Mama already got discharged from the hospital at ang pamamaga ng balakang nya is getting better. I've been nursing her for the past days dahil she can't freely move around yet. Kasama naman namin si Manang Belen and she takes care of the rest.
Kahit naka uwi na at lahat lahat, she's still in front of her laptop working. She really can't stop and just rest.
"Tok tok! Delivery po!" rinig kong sigaw ni Kia sa front door.
I rushed to open the door at naroon nga si Kia with Kuya Jule at Miko na may bitbit na malaking rectangular thing na naka balot ng pinag tagpi tagping old newspapers. Tuloy tuloy silang dumiretso hanggang sa living room kung nasaan kami ni Mama na pwesto kanina pa.
"Oh, ano yan?" tanong ni Mama na nag angat ng paningin.
Isinandal ni Kia iyon sa may wall saka pinunit ang takip nitong newspaper. Just as I suspected, it is the portrait of me na naka display sa art gallery ng school na naging entry ni Kia sa exhibit noong foundation week.
"Surprise!"
Gulat na napa hawak si Mama sa bibig nya nang makita ang painting na gawa ni Kia. She showered Kia with compliments. Napaka ganda raw at totoo naman. Medyo naging competiyive pa kami kung kaninong kwarto idi- display ang painting. Sa akin ba o sa kanila ni Papa. Ang ending, Kia wishes it to be placed rito sa sala.
Nakakahiya man na mukha ko ang bubungad sa mga bisita, ayos na rin dahil ang ganda naman ng painting.
"Isang taon ka na rito sa friday ah," ani Kia.
Inabot ko ang glass bowl na may lamang cocoa powder and then the strainer to sift the powder para walang lumps ang ginagawa naming choco muffins.
"Parang kailan lang," ani ko.
Isang taon pa lang pero pakiramdamdam ko ilang linggo pa lang ang nakaka lipas.
Naka upo si Kia sa isang high chair sa harap ko habang iniisa isang lantakan ang chocolate chip at sprinkles na toppings sana sa muffin. Binuksan ko ang ref saka kumuha ng bar of chocolate at binigay sa kanya kasabay ng pag hatak ko palayo ng halos maubos na nyang choco chip.
Mag o- one year na ako rito meaning, papalapit na rin ang fiesta. The fiesta where I first met Lukas.
"Lukas is asking pala kung gusto nyong mag volunteer?"
Kia made a face. "Nope. Nope. Just no. Mas gusto kong gumala nyan. Bakit? You'll volunteer?"
"Hmm. Lukas asked me to volunteer with him."
Tumaas ang kilay nya. "Ay? Supportive jowa?"
"Hindi pa kami, Ki."
"Ayaw ko na lang mag talk," aniya.
Sigurado akong hindi naiintindihan ng iba yung set up namin ni Lukas, kung bakit hindi pa rin kami pero we act like we are together that we have so much involvement in each other's life. We just don't mind it. Ang importante naman ay okay kami ni Lukas and we're certainly heading at the same destination.
"What? Ki, okay naman ako sa ganito. Hindi kami nagmamadali."
Huminga sya ng malalim at matiim akong tiningnan. Malamang ay sesermonan na naman nya ako sa bagay na magkaiba kami ng opinion.
"It's been months? Kaka take it slow nyo riyan, mamalayan nyo na lang nawala na sa inyo yung chance."
I don't know how to respond to that. May tiwala naman ako na hindi basta- bastang mawawala yung kung anong mayroon kami ngayon. I feel like we like each other so much na roon din naman ang punta nun. I don't want to be impatient.
"Trust me, Kia. Hindi."
Inilagay ko sa box ang ginawa kong chocolate chip muffin at dahil I feel a little extra today, I also baked strawberry muffins na ibibigay ko kay Lukas at sa family nya. Ngayon na lang ulit ako nakapag bake after so long. Sana'y magustuhan nila.
Lukas Orion:
On the way na po miss maam.
Haya:
See you, sir.
I asked Lukas to come para makuha na nya yung muffins and also to spend some time with him. Si Manang raw muna ang bahala kay Mama.
Lukas Orion:
We're here.
We?
Nagtataka man, agad rin akong lumabas ng bahay kung saan nakita kong imbis na ang motor, yung montero ang dala dala ni Lukas. Napa balik pa ulit ako sa frondoor para ilagay ang helmet na hindi ko magagamit.
Bumusina sya nang makita nyang nasa may gate na ako kaya dumiretso na ako sa kotse saka binuksan ang pinto ng front seat. Agad na pumasok sa pang amoy ko ang isang matamis na scent. Amoy strawberry ang kotse nya. It must be an airfreshener.
Naka ngiti nya akong sinalubong. Ang kaliwang kamay nya ay nasa manibela at nasa clutch naman ang isa pa.
"Hey," bati nya.
"Hi, Lukas. For you and your family." I showed him the boxes of muffins that I made. "I baked that."
"Talaga? I have to try that later," aniya.
I shifted my body pa likod para sana ilagay ang boxes ng muffins that I baked pero my arms got suspended in the air sa nakita ko sa back seat.
A pair of doe eyes looked straighed into mine. It's a child wearing a cute strawberry pink dress at shoes habang naka ponytail naman ang kanyang maikling buhok at natatakpan ng perfectly straight cut na bangs ang kanyang noo.
"Lily, say hi to Ate Haya," ani Lukas.
Lily didn't say anything but instead she raised her hands saka dahan dahang kumaway sa akin.
She's so cute!
"Hindi mo naman anak si Lily 'no?" tanong ko na pabiro. Palagay ko kasi'y nasa four or five lang si Lily. Her age could easily pass as Lukas' daughter.
"No," natawang sagot ni Lukas. "Bunso namin. Miracle baby. Mom didn't know she was pregnant with Lily until five months."
"Who's the other one?" tanong ko. I think he already mentioned to me the name of his twelve year old brother pero nakalimutan ko.
"Levi," aniya
"Right, si Levi." Bumaling ako kay Lily na naka tingin lang rin sa akin. "Hi, Lily! Gusto mo mag play today?"
Lily pouted her tiny lips saka tumango. If Lily wants to play edi mag p-play kami.
Tinapik ko ang braso ni Lukas. "Sa plaza tayo."
"Alright. Buckle up!"
Habang nag d- drive si Lukas nawiwili naman si Lily sa kaka panood ng Sofia the First sa phone ni Lukas. Napaka behave lang ni Lily. Akala ko'y mahiyain sya pero nung marinig na ny ang intro ng Sofia the First, she started smiling and humming.
Para syang cute na manika! Hawig na hawig si Lily kay Tita El. Para syang mini me ni Tita El.
"Bakit pala kasama natin si Lily today? Si Levi bakit hindi mo isinama?" tanong ko.
Sumulyap si Lukas sa akin bago ibinalik ang tingin nya sa kalsada. "She was throwing tantrums. Sama raw sya sa akin. Si Levi naman hindi naman pala labas ng bahay iyon."
Tumango ako. "Good job." Muli kong sinilip sa likod si Lily. "Lily do you like strawberries? I baked strawberry muffins."
Nakuha ko ang atensyon ni Lily nang banggitin ko ang strawberries. She must've really love strawberries dahil sa kanya pala galing yung amoy matamis na strawberry sa kotse ni Lukas.
"Strawberries?" she said in really soft and cute voice.
Parang gusto ko na lang matunaw sa sobrang cute ni Lily. Gusto ko syang ibulsa at kung puwede'y i- uwi ko sa bahay.
"Yes. I baked them for you," sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam na gusto nya ng strawberries. "Do you want to try them later?"
"Opo. Strawberries are the super best thing in this world," ani Lily sabay ipinorma ang daliri nya in to number one.
"Talaga? How about Ate Haya?" tanong ko.
"Ate is..." she again pouted her lips saka tumingin sa cieling ng kotse na animo'y malalim ang iniisip. "Ate is... number two!" then she showed me her fingers forming number two.
Napa palakpak ako sa sinabi ni Lily na number two raw ako. Kahit kaka kilala pa lang namin sa isa't isa, second best raw ako para sa kanya! That is totally melting my heart!
"Why?" excited na tanong ko. "Why number two si Ate?"
"Because... because you give me strawberries."
I'm glad I went a little extra and added strawberries on my muffins that I won this cute little girl's heart.
Oh my gosh. Alam kong ilang beses ko ng sinasabi kanina pa pero ang cute at ang pure nya lang talaga.
"May I have your attention mga maam?" tanong ni Lukas.
Nang sinabi nya yun ay saka lang na tuon ang atensyon ko sa kanya but he seems okay with it na kahit date namin ito ay na kay Lily ang atensyon ko.
"Bakit?"
"We're here," he declared. Lukas parked his car nearby the plaza.
Nang patayin nya ang engine, dali- dali akong bumaba ng kotse saka binuksan ang back seat door kung nasaan si Lily.
"Lily let's go! Sama ka kay Ate?" I extended my hands to her para kunin sya at alalayan sya pababa.
"Opo." Lily wrapped her little fingers on mine habang tumatango tango. I un- buckled her seatbelt saka inilabas sya ng kotse.
Yumukod ako to match Lily's eye level and held her shoulders. "Where do you want to go first? Sa fountain or sa play ground?"
"Play ground!" energetic na sigaw nya.
"Pansinin nyo naman ako," ani Lukas sa likod namin na kaka sara lang ng kotse.
"Sorry. She's just too cute," baling ko sa kanya and I pouted my lips a little bit.
Lukas lightly pinched my cheeks.
"You're also cute. I guess I'll be spending my afternoon with two cute girls," aniya. "Ang swerte ko naman. "
Natawa ako saka inayos ang tayo ko. Hinawakan ko si Lily sa kanang kamay nya. Akala ko'y hahawakan ni Lukas ang kaliwang kamay ng kapatid nya pero kamay ko ang hinawakan nya.
Ano ako? Bata na mawawala pag nakaligtaan? Kaloka 'to si Lukas!
Iwinagsi ko ang kamay nya sa kamay ko.
"What? I want to hold hands with you too!" reklamo nya.
Pinaningkitan ko sya ng mata. "Doon ka sa isang kamay ni Lily!"
Lukas pouted at pabirong pinan lisikan ako ng mata pero binitawan rin nanaman nya saka pumunta sa kabilang side ng kapatid nya.
He's also cute.
Hawak ang dalawang kamay ni Lily, naglakad kami papalapit sa play ground.
We look like a little family.
"Ate! Ate! Look at me!" sigaw ni Lily sa taas ng slide. Nang makuha nya ang atensyon ko, umupo sya saka pina daus- dos ang sarili nya pababa sa slide.
Nasa baba naman si Lukas para abangan ang pag landing nya. Tuwang tuwa naman si Lily.
"Lily come here muna!" tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumapit sa akin na hinihingal at pawis na pawis.
Inilabas ko sa strawberry backpack nya ang towel nya saka pinunasan ang pawis nya. Mahirap na baka matuyan ng pawis at magka sakit.
Pagkatapos kong punasan ang pawis nya ay hinayaan ko na ulit sya na mag laro. Naupo na lang ulit ako sa bench kung na saan si Lukas at tumabi sa kanya habang ang mga mata'y na kay Lily pa rin. Mahirap na, ang lawak nitong plaza baka mamaya'y mawala yung bata.
"Bored ka na ba? Sorry, masyado akong nawiwili kay Lily, " sabi ko.
"It's fine. We can always hang out. Yung tayong dalawa lang. Enjoy this day with her, " aniya.
I smiled at his response to me. Akala ko talaga'y he's on the verge of sulking dahil si Lily na lang ang inaatupag ko.
"Thank you for bringing her. I love her already," I told him.
Lukas slipped his hands on mine. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya. "I bet she already loves you too."
Tinanaw namin si Lily na ngayon ay naka upo na sa swing. Naka tingin rin pala sa amin ni Lukas si Lily at kumaway. We enthusiastically waved back to her.
Lily is so small and tiny but she brings a huge amount of happiness to me. Ngayon na lang ulit ako naka halubilo sa bata dahil sa Metro, bunso naman si Camila at dito'y si Miko na ang bunso sa amin and it's kinda surprising that I know my way to the kids.
Well, they're not as complicated as adults. They'll say what they feel and what's on their mind. There's no in between for them. Kaya siguro mas madali silang i- handle para sa akin.
Lily came running to us. Agad akong umayos ng upo mula sa pagkaka sandal kay Lukas para i cater kung anumang kailangan ni Lily.
"Water," she said. Ibinigay ko naman sa kanya yung tumbler nya na may lamang tubig. Sumipsip sya roon.
Halos lahat naman ng kailanganin ni Lily ay na pack ni Lukas sa bag ng bata. I bet hindi ito ang first time that Lukas took Lily out.
"Do you want to try the seesaw, Lil?" tanong ni Lukas sa kapatid. Lily flashed her perfectly aligned teeth saka tumango tango sa kuya nya.
Tumayo si Lukas saka binuhat ang kapatid sa kamay nya. Tumayo rin ako at binitbit ang bag ni Lily para sundan sila.
Pinaupo ni Lukas sa kabilang parte ng seesaw si Lily at sa kabila sya. Pero dahil hindi naman kakayanin ng bigat ni Lily ang kuya nya, Lukas just held the handle saka tinaas at binaba iyon using his force.
Talaga bang gusto nyang laruin sa seesaw yung kapatid nya o gusto nya lang i flex yung muscles nya? Para lang syang nag li- lift ng dumbells at si Lily ang nagsisilbing bigat. Eitherway, parehas naman silang nag e- enjoy.
"Ang cute nyong dalawa," sabi ko saka inilabas ang phone ko saka kinuhanan sila ng pictures at video.
May isang batang lalaki na lumapit sa amin at naka tingin lang sya sa part ng seesaw kung nasaan si Lukas. Ka cute kute din! Ang umbok ng pisngi. Ang sarap kurutin! Lukas can't see him kasi ang atensyon nito'y na kay Lily lang.
Nilapitan ko si Lukas saka tinapik sa braso. Agad naman syang nag angat ng paningin sa akin.
"Why?" tanong nya. Tinuro ko yung batang lalaki na kanina pa naka tingin at mukhang gustong mag laro sa seesaw at agad naman syang binalingan ni Lukas.
"Gusto mong maglaro?" marahan nyang tanong saka unti unting binitawan yung seesaw para hindi biglaang malaglag si Lily.
Tumango yung bata. Lukas urged the child na lumapit sa kanya at inalalayan nya ito na sumakay sa kabilang seesaw.
"Lily, play kayo ni kuya ha?" aniya sa kapatid. Bumaling sya sa batang lalaki. "Anong name mo kuya?"
"Oli po," sagot ni baby boy na naka ngiti na.
"Play kayo ni Kuya Oli. Okay?" Tumango tango si Lily.
Finally. A playmate of her age. Mukhang sabik si Lily magkaroon ng kalaro na ka edad nya. Sabagay, everyone in their household are adults and a young teen. It must've been morefun if she has someone in her age.
Just like this boy.
Talon lang sila ng talon na dalawa't mukhang hindi mauubusan ng energy any time soon kaya't tumabi lang kami ni Lukas and watches them waste their energy.
Sana lahat mataas ang energy level. That's the gift of youth. You have the time and energy combined but as people grow older, we gradually lose our time and energy.
I hope they'd stay young forever.
"Oli, ilang taon ka na?" tanong ko. Pasalamat akong binalingan pa ako nung bata kahit na abala sya sa pag talon sa seesaw.
Oli showed his two arms at ang mga daliri nya'y naka labas lahat sa isa at sa isa'y may apat na naka fold. He's six.
"They're so cute 'no?" baling ko kay Lukas na nasa tabi ko lang.
Tumango sya and then looks fondly at me. There he goes again with that look in his eyes.
"You have a very good rapport with kids," aniya.
"I call that mother's instinct," sabi ko sa kanya.
"Right. Your children in the future will be so lucky to have you as their mom."
Agad akong napa lingon nang sabihin ni Lukas iyon. "Talaga?"
I don't know why is that it sounded like a compliment to me that it's making me melt and really happy because in the future, if binigay sa akin yung blessing to have my own kids, I'll make sure to be the coolest and the best momma for them.
"Yeah," tumatamgong pag sang ayon nya. "How many children do you think you can handle at once?"
Parang may umakyat na kung anong init mula sa kung saan and they decided to stay on my cheeks and make it red.
Is he lowkey asking me kung ilan ang anak na gusto ko?
Napa labi ako. "I think I can hadle three."
Tama lang ang tatlo. Hindi kaunti pero hindi rin sobrang dami.
Nang matapos sa seesaw, tinawag si Oli ng Mama nya. Agad nakumaway at bata't nagpa alam. Nag yaya naman si Lily sa swing so sa swing ulit kami. Marahan syang tinutulak tulak ng kuya nya't nag e enjoy naman sya.
"Dahan dahan naman Lukas!" saway ko sa kanya dahil mukhang mas tuwang tuwa pa sya na nilalakasan nya ang pag swing. Wala namang reklamo si Lily at mukhang gustong gusto rin ang ganung speed dahil she's laughing and squeaking.
Mag ka- sundo talaga silang mag kuya.
"Lily hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Lukas sa kapatid.
"I'm hungry," sabi ni Lily. Of course after wasting her energy sa kaka laro, it's about time na magutom sya.
"What snacks do you want to eat? Your kuya will get it for you."
"I want strawberry muffins!" magiliw na sabi nya.
Of course. Lily and her love for strawberries. Kahit siguro'y pakainin sya araw araw ng may kahit anong strawberries ay hindi sya magsa- sawa.
Bumaling ako kay Lukas. "Strawberry muffins raw, Lukas."
"Alright. I'll just get it. Wait for me sa may bench." Tinuro ni Lukas ang bench na kaninang inupuan namin. Saktong walang tao.
"Kiky, tara? Let's wait for your kuya to get your strawberry muffins."
Lukas went back to the car para kunin yung pagkain at inalalayan ko naman si Lily na mukhang excited.
She's just too cute while waiting for her food to come. Ang sarap i bulsa!