"Kia..." tawag ko sa pinsan kong naka higa sa kama ko habang inuubos ang isang pack ng Cheetos mag isa. "Hmm?" napaka ma- effort na sagot nya. "Saan ka mag O- OJT?" tanong ko. Isinubo muna nya ang cheetos na nasa kamay nya bago ako lingunin. "Wala pa. Hindi pa ako nakakapag decide pero most likely, around Ilaya Norte lang rin para hindi na ako lalayo. Bakit? Ikaw? Hindi ka pa rin nakakapag decide?" "Nakapag decide na ako," balita ko sa kanya. "Oh? Buti naman. Marami namang mga companies around na pwede mong apply- an eh," aniya. "No, Kia. Itituloy ko yung sa KSWG. Mag se- send na ako ng application sa kanila mamaya," ani ko. Umubo ubo si Kia na para bang nabilaukan sa sinabi ko. Dali dali kong kinuha yung bottled water na naka patong sa side table ko saka inabot sa kanya para inumin

