TANGHALI na nang magising ako. Buti na lang at hindi ganoon ka- lala ang hangover ko. Agad akong naligo dahil pag dating ko, hindi na ako nag abala pang mag palit ng damit at dumiretso na lang ako ng hilata sa kama. Kaya tuloy nang-lalagkit yung pakiramdam ko.
Habang naliligo naalala ko nanaman tuloy yung baylihan kagabi. Napangiti ako sa mga ganap kagabi.
I'm glad I got to experience that.
Paglabas ko nang matapos ako maligo, hindi ko makita sila Mama at Papa anywhere in the house at sakto na nakita kong may text si Papa sa phone ko.
Papa:
Nak may pinuntahan kami ng mama mo baka gabi na kami maka uwi.
Then I replied,
Haya:
Okay po, Pa. Ingat kayo.
Nag- init ako ng ulam na natira kahapon galing ref at kumain ng brunch. Mag-isa lang naman ako. Si Manang Belen na kasama namin sa bahay, kinabukasan pa ang balik. Ayos lang naman dahil snay rin naman ako sa gawaing bahay nang mag dorm ako.
Kakatapos ko lang magligpit ng kinainan nang nakita kong tumatawag si Camila, my friend and former roommate sa phone ko na agad ko namang sinagot.
"Hello?"
"Girl! Kumusta ka na d'yan? Keri pa ba?" Camila said on the other line.
"I'm fine, Cami. Unti- unti na rin akong nakakapag adjust dito, thank God. Ikaw?"
Dumiretso ako ulit sa kwarto.
"Syempre okay na okay ako exept for the fact na hindi na ikaw yung roommate ko," then I heard her heavy sigh. "Balik ka na dito girl! Di ko feel yung vibe nitong bago."
"Why? May naka kuha na agad?"
Hindi rin naman nakaka gulat na may tenant na kaagad lalo na if student ng University dahil sobrang convenient ng dorm sa mga tulad kong malalayo ang bahay.
"Yap, kahapon lang and it's really annoying because pinipilit nanaman akong bumalik ng parents ko sa bahay namin. Akala ata nila nag wa-walwal ako. They're not wrong tho," natatawa nyang sabi.
"You better be careful Cami. Wala na ako dyan to cover you up. Try to be friends with your roommate so she can cover you up," I said to her at natawa kaming pareho.
One time kasi when she was at a night party, her parents can't reach her so her brother contacted me instead. I told them Cami's sleeping beside me at naka patay yung phone nya and sent them a picture when in fact, 3 days ago na yung picture na yun and we took it for nights like this.
"Nah, no thanks. Anyway, ano nang balak mo? For good ka na talaga dyan with parents?"
"My original plan still stands," seryosong sabi ko.
My happy mood suddenly dropped as soon as she mention that.
"Right. And what if maisipan mong 'wag ng bumalik? Wala ka namang naiwan dito."
"Cami, you know my goal."
"Working on KSW?"
"Yes," I murmured. "Alam mo namang pangarap kong makapag trabaho sa KSW diba? The reason why I want to graduate with flying colors."
KSW Global's really THAT company for me. I remember my Tita Veron, Papa's bunsong kapatid, used to babysit me as a child and she would sometimes take me to her workplace, in KSW. I would silently sit beside her with my toys and play but I would end up observing her, fascinated, while she was doing all that office stuffs. I think that's how the job grew on me and since then, I dreamed to do it like her when I grow up.
Natawa sya bigla. "Naalala ko nanaman yung pagsusunog ng kilay mo last school year habang kami eh nag pa-party sa may BGC."
Natawa na rin ako sa sinabi nya and waves of memories flashed. It was a hell week for me. I have exams, I have 2 missing output in a major subject, and my parents are nagging me to move here so I just can't afford to chill. I was so stressed out. But I did after. I drank with my friends to death that I can't even move my body the next day.
"Yeah, that was tough. Akala ko no'n mababaliw na ako" Sabi ko.
"Ikaw pa? Imposible!" I heard noises on her line. "Anyway, girl, I have to go," she said on the other line.
"Going out with the squad?" I asked.
"Yep!"
Tumawa ako. "Alright. Thanks, Cami! Enjoy kayo! Paki kumusta na lang ako sa iba ha!"
"Sige sige! Bye, girl! See you soon, after 3 years!"
Natawa ako. "Okay, see you soon! Bye!"
I ended the call.
Humilata ako sa kama ko, thinking what should I do.
What can I do?
In the end, nilabas ko ang laptop ko at nag browse ng magandang movie na panoorin and that's what I did for the past 3 hours.
Nang makita ko ang ending credit ng movie, agad kong sinarado ang laptop to take a nap.
Mababaw lang ang tulog ko kaya't nagising ako agad sa malalakas na katok sa pintuan.
"Ate Haya!" Lumabas ako and I found out Miko na agad ini abot sa akin ang isang envelope that says 'Priority Mail' "Sayo daw 'to. Nasa labas si Mama kanina nung dumating yung nag deliver. Sya na rin nag recieve."
"Oh, okay. Thanks, Mik."
Kinuha ko ang envelope and it has my name, Helena Ysabel R. Almonte on its cover.
"Sabi pala nya, Ate, sunod ka daw sa bahay nagluto sya ng meryenda."
Tumango ako sa kanya. "Sige, sunod ako paki sabi kay Tita."
Binuksan ko kung anong laman and saw that it's from my former university. It's my credentials na hindi ko nakuha bago ako lumuwas.
Oo nga pala, I almost forgot. Next week enrollment period na sa St. Pio University kung saan nag a-aral ang mga pinsan ko at kung saan ko rin balak ituloy ang course ko na BHRM dahil 2 years na lang naman na at ga-graduate na ako. Hindi ko rin kasi nakikita ang sarili ko sa ibang course.
Itinabi ko sa kwarto ko ang envelope saka sinarado ang bahay at naglakad papununta kila Tita Emma na na abot tanaw lang ang bahay. Pagdating ko sa may gate nila, si Lukas agad ang bumungad sa akin.
"Uy nandito ka rin! Hi, Haya!" Bati nya.
"Hi!"
Ah... bakit sya nandito?
Sakto namang lumabas sa pinto si Ate Yuli. "Lukas, yung susi daw ng motor mo?" agad na lumingon si Lukas at hinagis ang susi kay Ate. Lumingon naman si Ate sa akin at sumenyas sa loob na tinanguan ko sa umikot sya sa likod ng bahay nila.
Bigla syang lumingon sa akin. "Ah, pinaayos ko kasi yung motor ko kay Tito Harold, may sira ata yung clutch ng motor ko."
Oo nga pala, may gawaan ng parts ng motor at kotse si tito sa likod lang ng bahay nila.
I was just about to go nang bigla syang nagsalita.
"Kamusta? May hangover ka pa ba?" tanong nya.
"Ah, hindi naman. Hindi rin naman ganon ka- rami yung nainom ko kagabi. Ikaw?" tanong ko rin though I don't remember him smelling alcohol on him.
"Hindi ako uminom kagabi, may dala kasi akong motor. Mahirap na mag drive pag lasing lalo na highway pa daanan ko," he said.
"So you don't live around here?"
"Hindi, pero hindi rin naman ganon ka- layo. Mga 5 minutes drive lang naman. Alam mo yung Eco Park? Doon banda."
"Hmm... I see. Hindi ko alam kung saan yun pero okay," sabi ko.
Actually hindi ko rin alam na may Eco Park pala malapit dito.
"Ah, akala ko na- pasyal ka na Eco Park nila Jule since yun yung malapit?"
His eyes squinted dahil sa araw na tumatama sa mukha nya and it made his brown eyes came to life. He lisfted his right arms and then he puts on the cap na kanina nya pa pala hawak.
"Hindi pa, actually, Bayan pa lang yung nararating ko."
Dahil tumatama na rin ang init sa balat ko, I tied my hair up at naka tingin lang sya sa akin. Na concious tuloy ako ng slight sa tingin nya. Tinaasan ko sya ng kilay like asking what's the matter pero ngumiti lang sya.
"Ah..." Tinuro ko yung pintuan. "Pasok na ako."
"Yep, sige!" Tumango sya saka ngumiti.
Dumiretso si Lukas sa may shop at pumasok ako sa loob saka dumiretso sa hapag kainan. Nandon si Ate at Tita Emma.
"Haya! Halika, mag meryenda ka na dito at nauna na kami kanina pa. Wala pa rin ba sila Mama mo?"
Inilapag ni tita ang mainit init pang turon at malamig na orange juice sa lamesa na agad ko namang kinain.
"Wala pa po, tita. Baka gabihin daw sila ng uwi."
"Ganon ba? Dumito ka muna habang wala pa sila." Tumango ako sa sinabi ni Tita. Wala rin naman akong gagawin saka naka lock naman yung bahay.
Nang maubos ko ang turon, diniretso ko na sa lababo at hinugasan ang platito't baso. Naglakad ako papunta sa living room pero wala doon si Ate Yuli at Miko kaya't naupo na lang ako sa sofa at kinalikot ang cellphone ko.
"Yuli dalhin mo nga itong malamig na tubig kila Papa mo." Tawag ni Tita mula sa kusina na agad kong pinuntahan.
Kinuha ko yung tray sa lamesa. "Ako na po Tita, nasa labas din po si Ate."
"Ay, O sige nak, doon lang sa Likod kila Tito mo." Sabi ni Tita saka naglakad na ako palabas ng bahay at umikot papuntang likod.
Ate recognized my presence nang tumabi ako sa kanya at inilapag ang dala ko. Naabutan ko sila Tito na parang itinuturo kay Lukas kung paano nya inaayos yung sa motor nya at sa totoo lang, wala akong maintindihan. That made me automatically pin my attention to Lukas.
He seemed really interested and focused sa sinasabi sa kanya. Constant din ang ngiti nya sa mga sinasabi ni Tito and he's cracking some jokes once in a while. What I noticed about him is that he's really a people's person. He doesn't try so hard to blend because he knows that he belongs.
He's really a unique one.
Hindi ko pa man sya nakakasama ng matagal but I can tell that he's really one.
I'm really fascinated with people like him. Yung tipong hindi mahihiya to approach someone they barely know because I could never. I remember yung unang vacation ng mga pinsan ko sa amin, mama would tell me to play with them pero I don't know how. Probably because I am an only child at bibihira na nakikipag laro ako sa ibang mga bata and it frustrated me so much and as I grew older, I just learned to accept it although l still try my best to overcome it
"Jowable ba?" Bulong ni ate sa tainga ko.
"Pwede- Ha?" Bigla akong natulala sa sagot ko at biglang gumapang ang kaba sa buong sistema ko na ikina- pula ng pisngi ko.
Ha?
Kinalas ko ang paningin ko sa walang kamuwang- muwang na si Lukas dahil sa hiya at itinuon ang atensyon sa dingding dahil hanggang ngayon ay rinig ko pa rin ang bungisngis ni Ate Yuli sa gilid ko.
Gusto ko na lang talaga lamunin ng lupa. Nakakahiya!
Si Ate Yuli pa talaga naka kita sa akin! Well, actually, mas gugustuhin kong so Ate na lang kaysa kay Lucas mismo, mas nakakahiya yun! Bakit ba naman kasi tinititigan ko sya edi sana... Hay.
Lord, kunin mo na ko please.
"Yuli, bakit?" biglang tanong ni Lukas na nasa amin na pala ang atensyon.
"Pwede na daw sabi ni Haya," pang asar na sabi ni Ate.
Kumunot ang noo ni Lukas na halatang hindi naiintindihan ang context ng pinagsasabi ni Ate. Lalong dumoble ang pag pa-panic ko nang sabihin nya yon kaya rinig na rinig ko na ang kabog ng dibdib ko.
I breathed in and out internally trying to calm down.
Ate Yuli... please...
"Pwede ka na daw mag mekaniko sabi ni Haya," sabi nya. Tapos tumingin pa sa akin na halatang nang a-asar.
Inilipat ni Lukas ang tingin nya sa akin na kanina'y na kay Ate saka nginitian ako.
Lukas... wag mo ng patulan, please.
"Talaga? Tito, nag hahanap ba ng part timer dito?" Ate bursted into laughter even more na halos hindi na sya maka hinga.
Ate, sige tawa ka lang dyan. Okay lang ako dito. Pag di pa ako nilamon ng lupa, konti na lang ako na maghuhukay.
"Ah," Tumayo ako "Pasok na ako sa loob," paalam ko.
Feeling ko pag nagtagal pa ako dito, lalo lang akong lalamunin ng kahihiyan.
"Why? Dito ka muna," si Ate.
Lumingon ako kay Lukas at naka tingin lang sya sa akin while naka pamaywang. He looks like he's waiting for me to answer.
"Ah, naalala ko lang may itatanong pa pala ako kay Tita," palusot ko.
Please, please, please, Ate patulan mo.
"Talaga? Okay..."
I glanced at Lukas for one last time na agad ko din kinalas dahil nakita kong maka ngisi nanaman si Ate sa gilid ko saka dali- daling lumabas ng shop.