told me so much about you, " nakangiting sabi nya.
"I'm Haya," ani ko. And it's not nice to see you.
Itinaas ko ang chips na hawak ko sa eye level nya. "I'm still getting this. Excuse me," dagdag ko.
Itinulak ko ang cart ko para lagpasan sya. Hindi pa man ako nakaka ilang hakbang ay tinawag na nya ako.
"Haya," tawag nya.
I stopped from walking pero hindi ko pa rin sya nilingon. I just directed my eyes on my grocery.
"Can you... sit over coffee with me? I have something to tell you."
Mabilis pa sa alas kuwatro kong pinihit ang upper body ko para lingunin sya. Kumpara kanina, nawala na yung happy face na naka pinta sa mukha nya nang tingnan ko sya. Her head and eyes are pointing downwards at ang mga labi nya'y kagat ng ngipin nya saka bumuntong hiniga.
"Sure." Muling nabuhay ang expression nya nang marinig iyon sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti.
Pumayag ako because I wanted to hear whatever she have to say. Ewan ko. Para na rin akong napapagod sa kaka takbo at kaka iwas sa problema.
It's time to face it.
The aroma of the hot brewed arabica coffee traveled to my nose. Inabot ko ang tasa ko saka humigop ng mainit na kape. Tamang tama ang init nya para sa nanlalamig kong katawan.
Narito kami ngayon sa cafe kung saan ko sila nakita ni Lukas. We're on the same table at that. Pagkatapos kong pansamantalang iwan ang groceries ko sa kotse nya, sabi nya ay sya na ang bahala kung saan kami and we ended up here. Nung papalapit kami rito, muntik ko na syang hatakin pero hinayaan ko na.
"Have you talked to Lukas?" tanong nya.
"Hindi pa," agad na sagot ko. Tumango si Davina.
Nung araw na napag desisyunan kong kausapin na si Lukas, I texted him na we should talk. He was so delighted na finally ay kakausapin ko na sya but unfortunately, he's in another town sa bahay ng relative nila at bukas pa ang balik nila.
Tinuyo nya ang labi nya saka dahan dahang tumingin sa akin. "I'm sorry, Haya."
"Why are you sorry?" tanong ko kahit na nagulat ako sa biglaang pag hingi ng sorry nya. I'm expecting to hear her explanation, not her sorry.
"I'm sorry for creating this mess. It's not my intention to break your relationship or win him over again nang makipag kita ako sa kanya sa cafe na 'to. Actually, it was Lukas who invited me here, " Davina said.
Ngayong nabanggit na nya, lalong umulan ng tanong sa utak ko. Parang may tinik na nabunot sa puso ko nang sabihin nyang hindi sya nakikipag balikan but her statement after makes me feel like may elepanteng dumaghan sa dibdib ko. Para ring may static na dumaan sa tainga ko't suddenly, wala akong ibang naririnig kundi ang paulit ulit na boses ni Davina na si Lukas ang nag imbita sa kanya rito.
"Anong... sabi?" I barely said. Malala na ang pag tambol ng dibdib ko. Mali siguro ang pag order ko ng kape sa sitwasyong ito. Hindi magandang combination ang palpitation at ang kaba.
Para akong mag co- colapse anytime.
Davina looks at me in the eye. "He wasn't also there para makipag balikan. He actually asked for proper closure."
Nag baba muli ng tingin si Davina saka kinagat ang ibabang labi nya. Ngayon pa lang ay gusto ko ng takbuhin kung masaan man si Lukas para yakapin sya.
So it wasn't like that. Gusto ko na lang pukpukin ang ulo ko sa pag iisip ng kung anu- ano and for not trusting Lukas enough.
"Sabi nya gusto na nyang tuldukan yung nangyari sa amin few years ago so he can finally be with you. You see, it was a pretty bad break up. Ako yung nang iwan sa kanya ng biglaan and I know, he became pretty miserable after that break up. He deserve atleast that."
Lahat ng binanggit ng mga tao sa paligid ko na hindi ko na iintindihan noon, bumalik sila sa akin. Ngayon, parang alam ko na't nakuha ko na kung anong ibig sabihin nila.
'Kala ko ba ititigil na nya ever since that?'
'Matagal naman na 'yung mga happenings.'
'Huwag na huwag mong gagawin na magsasabi lang kapag aalis na tipong wala syang choice kundi bitawan ka na lang kasi wala na syang magagawa. Kawawa na naman si Lukas. Hindi naman nya deserve na maiwan ng ganun- ganun lang. Deserve rin naman na magkaroon ng time to accept and process things'
Hindi ko alam kung anong unang ipi- proseso ng isip ko. Ang malaman na iniwan ng babaeng kaharap ko ngayon si Lukas na miserable o ang sinabi nya na Lukas finally wants to be with me.
"Anong nangyari sa inyo ni Lukas?" ang tanging na tanong ko.
Despite of almost having a heart attack, I sipped again on my coffee. Sa lahat lahat ng daming gumugulo sa utak ko, iyan talaga ang tinanong ko.
Davina eyed me like she is weighing my expression and my reaction. Tahimik at ramdam ko ang tingin nya sa akin habang ako'y naka tingin lang sa tasa ng kape ko.
"I left him so I could study in Manila." Lalong nanlamig ang katawan ko sa sinabing iyon ni Davina. "I left him so I could achieve bigger goals in life. Pakiramdam ko noon, pag hindi ako umalis sa probinsyang 'to, I'd never achieve something greater in life. Maybe I'm to greedy and ambitious that I threw my relationship with him for that."
Davina bitterly smiled at me. Hindi ko alam kung anong ire- react ko.
I swallowed hard. "You...left him." For sudies... In Manila.
That sounds awfully familiar. Sa sobrang pamilyar nun, para na namang nayayanig ang buong pagkatao ko.
Tumango sya. "I did. Hindi ako nagdalawang isip. Iniwan ko sya. I was cruel to him. I left him for my own good even though he gave me all his love and all the other good things. Magsisinungaling ako sa 'yo kung sasabihin ko na hindi ako nanghihinayang sa nasayang ko pero magsisinungaling rin ako kung sasabihin kong pinagsisisihan ko ang pag pili sa ambition ko. Probably the only thing that I regret not doing is that I didn't tell him."
Now that I heard how they broke up, lalo kong naramdaman ang tinik sa lalamunan ko.
Because I realized something. It dawned to me that my goal is same as hers that probably... just probably... I might do the same thing.
Masama ang loob ko nang malaman na baka iwan nya ako nang makita ko silang magkasama ni Davina but I didn't realize na ang hipokrita ko naman yata kung ako nga mismo, I might do something in the future that includes of leaving him.
"Haya, ayos ka lang?" Naramdaman ko ang mainit na hawak ni Davina sa kamay ko. "Haya, nanginginig ka."
Ipinikit ko ang mga mata ko't nagbilang para kontrolin ang pag hinga ko. I inhaled and then exhaled to calm myself.
"Ayos lang...ako, " halos kapos sa hininga kong sabi.
Nanatiling naka pikit ang mga mata ko para pigilan ang nagbabadyang pag tulo ng luha ko. I can't break down here. Not in front of this many people.
I told Davina na gusto ko ng umuwi. She offered to drive me home. That would be very convinient for me pero tumanggi ako. We're not exactly close for her to take me home kaya dala dala ang groceries ko na kinuha ko pa mula sa kotse nya saka sumakay sa tric pa uwi ng bahay.
I can't wait for tomorrow to come so I could hug Lukas.