Chapter 18

3790 Words
"Nakapag pasa ka na?" tanong ni Penny habang hawak ang papel nya na may sagot ng assignment namin sa Business Law. Tumango ako. "Yep. Dalian mo, magpasa ka na para maka habol ka pa." Hinintay ko sya sa labas ng office para makapag pasa sya ng assignment namin dahil deadline na ng three at two fifty seven na ng hapon. Bitbit ang laptop bag ko, sumandal ako sa pader ng hallway habang wala pa si Penny. Naglalabasan na yung nag o- occupy ng kabilang room at nagulat ako nang isa si Irah sa mga lumabas. Hindi lang ako ang nagulat, sya rin. Naging alerto ang buong sistema ko dahil baka umatake na sya or what kaya nag antay ako ng ilang segundo but luckily, hindi naman sya umatake. Buti naman dahil nag uumpisa na akong mag panic. Naging blangko ang mukha mga tingin nya sa akin kaya hindi ko ma basa kung anong iniisip nya. Nag iwasan lang kami ng tingin nang yayain sya ng kaklase nya na bumaba na. Akala ko ay may sasabihin sya pero wala naman dahil tuloy tuloy lang syang naglakad palayo. Hindi na rin naman ako nag e- expect na mag so- sorry sya sa ginawa nya sa akin. Because if she's sorry, noon pa sana sya lumapit. Pagkatapos ng incident months ago, hindi ko na nakita si Irah. Hindi na rin nabanggit maski ni Lukas o napag usapan nila Ate. Hinayaan ko na lang din. This is first since that time. "Girl," lumapit si Penny sa akin. "Si Irah ba yun?" tanong nya. Tumango ako saka umayos ng upo. "Oo." Dali dali nya akong hinarap sa kanya. "May ginawa na naman sayo?" "Wala, Pen. Nagkatitigan lang kami tapos umalis na rin sya." Penny sighed because of relief. "Akala ko may ginawa na naman." "Wala." Lumingon ako ulit sa may hagdanan, making sure na naka baba na si Irah ng tuluyan. "Tara na, uwi na tayo." Pag dating ko sa bahay, wala rin akong ibang ginawa kundi ang mga schoolworks. Nag uumpisa na rin kaming maging busy dahil papalapit na rin ang midterms. Parang kailan lang nung lumipat ako. It was summer last year. Ilang buwan na lang at summer na ulit. Mag iisang taon na rin nang lumipat ako rito and a lot has definitely happened. It's safe to say na tuluyan na akong naka adapt rito and I'm starting to appreciate the mountains, the lake and plants that surrounds me. It's a different type of happiness and relaxation to wake up from the sound of hen while the rays of sun are brushing to my skin. Dati, nagigising ako ng mga alas diez ng umaga at sobrang aga pa noon para sa akin because I used to stay up very late. Ngayon, nasanay na rin ako matulog ng maaga at gumising ng ala sais ng umaga para salubungin yung araw. There's really a lot of things you can do from six to ten in the morning. Kaya pala elder people would say na tanghali na ang alas diez. There are also instances na pakiramdam ko ang bagal bagal ng oras rito. Parang naka slow mo unlike sa Metro but it's fine dahil ang dami mong pwedeng pagka abalahan rito. Lumalabas yung pagiging productive ko. My phone ringed because of the phone call from Camila. Sinagot ko naman iyon. "Hi, Cami-" "Girl, I think you should open your f*******: account, " seryosong sabi nya. Kumunot ang noo ko. Anong meron at iyon agad ang bungad ni Cami? She sounds so serious and kind of scary. Kinabahan naman ako dahil mi- minsan lang sya mag seryoso ng tono sa akin. Something probably happened. "Okay, wait." Binuksan ko yung laptop ko and I immediately logged in to my f*******: account na ilang araw ko ng hindi nabubuksan. Nagulat ako dahil sumasabog na ang notifications ko ng puro reply sa isang post. Post ni Robin. What's with him again? I clicked the notif and and nagulat ako nang makita na pinost nya iyong picture ko noong first year na naka yakap sa kanya. Agad na uminit ang ulo ko sa nakita ko. It was posted fifteen minutes ago. "Cami, what the hell? Ano na namang trip nito ni Robin?" "Have you seen the caption?" mapaklang tanong ni Cami. Napapikit ako at pilit na ikinalma ang sarili dahil lalong lumala ang init ng ulo at galit ko sa nakita kong caption na inilagay nya, 'Hi, girlfriend.' and my account is mentioned. "How dare him," is all that I said. "I told you," sagot ni Cami. I scrolled the comment section and his post were full of congratulatory comments from our schoolmates but one comment caught my attention. Kaka comment lang nito. Lukas Orion Padua: You sure she's your girlfriend? Because I don't think so. Lukas saw the post and commented! Ang kaninang inis ko ay natapalan na ng matinding kaba dahil sa nakita ko. "Cami-" "Yeah. Nakita ko rin. Your Lukas commented," aniya. "I'll hung up muna. I'll really knock some s**t out of Robin's head this time, " gigil kong sabi. "It's been long overdue." "Okay. I'll just stand by." "Thanks, Cami." I ended our call saka nagpupuyos na dinial ang number ni Robin. Matapos ang ilang ring ay sinagot nya. "So that's all I have to do para makuha ko yung atensyon mo?" bungad nya. "Take that post down and stop bothering me." banta ko. "I already told you once, hindi ba? Na stop bothering me? You don't really get it do, do you?" "What if I won't? " balik nya. "Dahil ba sa bago mo?" "Robin sobrang kapal ba ng mukha mo at hindi mo naiintindihan na ayoko na ng kahit ano mula sayo? Are you even sorry sa mga ginawa mo sa akin noon?" I shouted. "And don't even bring him up to this conversation dahil wala syang kinalaman rito! This is just between you and me!" Ipinikit ko ang mata ko para pigilan ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata ko and I clenched my teeth. "What I did was for you! It was for the sake of both of us. For our relationship to work dapat nakinig ka sa akin, Haya! If you just patiently followed my lead edi sana ayos tayo. Mas masaya tayo!" anas nya pabalik. "Now drop that guy and come back to me!" Punong puno ng galit at pagkamuhi ang mayroon ako para kay Robin ngayon. Akala ko talaga ay okay na't napatawad ko na sya dahil matagal naman na iyon pero hindi pa rin pala talaga. "You think that was for me? Hindi, Robin. That was all for you and for your ego! None of that was for me and for us! You know, technically speaking, there was never an us." "Now, don't act as if I was the one who ruined us. Because you did. And you ruined me. Liking you was like a self destruction that I wish I never did," dagdag ko. Hinding hindi ko kayang makalimutan yung pagkatao ko na nilagyan nya ng c***k at binubuo pa rin hanggang ngayon. Parang lason sa buong pagkatao ko yung ginawa nya sa akin. "That's all in your head, Haya! I swear that I love you when I pursued you. Diba? I promised you na hinding hindi kita bitawan kaya hinding hindi ako titigil na hindi ka bumalik sa akin." "That wasn't love, Ro. That is just you trying to control me to your liking. Hindi mo ako puppet! Hindi mo ako tauhan na dapat kang sundin. That's not how relationships work, Robin. That's not love! That is not how you should love!" "Just come back to me? Hmm?" muka sa pagalit na tono ay naging malambing at malambot iyon. I know better. "Hindi na nga, Robin! Hinding hindi na! Masayang masaya na ako na wala ka sa buhay ko! Tingin mo ba talaga na babalik ako sa 'yo?" Napaka kapal naman ng mukha nhya kung iniisip nyang babalik pa ako sa kanya. "Why are you being so stubborn? Ikaw na nga 'tong hinahabol ko, ayaw mo pa? You know you can't find better than me Haya." Bumalik sa matigas ang tono nya. Umatras ang luha kong nagbabadyang pumatak kanina pa sa sinabi nya. There's really no sense talking this out with him. "Stubborn? Tingin mo pag iinarte lang 'to? No! Watch me live my life without you. Kayang kaya ko Robin! At ano? I can't find someone better than you? I already did! I found somebody far way better than you, you obsessive manipulative jerk!" "You-" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya saka ibinaba ang tawag and then I blocked him sa lahat. I took a couple of minutes to calm my nerves and my mind. Diretso lang akong nakatingin sa ceiling ko while trying to control my breathing. Inhale Exhale You'll be fine, Haya. I wrote a post on my f*******: account. Helena Ysabel Almonte: He's not my boyfriend. Never and will never be. Agad na humakot ng surprised reaction iyong post ko from people we both know and may mga comment asking what's the truth and what's happening. Nang maka bawi ako't kumalma na ng kaunti, I logged out from all of my socials saka muling tinawagan si Cami at ibinalita kung anong naging resulta ng tawag ko kay Robin. "He said that?! Gago ba syang tunay?" gigil na gigil at halos pa sigaw na sabi ni ni Cami. I can hear the loud noise in her line. She's probably out. "Yeah. Sa sobrang gigil ko, binabaan ko na lang sya ng phone and then blocked him." Humiga ako sa kama dahil pakiramdam ko umiikot na naman ang paligid ko sa rami ng emosyon na inilabas ko kanina. "Mabuti naman. Ano, kumusta ka na?" marahang tanong ni Cami. I sighed. "I'm fine. Ayos na. Gumaan na rin yung pakiramdam ko na tinuldukan ko ang kahit anong koneksyon mula sa kanya." "Are you sure?" paninigurado ni Cami. "Yup, Cams. Okay na." Naagaw ng atensyon ko ng mga katok mula sa pinto. "Sige na, Haya. I'll talk to you next time." "Hmm... thanks Cami!" Ibinaba na ni Camila ang tawag. Binuksan ko naman iyong pinto at si Ate Yuli ang nasa labas ng pinto. "Beb," bati nya saka pumasok at sinarado ang kwarto ko. Tumikhim ako para i ayos ang sarili. "Bakit, ate?" Iginaya ako ni Ate paupo sa kama ko. "Ayos ka lang?" tanonng ni Ate Yuli. Lahat ng luha na huminto kanina ay pakiramdam ko bumalik. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Ate at unti unting nagsi bagsakan yung mga luha ko na parang talon. Ate Yuli warmly hugged me to my comfort. Hinayaan nya lang na ibuhos ko ang ang lahat ng nararamdaman ko. "Shh... It's okay, Haya. Umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa huling patak. Dito lang ako." I feel sorry for my younger self for putting up with the jerk who doesn't deserve her love. I wish I knew better. I wish I have never experienced those horrible things. I wish I didn't mistook love from manipulation. I wish I didn't tell myself na that was okay and I deserve it. I wish I said no. There are a lot of things I wish I never did and a lot of things that I regret up to this day. I wish I would heal from the things that still haunts me. But I feel better now that I've let those thoughts and feelings out. I feel like I could go on now. I just wish to be finally happy. I stopped crying at umangat na rin ako mula sa pagkaka sandal kay Ate Yuli. Pinupunasan ko ng towel ang luha ko. Maga na ang mata ko sa kaka iyak and my eyes are all red from crying. "Sorry, ate, nabasa ko tuloy yung damit mo." Pinunasan ko yung shoulder area ni ate dahil basa na ng luha ko kanina pa. "Ano ko ba. Don't say sorry for the things like this. It's okay. Damit lang yan na matutuyo rin." Nangilid na naman ang luha ko sa sinabi nya. "Oh. Oh. Oh. Wag ng umiyak," natatawa nyang sabi sa akin. Lumabas si ate para kuhaan ako ng tubig pero sinabi kong ikuha na rin ako ng ice cream sa ref. Kakain na lang ako kesa mag ii- iyak. Paubos ko na ang ice cream na dala ni Ate Yuli at humuhupa na rin ang iyak ko nang may maalala ako. "Ate paano mo nalaman?" tanong ko. "Nakita mo ba sa f*******:?" Ang sakto kasi na nandito sya kung kailan I'm at the edge of breaking down. I know I can handle myself but sometimes, it feels nice to have somebody whom you can lean on. "Hindi. Tinawagan ako ni Lukas. I check raw kita kung okay ka lang raw ba. Sabi ko, bakit ka naman hindi magiging okay? Then ayun, sabi nya tingnan ko raw yung post. Tiningnan ko, tapos nakita ko yung mga comment nung Camila Amaris na hindi raw totoo tapos she was cursing yung nag post. Nang makita ko yung post mo, dumiretso na ako rito." Ibinaba ko yung kutsarang hawak ko saka pinunasan iyong luha ko na pumatak sa mata ko. I feel so loved and comforted. Mula kay Ate Yuli, kay Cami, and Lukas... of all people. Si Lukas. Hinawakan ko yung kwintas ko na Orion's Belt. He's always with me. "Beb, I think you need to see this," sabi ni Ate. She handed me her phone at bumungad sa akin yung post pa rin ni Robin. He really didn't take down the post huh. Saan ba nya nakukuha yung ka- kapalan ng mukha nya? Ate clicked yung naunang comment ni Lukas and it revealed a thread of comments by Lukas... and Robin. Lukas Orion Padua: You sure she's your girlfriend? Because I don't think so. Robin De Guia: Oh yeah? Tanungin mo si Haya ng mapahiya ka. Lukas Orion Padua: Should I? Baka ikaw ang mapahiya? Robin De Guia: Sino ka ba? Lukas Orion Padua: Does it matter? Robin De Guia: Ah, ikaw yung bago? Have fun. I know she'll come back to me. Lukas Orion Padua: I bet you not. You know why? Because I am treating her right while you... I guess you didn't. Lukas Orion Padua: You had your chance with her and I bet you didn't shoot your shot properly. That is exactly why she's not going to come back to you. Lukas Orion: Now delete this dahil Haya posted na hindi ka nya boyfriend. Delete so you can save yourself for further embarassment. I looked at Ate Yuli at isa isa na namang nag tuluan ang mga luha ko. This time, it's tears of happiness. I am so happy that I have these people beside me. "Thank you Ate... Thank you..." Sobrang sakit ng puso ko at sama ng loob ko sa ginawa at pinagsasabi ni Robin ngayon pero nangingibabaw sa puso ko iyong saya at gratefulness to the people by my side. Talong talo ng pagmamahal nila yung sakit. "Always, Haya. We got you always." My phone beeped to a text message. Lukas Orion: Gusto mo bang magpa hangin? I think I need that. Having breakdown in my bedroom somewhat feels suffocating and tight. Lukas Orion: I'm outside your house. Lukas Orion: Let's go for a drive. Ipinakita ko kay Ate iyong text at tumingin sa kanya like I am asking for her permission. "Ikaw bahala, beb." Dinampot ko sa drawer iyong jacket, ang phone at wallet ko saka lumabas kahit na naka tshirt at jogging pants lang para sumama kay Lukas. Pag bukas ko ng gate, I rushed towards him ang wrapped my arms around his waist and placed my head in his chest. Rinig na rinig ko ang pag tambol ng puso ni Lukas just like mine. Nagulat sya sa biglaan kong pag yakap sa kanya dahil muntik na kaming mabuwal pero buti na lang at agad nyang nabawi ang balanse. "H- Haya," tawag nya sa akin. "Thank you. Thank you so much, Lukas." Without hesistation, Lukas also snaked his left arm on my waist at lightly caressed my hair on his right. "You don't need to thank me, Hayabear. I'd be willing to protect you always," aniya. "Now get your helmet inside because 'No helmet, No ride' policy tayo rito." Oo nga pala! Kumawala ako sa pagkaka yakap kay Lukas saka tumalikod. Lumakad ako pabalik sa bahay para sana kuhanin pero naroon na si Ate Yuli na naka tayo sa gate hawak ang helmet ko. "Ate, thank you." I hugged her tight. "Kulit naman. You're always welcome nga!" natatawa na nyang sabi. Bumusina si Lukas kay Ate Yuli bilang pagpapa alam bago pinaharurot ang motor. As usual, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Lukas. Sabi nya, kahit naman kasi ipa alam nya sa akin kung saan, hindi ko rin naman malalaman hanggang sa dalhin nya ako roon. Totoo naman. Pamilyar ang daan na tinatahak namin ni Lukas. Nang matanaw ko ang mga tent sa malayo pa lang, alam kong sa may cliff na kami pupunta. Buong akala ko na titigil na kami roon pero nag tuloy tuloy lang si Lukas sa pag drive sa highway na pa taas na. Nang unti unti kaming tumugil, mas lalo akong napa nga nga dahil literal na para kaming nasa ulap. Nasa mataas na bahagi kami ngayon, higher than the cliff that I feel like I could actually reach for the clouds. Pumormang O ang labi ko sa nakita ko. Nag e- enjoy na namang makita si Lukas na manghang mangha ako. Sabi ni Lukas ay mag papa- hangin lang kami pero parang literal yata na hahanginin kami sa lakas ng hindi lang ihip kundi buga ng hangin. Naupo kami sa malaking bato na pwedeng upuan. Pakiramdam ko ay kumakalma na ako ng bahagya. Umiikot pa rin sa utak ko iyong nangyari kanina. We sat quietly why are eyes are pinned on the enthralling view that we see here. "Lukas?" tawag ko sa kanya. "Salamat ulit. For standing up for me, for being here, for the comfort, and for checking if I'm okay. It means so much to me." Wala akong ibang maibigay kay Lukas ngayon aside from a warm smile. "Do you feel much better now?" tanong nya. Tumango ako. "Why aren't you asking me?" tanong ko. "Asking about what?" balik na tanong nya. "Yung kay Robin." Nagtataka lang ako by this time na hindi nya pa ako tinatanong about it gayong kanina pa kami rito naka upo. Does he already know? Saan o kanino nya nalaman kung sakali? "I don't want to ask you and put you into a situation na you'll be uncomfortable," aniya. "You can tell me but I don't want to ask you about the things that you might wouldn't want to speak about." Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na ito na para akong niyakap ng mga salita ni Lukas ngayong araw. "That was Robin," panimula ko. And there, I began telling him what happened. How it started, how it went, how badly it ended and how it became like this. Tahimik lang si Lukas habang pinakikinggan ang kuwento ko. Ang kaninang maamong mukha ni Lukas ay nagiging medyo agresibo as the story progresses. Natapos ang pag ku- kwento ko sa Lukas na naka salubong na ang kilay at masama na ang timpla ng mukha. Panay rin ang pag iigting ng panga nya nang ikwento ko kung paano ako gina- gaslight ni Robin. Ilang segundo ring na pako ang tingin nya sa akin bago nag salita. "You don't deserve him." Malalim at punong puno ng emosyon ang mata nya lalo na ngayon na pag tumitig ako sa kanya ay para akong nililunod. I know that now. Tumango ako. "I don't." "Thank you for being strong, Haya. It must've been so tough holding on to that pain." Umiling ako sa sinabi nya. "May kasalanan rin naman ako. Kung sana'y noong mga unang beses pa lang syang nagpaparamdam eh tinuldukan ko na ng tuluyan, sana hindi na kami umabot sa ganito. All I did was to ignore and run away. Para bang tinapalan ko lang ng band aid yung problema. Akala ko kasi titigil rin sya pag wala syang narinig sa akin." "And it's not your fault na hindi nya yun ma gets. You are not responsible for his actions, Haya." Masama pa rin ang timpla ng mukha ni Lukas pero napaka rahan ng tono ng boses nya ngayong nag uusap kami. It's as if he's trying to push down all the anger in him. "If he bothers you, tell me. I'll handle him and I'll make sure he never bothers you again." "Hindi na. Hindi na nya deserve mabigyan pa ng atensyon." Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ni Robin pero I really hope I knocked some sense out of his head. Sana lang talaga ay tumigil na sya dahil ayaw ko na ng gulo. What happened today's already too much. Hindi ko na yata kakayanin pag may isa pa. Lukas reached for my hands. Muntik na akong ma blangko nang akala ko ay hahawakan nya o ipagsasakop nya sa kamay nya pero he started pressing the spot where between my pointing finger and thumb. Okay, Haya. Let's pretend na kunyari hindi ka nag expect ng slight. "Anong ginagawa mo?" "I'm putting pressure to your union valley point," aniya. Nangunot na naman ako ng noo sa sinabi nya. "Union valley point?" "Yeah. It is said to reduce stress and headaches. I hope this helps." Nang kumalma na ako ng tuluyan, hindi na rin kami nagtagal at hinatid na rin ako ni Lukas pauwi. Sinabi ko rin kasi na gusto kong magpahinga na muna. "Lukas, alam kong paulit ulit pero salamat talaga," pahabol ko bago pa nya mapa andar ang motor nya. Tumango sya. "You know you can always lean on me, right? I want to be with you with everything." I nodded my head. "I know." "Saka, thank you rin... for treating me right." "You deserve to be treated right, Haya." Kumaway ako kay Lukas na nag drive na palayo saka dumiretso sa kwarto ko. Surprisingly, naroon pa rin si Ate Yuli. Si Kia ay naroon na rin na dinambahan ako ng yakap pag bukas ko pa lang ng pinto. "Hayop yung Robin na yun! Wag kang mag alala sis. Habang wala ka, chinat ko't pinagmumura na tigilan ka na. Ang kapal nya!" Lumingon ako kay Ate Yuli. "Pinigilan ko. Sabi ko hayaan na lang pero ayaw pa pigil. Hindi nya raw titigilan hangga't hindi nya na ba- bash." Natawa na lang ako. "Salamat Kia... Ate..." "Ano ka ba! Problema ng isa, problema ng lahat," sabi ni Kia. "Movie marathon?" si Ate. "Game!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD